Abby POV
Nag uusap kami ngayon ni Simon kung san kami mag pophotoshoot. Gusto ni Mommy ibang bansa pero mas gusto ko na dito lang sa pilipinas.
“Boracay? Subic? Batangas? Cebu? Puerto Prinsesa? Wow! Hirap ah!” Nastress nako kakaisip. Hinilamos ko kamay ko sa mukha ko. Napansin ko si Simon nakangiti lang habang nakatingin sakin.. “Baket? Anong problema mo? Tanong ko sakanya, nakakunot noo ko.
“Wala lang. ang ganda mo kase eh” Tska nya ako kinindatan. Nahiya tuloy ako. Ramdam kong namula dalawa kong pisngi.
“Gusto ng mommy mo sa japan daw o kaya sa korea” Sabi nya habang prenteng naka dapa sa kama ko.
“Mas gusto ko sana kahit dito nalang tayo. Parang gusto ko sa Laguna.”
“Sge sabihin natin sa mommy mo. Final naba yun? Laguna?
“Oo. Laguna nalang.” Sa wakas nakapag decide na din ako.
“Tara puntahan na natin mommy mo.” Sabi nya. He pinched my nose. Nagulat ako dun. Napatingin ako sakanya.
“What?” Tanong nya habang nakangisi.
“Pssh. Wala!” Tska ko pinalo ng bahagya ang braso nya.
“Aw” Sabi nya habang hinihimas nya braso nya.
“Eh! Oa mo. Mahina lang yon” Nagbibiruan kami hanggang sa makarating kami sa master bedroom pero si manang ang nakita namin”
“Hi Manang” Masigla kong bati sakanya.
“Oh iha? Buti naparito ka” Tanong nya habang inaayos ang mga king size na kama nina mommy.
“Si mommy po?”
“Nandun sa may pool, nag kakape sila ng daddy mo”
“Ok manang thank you po” Bumaba na kami tska pinuntahan si Mommy. Pag dating namin sa may pool nakita naming sina dad and mom. Kahit may edad na e sweet parin sila ni dad. 2 years lang ang gap nila ni daddy.
“Hi Mom, hi dad” Bati ko sakanila tska hinalikan sila sa pisngi.
“Oh ano? Nakapag plano naba kayo?” tanong ni daddy.
“Yes dad” Naka ngiti kong sinabi.
“Where?”
“Laguna po” Sagot ni Simon.
“But I prefer korea. Maganda dun anak” Sabi ni Mommy.
“Mom, dito nalang po. Please? Gusto ko po sa Laguna eh” Sagot ko sakanila.
“Love, hayaan mona sila. Dun nila gusto eh” Sabi ni daddy tska ininom yung kape na gawa ni manang. Sarap kasi mag luto tska gumawa ng kape ni manang eh. Magiling sya sa kusina tapos masipag pa.
“Osya sge sge.” Tumango tango nalang si mommy.
“Balik na po kame sa loob” Sabi ni Simon. Tumango naman sina dad tska mom.
Bumalik na kami sa kwarto ni simon. Movie marathon, kwentuhan tska foodtrip lang ang banat naming. Mag hahapon na ng umuwi sya. Ako nalang mag isa sa kwarto at naglalaro ng games sa cellphone ko.
--
Maaga ako nagising, pag baba ko. Nakalapag na ang breakfast. Natakam sa sa bacon, egg tska hotdog.
“Wow sarap naman nya” Sabi ko papalapit sa mesa.
“Kain na po” Sabi ni Lynda isa naming maid. Hinila ko ang upuan para makaupo ako.
“GoodMorning” Sabi ni Mama. Nakababa nap ala sya. Bagong gising.
“Si dad?” Tanong ko tska sinubo ang nasa kutsara ko.
“Maaga umalis, nagka problema ata sa kompanya” Sabi ni mama.
Nagulat kami ng bigla syang mag suka.
“Are you okay mom?” Tanong ko.
“Ah, yeah. Nangasim lang sikmura ko. “ Tska hinihimas nya tyan nya.
“Kaen kana po”
“Sge” Matipid na sinabi ni Mommy.
After naming kumaen nagpasama si Mommy sa grocery. Wala na kasi kami stock na fruits. Pagdating naming sa Market. Kumuha ako ng Cerials, Mogu mogu, c2. Etc.. Napansin ko si Mom, madaming fruits. Binili na nya ata lahat ng nasa lalagyanan. Sa sobrang dami. Kumuha din sya ng dalawang ice cream. Hindi naman mahilig mag ice cream si mommy.
“Para kanino yan mommy?” Tanong ko. Nacurious kasi ako.
“Sakin. Sa atin” Sabi nya. Ng matapos kami mag grocery dumaan kami sa Coffee shop ni Mom. Kumuha sya ng dalawang box ng Cake. Napa kunot ang noo ko.
“Mom? Kanino yan?”
“bakit ka naman tanong ng tanong anak. Sympre satin” Sagot nya. Si mommy kasi pag kumaen ng cake konti lang. Ako lang nakakaubos kapag nagdadala sya sa bahay. Nakakapag taka talaga.
Pag uwi namin. Pina slice ni Mommy yung cake sa maid tska nagpadala ng isang basong ice cream sa kwarto nya. May pumapasok sa isip ko nab aka buntis sya pero porke ba nag suka lang tska naging matakaw buntis na agad? Tska ang tanda na nya.
Mag gagabi na dumating si daddy. Nasa couch ako ng Living room. Nakahiga habang nanonood ng Movie. “Hi dad” Pag kakita ko sakanya tska kinaway ko kamay ko.
“Hello baby” Tumayo ako tska hinalikan sya sa pisngi nya.
“Si mommy?” Tanong nya.
“Nasa kwarto po natulog ng mag damag. Dad, kaninang morning nag suka po si mommy. Tapos nagging matakaw” Report ko sakanya.
“What? Baka may sakit mommy mo” Sabi nya.
“I don’t know dad. Pero feel ko, uhhmmmm. You know, buntis sya. Hahaha”
Nag kibit balikat sya habang nakangiti. Tska umakyat na papuntang kwarto.
Biglang nag Vibrate Cellphone ko. Unregistered number. Sino kaya to.
[Hi Sidney] Sidney? Hindi ba yun yung bida sa isang movie?
“Who’s this?! Hindi Sidney ang pangalan ko! Wrong number ka.”
[I don’t know who you are but I will find you and kill you] Line ni Chuck Norris yun eh. Sa taken!
“Kapal mo! Pwede ba kung wala kang magtripan huwag ako. Hanap ka ng kausap mo!”
[Girl, nakakasama ka ng loob. Hindi mo na kilala maganda kong boses? Huhuhu]
“Ay! Gwen! Sorry! Ang laki ng boses mo. Kala ko hindi ikaw. Sorryyyy po, hehehe”
[tse! I miss you girl]
“Tagal mo nawala ahh? Musta ang London naging Masaya ba kayo ni boyfie mo dun?” tanong ko.
[Ok naman, stay strong parin. Osya na punta ka nalang sa salon ko. Papagandahin kita]
“Maganda nako. Hehehe. Osge”
[babush na]
Namiss ko din tong bruhang to eh. Tagal nawala. Pumunta sila ng london kasama boyfriend nya si Mj naman busy sa work nya, sa kompanya ng boyfriend nya. Ako naman, Tambay parin.
Nakaramdam ako ng antok. Umakyat nako sa kwarto para matulog.
Pupuntahan ko si Gwen bukas sa Salon nya. Dapat lang! Dapat lang na makabawi sya sakin. Hahaha. Tagal nya nawala eh. Miss kona ang bonding namin tatlo.
A/N: Thank you. Hehehehe. Paki PM ako sa mga interesadong maging OP. Salamat.
BINABASA MO ANG
Two Hearts Become One
Teen FictionA/N: This is my first time na gumawa ng story. Basahin nyo po sana.. Ilang araw ko pinag isipan yan and pinagpuyatan. Suportahan nyo po sana ako and kailagan ko din mga suggestions nyo. Thank you :) Pinalitan ko po ang title ng story. Copyright (c)...