My Diary
November 26, 202*Dear Diary,
I thought this is just one of those typical days I have since I started working at Lei Win Design three years ago after I graduated in Interior Design---but a while ago our boss wanted us to prepare our team's portfolio para mapili ang team namin para sa Silvestre Hotel.
Dahil dito, naalala ko nanaman siya.
Ilang taon narin simula noon. Pero, nakalimutan ko na ang lungkot at sakit na naramdaman ko noon. Kailangan lang talaga ay panahon para maghilom tayo.
I became busy because of school noon kaya doon ako naging abala. Dahil graduating nako, hindi ko na napagtuonan ng pansin ang recording offer ni Zick sakin noon.
Tinanggihan ko 'yun kasi gusto kong mag-focus sa trabaho ko. I tried our relationship and it wasn't that bad. Masasabi kong nagkaigihan naman kami ni Zick because we lasted for six months.
Hindi kami nagtagal. Because he was busy with his work and time came that he asked for space na siyang binigay ko nang buo. He was the one who breaks us apart. Hindi ako.
Pinunan ko ang pagiging girlfriend ko sa kaniya because I'm done looking after my real feelings. Gusto kong alagaan ang feelings ng iba. Ayoko nang may masaktan ako.
It wasn't hard to love Zick Bustamante. He was the sweetest, the most gentlemen I know. But we didn't last long because our paths were too far gone to reach each other.
Last news I have with him is that may collaboration sila ni Wanna at di kalaunan ay naging sila. Wala narin naman akong pakialam lalo na kay Wanna na parang hindi ko na kilala.
She's not my friend anymore. Hindi na siya ang Wanna na nakilala ko noon at naging kaibigan ko at sinira niya 'yun only because she couldn't get over of Fern.
Wala narin akong balita tungkol sa mga Silvestre at sa Bustamante dahil ang natitira kong ties sa kanila na si Jeyzel ay hiwalay na kay Matteo.
Ang alam ko lang---nasa abroad pa si Fern. Pero hanggang doon nalang ang alam ko dahil para siyang bulang nawala sa social media. Siguro ay abala sa kaniyang trabaho.
I just hope that if ever I work for the Silvestre, hindi na mag-cross ang landas namin. Anyway, I have to start brainstorming for ideas para sa presentation next week.
-Kayderine Sharia Alcalde
BINABASA MO ANG
To The Guy Named, Fern Silvestre (TTGN #1)
Teen FictionA frustrated fantasy writer searching for her perfect alpha character inspo. A guy with weird extraordinary eyes. One accident photo. Will it end up a love story or just one regret? #1 WEBSITE #Epistolary