CHAPTER 11
THE CLASHTumawa ako ng malakas.
"HAHAHAHAHAHA"
'What's your problem Ms. Jhanine?'
"Anong problema ko? Wala naman."
'So why are you laughing'
"Masama bang tumawa? Hindi naman diba? Its a free country. I can do everything I want. Saka nakakatawa kasi e. CLASH? My god. Talo na kayo. Wag ka ng Umasa. HAHAHAHA"
Habang tumatawa, Lumabas ako ng Gym.
-_____- Tss. Asa naman talaga sila e.
Sa sobrang kainisan ko sa kakapalan ng mukha nya, Lumabas ako ng School at dumiretso ng mall.
Kumain muna ko sa Jollibee! Tapos bumili naman ako ng McFloat at Fries sa Mcdo. Tapos bumili ako ng pizza sa Greenwich. Nagpareserve din ako ng pizza sa pizza hut para may pagkain ako mamaya sa bahay. Tapos umorder ako ng halo halo sa Chowking. Kumain din ako ng Soup sa KFC. Nagpareserve din ako ng cake sa Goldilocks at Red Ribbon.
'Kanina ko pa nakikita yang babaeng yan. Halos pasukin na lahat ng fast food chains e. Pero ang Cool! Ang sexy nya pa din. Di nga lumaki ung tiyan e. Cute'
Napatingin ako sa lalaking nagsalita at ngumiti. Compliment din un :>
'Omo! Diba si Jhanine un? Ang dakilang Maldita?'
'Omo! Sya Nga. Bakit kaya ang maldita nya? E mas maganda pa nga tayo dyan e'
Tumawa sila ng tumawa. Nagkaroon ako ng urge na lapitan sila.
Kung makatawa naman tong mga to, Wagas. Kita gilagid saka ngala ngala. Eww.
'Hi Ladies'
Napatigil naman sila sa pagtawa at natulala saakin.
'Oh? Ano na? Did I scare you?'
Wala pa ring sagot.
'Oh? Kanina kung makapag'Usap kayo napakalakas ng boses nyo. Rinig ko nga mula dun sa bench oh. Tapos ngayon, napipe kayo? Anong problema nyo sakin?'
'Wala po'
'WALA PO? ANO? UMURONG NA BA YANG SUNGAY NYO? HA? Ayos din kayo ha.'
Humakbang sila ng tatlo patalikod.
'Oh? Bat kayo lumalayo?'
'Ui, tara na. Natatakot na ko sa kanya'
Sabi ng kasama nya.
'Bat kayo natatakot sakin? Wag nga kayo matakot. Dapat nga ako ang matakot sa inyo e. Mukha kasi kayong bangkay na kakaakyat lang mula sa hukay'
Nakita kong kumunot ang noo nung isa.
'Kung makapagsalita ka ha? Maganda ka ba? Mas may itsura pa nga ako sayo e'
'Kapal mo naman te. Kung maganda ka, dyosa ako. Wag kang Feeler. Asa ka pang malalamangan mo ang Beauty ko. Kahit maligo ka pa ngayong araw ng sampung dram at magkuskos ng libag gamit ang benteng bato, LAMANG pa din ako sayo!'
'Maganda ka nga, maldita naman'
'At least maganda diba! May freedom magMaldita. E ikaw? Masama na nga ugali, masama pa ang mukha. Pwe.'
Narinig ko namang tumawa ang mga nanonood saamin.
Tinulak ako ng babae pero hindi ako natumba.
'My God naman. Tinulak mo na ako with full force pero di man lang ako napaatras mula sa kinatatayuan ko. You're such a FEELING BEAUTIFUL BUT DEFINITELY AN UGLY WEAKLING. Tss. Tabi nga. Bibili muna ako ng sobrang laking alcohol. Baka kumalat pa ang germs MO sa buong katawan KO!'
Dumaan ako sa gitna nilang dalawa.
Narinig ko namang napasinghap ang dalawa.
'Wait. Oo nga pala, next time. Mag'Ingat kayo sa nag-Iisang JHANINE Z. JIMENEZ, ok? Para naman hindi kayo ma' TRASHTALK!
A/N: I NEED VOTES AND COMMENTS BAGO KO I POST ANG SUSUNOD NA UPDATE. NASA DRAFTS LANG SYA PERO ANDAMI KO NANG CHAPTER NA NATYPE. READY TO PUBLISH NALANG. SO,,, VOTE! VOTE! AND VOTE! ;* Muaaahh. PS. Ang Ganda ko XD
BINABASA MO ANG
Trashtalk
HumorMaldita Strikes :> Ang storya na to ay tungkol sa isang babaeng sobrang maLdita at walang ibang ginawa sa buhay kundi mang-Inis ng ibang tao. Walang sinasanto.