Prologue

49 2 1
                                    

Sabi nila mas madali daw ang mag-aral kaysa magtrabaho. Dahil kapag nag-aaral ka wala kang masyadong iniintindi kundi ang grades mo, may baon ka pa!

Sa Elementary hindi pa masyadong nabubuksan ang mga isip natin dahil masyado pa tayong bata. Hindi pa tayo masyadong lumalabas sa ating mga shells. Kaya naman hindi pa natin sineseryoso ang mga bagay-bagay. Wala tayong pakialam kung magkamali man tayo ang mahalaga ay ang ating kasiyahan.

Sa High School naman nag-uumpisa ang ating mga kalokohan. Dito tayo nagkakaroon ng tropa, ng kagalit, ng crushes o di kaya ng boyfriend at girlfriend. Mas nagiging adventurous tayo at gustong subukan ang lahat ng bagay. Madalas din tayong magpapalit-palit ng desisyon. At sa bawat pagkakamali natin ay lalo tayong tumitibay.

Pagdating naman sa College ay nagiging seryoso na ang lahat. Seryoso sa pag-aaral, sa ambisyon sa mga desisyon at pati na rin sa relasyon. Mas nagiging wais at madiskarte tayo. Tama na ang paglalaro dahil hindi na tayo bata.

But what is the most difficult lesson in a student's life? Is it Algebra? Science? Calculus? Or maybe love? Explore the journey of each protagonsists in 4 different stories of love, sufferring and pain.

The Most Difficult LessonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon