"God loves you so much. "
May mga times na gusto na nating pumunta sa Kanya. Na pagsilbihan Siya. Dumating sa puntong Siya nalang ang kailangan natin para mapuno ang kulang sa buhay natin. Esecially sa puso natin. Pero nahihirapan tayo.
Gusto din nating maramdaman ang mga nararamdaman ng malalapit sa Kanya. Iyon bang parang wala silang problema. Iyon bang kompleto sila kasi may Panginoon silang nalalapitan. Gusto din natin 'yon.
Natatameme tayo pag si Lord na ang napag-uusapan dahil wala tayong alam. Pero hindi din nila alam kung gaano mo gustong makilala si Lord.
Alam mo ba alam ni Lord ang nararamdamaan mong paghihirap. Akala mo nag-iisa ka lang pag 'broken-hearted' ka o di kaya pag nasa kapighatian ka. Pero di mo alam na nasa tabi mo na Siya. You're just too busy to notice. If you just learn how to listen to His voice. If you just desire to know Him more. He is more than willing to respond to you.
"i am scared."
Maari mong sabihin. Pero sa'n ka takot? Na manibago ang iba. Alam mo ba na nagsasaya ang Panginoon sa mga taong nagbabago?
"fear no more"
Wala kang dapat katakutan. Kung kinatatakutan mong baka hindi ka tanggapin ni Lord dahil sa dami mong kasalanan, nagkakamali ka. The arms of God is waiting for you. If you desire Him. He also desires to be with you.
Mas marami pang kasalanan ang iba. Ang iba, pumatay. Ang iba, nagnakaw. Ang ilan drug pusher pero nang makilala nila si Lord. Nang naisin nila si Lord, nagbago sila.
Alam mo bang protektado ka kapag nasa Panginoon ka. Hindi ka Niya hahayaang madapa. Basta maniwala ka lang sa Kanya.
"He wants you to be saved"
Gusto ka Niyang kalingain katulad ng mga anak na Niya. Gusto Nya ikaw din ay kasama Niya. For He wanted that all of us will be saved.
He is not here to be a judge. He is here for us to be saved.
"Come to God"
Lumapit ka sa kanya hindi dahil sinasabi ko ito, hindi dahil 'yon ang kailangan, kundi dahil "you desire to know who your Creator is."
Ang paglapit mo'y gawin mong makatotohanan. Maniwala ka sa Kanya.
Just really LOVE Him.
For those who really LOVE Him knows who God is, Knows what He wanted and what are His dsires.