Hindi ako makalabas sa amin o makatrabaho man lang, Lauro doesn't want me to go out. Kahit paghatid sa anak ko ay hindi ko magawa. Limang araw na mula noong pumunta si Diane dito at pinag-isipan ko lahat ng pinag-usapan namin. I just need to explain my side to Lauro. Mahalaga siya sa akin at itong pagsasama namin kahit alam naming wala ng pag-asa ay mali. Ayaw ko siyang saktan. Alam kong ang pagpili ko kay Sais ay napaka unfair for Lauro, pero mas magiging unfair ako kung mananatili ako sa tabi niya na si Sais ang laman ng puso ko.
''Mamay, hindi mo ba ako ihahatid?'' tanong ni Issa sa akin. Malungkot ang mukha nito. Nakaramdam ako ng awa para sa anak ko.
Ngumiti ako at pinagpag ang palda niya ''Ihahatid ka ni Mamay, anak'' aniko at tumayo sa pagkakaupo sa sarili kong paa.
''Mamay, bili mo ako chocolates'' pahabilin ni Hazel sa akin. Nakahiga ito sa kama habang pinapanuod kami ni Issa.
Nilingon ko siya ''Uminom ka na ng gamot'' sabi ko sa anak ko at kinuha ang gamot sa bedside table para ibigay sa kanya.
''Mamay, tapos na po ako kanina lang. Inunahan na kita'' sabi niya pa na parang nanghahambog.
Napangiti ako at lumapit sa kanya para hagkan ang noo niya. ''Ang galing naman talaga ng anak ko''
''Syempre naman, Mamay. We're going to travel to another country with Papa, so I need to be strong and healthy'' sabi niya sa akin. Hinaplos ko lang ang buhok niya.
Alam kong hindi ako makakasama lalo na't next week na ang lipad nila. Diane said it to me. Siya ngayon ang nagbabantay kay Sais para hindi makagawa ulit ng gulo. I need to settle this first. Ang sa amin ni Lauro.
Ibinilan ko muna si Hazel sa loob ng kwarto nila. Nanonood siya ng Barbie. Kasama si Manang. Pupunta mamaya si Diane dito, ewan ko kung anong sadya niya pero alam ni Lauro na pupunta ito ngayon. Hindi naman pumalag si Lauro. Diane is the billionaire's woman. One of the boys siya. Siya ang pinakamamahal ng lahat ng Billionaire na lalaki. Hindi ko nga alam na magkakilala sila ni LLauro,pero kinuwento niya sa akin na nagkakilala sila dati dahil sa Kuya ni Diane. Ang pinaka matanda sa lahat ng Billionaires na kasali sa Billionaires Club, sa kasawiang palad nga lang ay namatay ang Kuya niya.
Bumaba kami ni Issa at nakita kaagad namin si Lauro na nakatayo, mukhang hinihintay nalang si Issa. Siya na ang palaging naghahatid kay Issa. Nagpapasalamat nga ako sa kabaitan ni Lauro dahil ni minsan ay hindi niya tinaasan ng boses ang mga anak ko. Kahit alam kong nasasaktan siya.
Malakas at mabilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit kami kay Lauro. Parang nagiging gulaman ang tuhod ko dahil sa takot. Nakakatakot magalit si Lauro parang si Sais lang. Umayos ako ng tayo nang makalapit kami ni Issa sa kanya. He looked at me and scanned my whole body. Magkasalubong ang kilay.
''Ako na ang maghahatid kay Issa'' I said.
''No'' he snapped.
Napakuyom ako.
Para na akong nakakulong dito. Hindi ako niminsan sumuway sa utos niya simula ng mangyari iyon pero iba na ang usapan kapag tungkol na sa mga anak ko. Nagtagis ang ngipin ko.
''Papay, I want Mamay to go with me'' pakiusap ni Issa, pero wala paring emosyon ang mukha ni Lauro.
Naiiyak na ako. I want to cry out of frustration.
''No, baby. Papay will get you to school, your Mamay will stay here'' may diin niya sabi. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Issa.
''Papay...'' Naiiyak na sambit ni Issa.
''Lauro naman'' pagmamakaawa ko.
''No. Let's go, Issa'' pilit niya pero natigil kaming tatlo nang marinig ang boses ni Diane.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.