Warning : I'm not fluent in Spanish.
"Ano ba, inaantok na ako babe." Singhal ko nang pinipilit ako ni Dave manood ng movie. Kagabi, ako ang nag-pack ng luggage namin. Dalawang maleta ang dala namin dahil nga may taping kami ay dala ko rin ang taping clothes ni Dave. Napuyat tuloy ako.
"KJ mo." Asik niya.
"Pinuyat mo ako kagabi." I raised my middle finger, siya naman ang nasa window side dahil airsick siya at mas comfortable raw siya roon. Tinaas ko naman ang window shade to take a picture of the view. Nakatake-off na kasi ang plane. Mahabang flight din ito, almost eight hours. Noong i-cacapture ko na ay hinarang niya ang kamay niya sa phone.
"Napaka epal mo 'no?" Tinapik ko ang kamay niya.
"Ako lang pwede mo picturan." He pouted.
"Picture ka mag-isa mo." Sabi ko at tumagilid na para matulog.
Our flight lasted for eight hours and a half kaya nanakit pa ang likod ko dahil wala kami sa business class. Kapag kasi roon kami, unfair sa mga staffs. Hindi naman pwedeng lahat kami sa business class dahil hindi na kakayanin ng budget.
"Touch down Melbourne!" Sigaw niya noong nakababa kami ng airplane, kaya tinakpan ko ang bibig niya. Umalis kami sa Pinas nang 6 A.M at nakarating ng almost 2 P.M. Masakit pa rin ang likod sa haba ng pagkakaupo.
"Taga bundok ka ba?" I rolled my eyes at hinawakan nalang ang kamay niya. Baka maligaw pa siya. Namiss ko rin talaga ang Austi. It served as my second home and where I became a better person.
"Pake mo ba ha? Kanina mo pa ako binabara. Baka patulan kita, sige." Sabi niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko at hinalikan. Baliw.
Kumain muna kami sa airport bago sumakay sa cab. Tatlong cab ang sinakyan namin at kaming apat nila Kirsten ang nasa unang cab. Wala si Makai dahil hindi naman siya kasali sa Australia scene. Andito si Madie dahil 2nd AD at andito si Dave dahil wala lang, sinama ko lang pero ang highlight ng sequences nito ay si Kirsten.
Sa Mantra Tullamarine kami nag-stay na hotel. Kami ang roomates ni Dave at si Madie at Kirsten sa isang room.. ayaw pa nga pumayag dahil baka magsparing lang daw sila roon. Ang mga staffs na kasama namin ay pito lang kaya nasa iisang room sila na tatlo ang kama. Dito tuloy napunta ang sahod ko for this month, sardinas muna ulam namin pagbalik. Autumn ang weather dito sa Austi kaya puro pangwinter ang prinepare ko. Maglalunch muna kami kaya naligo ulit ako. After taking a bath, I weared a white turtle-neck top paired with a knitted cardigan and mom jeans. Hindi na ako masyado nag-abala sa make up dahil wala kami masyado muna gagawin today bukod sa magpahinga. Sa buhok ko naman ay si Dave na ang bahala.
"Kapag ako talaga napaso hiwalay na tayo." Sabi ko dahil siya ang magkukulot ng buhok ko. Professional daw siya kaya vivideohan pa niya ang pagcucurl niya sakin.
"Whoa, ang ganda nga, eh!" I tried to stiffle a smile dahil totoong maganda nga. Atleast nakahanap na ako ng hair stylist.
"Sige, let's go na." I ignored him kaya ngumuso siya
"Wala man lang thank you or prize!" He rolled his eyes.
"Ano ba gusto mo?" Biro ko habang inaayos ang laman ng bag ko.
YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...