May bestfriend ako. Akala ko kaibigan ko sya. Yun pala, crush nya ako. Nalaman ko yun kase nawrong send sya. Nakakatawa pa yun. HAHAHAHA. Tapos mula nun, mas naging close pa kami. Tapos madalas tumatawag sya sakin, lagi kong hinihintay yun, pag wala yun naddisappoint ako at nalulungkot. Pag naaalala ko sya at iniisip yung mga masasayang alaala kasama sya, naisip ko na may gusto na din ako sakanya. Pero dahil pakiramdam ko ayokong mainlove sa bestfriend ko, pinipigilan ko yun. Takot kase ako na kapag nafall ako sakanya, baka bigla nya akong iwan sa ere. Kapag nabasa nya ito ngayon, hindi nya ko paniniwalaan. Pero yung isang beses na natawa ako sa sarili ko kase nagdadasal ako nun, ang sabi ko, "Lord, ingatan nyo po si Issa kase, mahal ko na sya.". HAHAHAHA. Pinukpok ko pa yung ulo ko nun at natulog na, natatakot kase akong marealize na inlove ako sa bestfriend ko. :) (Totoo to promise) Kaya nagccrush ako ng super dami. Kinekwento ko dun sa bestfriend ko na kinikilig kilig ako sa mga crush ko na yun, para lang. wala. Tinatry ko kase kung magsselos. Parang hindi kase umeepekto eh. Naisip ko nun, Manhid ba sya? O talagang assuming lang ako na may gusto sya sakin. Hindi ko maexplain nun kung nasaan yung mali. HAHAHA. Hanggang isang araw, naamin ko na sa sarili ko na mahal ko sya. Pero naiilang ako sabihin sa iba yun. Pero nung inuumpisahan ko ng magparamdam. Yung kinatatakutan ko, nangyari syaaa. HAHAHA. Nagkagusto nga sya sa iba. :) Angsakit nun grabe. Pakiramdam ko pinaasa nya ako at yun ang pinamukha ko sakanya, Alam ko nagtataka na sya nun kung bakit daw nya ako pinaasa. Hindi mo naman kase alam na mahal kita. Ang manhid eh. HAHAHAHA. Pakiramdam ko talaga nawala na sya sakin. Tapos talagang pinapamukha nya sakin na wala na talaga. Feeling ko talaga huli na ang lahat. HAHAHAHA Ang drama drama. XD Tapos hindi rin nagtagal yun, umamin ka rin na mahal mo ako, at dun ko lang din inamin na mahal kita. April 5 yun diba. :) Ang saya nun. :D Tapos dun na nagumpisa ang lahat. :D Niligawan mo ba ako? Hindi ko cinoconsider yun eh. HAHAHAHA. Basta ang alam ko nun mahal na mahal kita at mahal mo din ako. Kaya nung May 28. Dun na naging tayo. :D Alam mo yung nakakakabang feeling nung tinanong kita, na dapat sa personal kaso nahihiya ako. XD Feeling ko di mo ako sasagutin eh. Pero sinagot mo ako. Ang saya talaga nun alam mo ba? :D Kaya nung first day of school na unang beses kitang makikita na girlfriend na kita, feeling ko masaya. Kaso dinededma mo lang ako nun as in. Parang hindi tayo. Angsakit. Tapos angdami dami ko ng pinagseselosan nun. Para talagang wala lang ako sayo. Tapos lagi mo akong pinapakanta noon. Pero hindi ko magawa kase nahihiya talaga ako. Kaya, isang beses sinabi mo makikipagbreak ka pag di ako kumanta. Eh hindi nga ako kumanta. ^^ Ayun nakipagbreak ka nga. Pero never akong umoo. Pero hindi ko rin pinagpilitan ang sarili ko kase ramdam ko na dinahilan mo lang yun para makipagbreak pero ayaw mo na talaga. XD Kaya nagpakabitter ako HAHAHAHA. Pero wala. Mahal pa rin kita. Gustong gusto ko na nga makipagbalikan agad agad kaso nahihiya ako. XD At nung birthday ko, nakipagbalikan ka na. Ang galing galing talaga. Ang dami dami ng nangyari. Nag-away tayo, nagbati, nagkaselosan kung kani kanino, nagcool-off pa tayo pero nagkabalikan din kinabukasan at hindi nagpapansinan. Pero hanggang sa mga oras na to. Tayo pa rin. Mahal na mahal talaga kita. :D Hindi pa ito yung huli ng lovestory natin at hindi ko alam kung happy ending o hindi pero ang alam ko lang, hangga't buhay pa ako, mamahalin kita araw-araw. :D Sabi sayo corny to eh HAHAHAHA. XD Tawa ka na lang. :D Sasabihin ko nga lang pala,
I LOVE YOU ISSA MARIE MANAOIS CATAPANG :)
BINABASA MO ANG
Happy Monthsary :)
RandomGinawa ko lang ito para maiba yung paraan ng pagbati ko sa monthsary namin ng mahal ko. :D