Nagkaroon ng marameng oras na magliwaliw si jonas dahil nag aantay pa ng kanyang susunod na project makaraang matapos ang project nya sa bahay ni James..
Halos magtatlong linggo na rin ang nakalipas nang huli nya itong makita at sa kasamaang palad ay nagkaroon pa sila ng di pagkakaunawaan..
Pinilit iniwaksi ng dalaga sa kanyang si isipan si James..
batid nyang mahirap ang kalimutan ang binata kaya naman ayaw nyang ibakante ang sarili sa pag iisip sa binata..
ayaw pa sana nyang umuwe dahil mag isa sya ngayun sa bahay dahil nagpaalam si Almira na uuwe ito sa probinsya dahil may saket ang anak neto..Palabas na sya ng kanyang opisina ng tumunog ang kanyang cellphone..
"hello..si Jonas po ba ito?"
"opo..sino po ba sila?"
"Jonas si Mang Caloy ito.."
"Mang Caloy!kamusta napo kayo ni aling Meding?teka panu nyo nakuha ang number ko?"
natutuwa ang dalaga ng marinig ang tinig ni Mang Caloy.."sa ate Lenie mo.."
"ganun po ba..napatawag po kayo?"
"kasi iimbitahan ka sana namen ngayun kung pwede ka sana..kasi kaarawan ni Meding..dalawa lang kasi kame dito ngayun.."
"huh?san si James?"
ang nais na itanung ni Jonas ngunit di na ito naisatinig.."hello..Jonas si aling Meding ito.."
masiglang tugon ng matanda.."aling Meding kamusta po kayo..happy birthday po.."
ang masaya bati ng dalaga.."ayos lang naman kame..at salamat sa pagbati..sana naman makapunta ka dito ngayun..naghanda ako ng kunting salo salo..sana makarating ka.."
himig na umaasa si aling Meding na makadalo ang dalaga.."sige po..pupunta po ako.."
"talaga?!..sige salamat naman kung ganun!..aasahan ko ang pagdating mo ineng...sige na babye na nang maihanda ko na ang hapagkainan.."
halata sa matanda ang kagalakan ng malaman na dadalo ito sa kanyang kaarawan.."sige po aling Meding.."
at nawala na ang kausap sa kabilang linya..
Namiss din ni Jonas ang dalawang matanda na nakilala nya sa bahay ng binata..
nasasalamin nya kasi dito ang mga magulang nya na nasa probinsya kaya naman naisipan nyang bumili ng cake para sa matandang nagdiriwang ng kaarawanNabungaran ni Jonas sa labas ng kanilang establisyemento si Bryan na noo'y pasakay na ng kotse nito..
"Jonas!pauwe ka na ba?sabay na kita..doon din naman ang daan ko sa inyo pauwe"
"salamat po sir Bryan pero may dadaanan pa po ako.."
"ahm..pwede ba malaman kung san ka papunta baka dun din ang ruta ko?"
"h-ha?,,s-sa may pastry shop po.. di naman po kalayuan dito..mag tricycle na lang po ako sir Bryan baka makaabala pa po ako sa inyo.."
nakangiting tugon ni Jonas.." I insist..idadaan na lang kita doon..medyo may kalayuan din naman yun dito.."
Nag aalangan man ang dalaga ay pinagbigyan nya na rin ang binata..
Saktong huminto ang sasakyan ni James ng makita nyang pasakay na si Jonas sa sasakyan ni Bryan..
may kung anung matalas na bagay na parang sumaksak sa kanyang dibdib ng makita ang dalaga na kasama ni Bryan..
"jonas..please love me back.."
ang tanging.hiling ng puso nya..
dahil sa walang magawa ang binata sa pagsama ni Jonas kay Bryan ay
naisipan na lang nyang tumuloy sa hotel upang lunurin ang sarili sa alak..
BINABASA MO ANG
I Love You Since I Was Sweet 16
Romance"Jo-Jonas bata ka pa!at isa pa nakainom ka lang!di mo alam yang ginagawa mo!" Habang patuloy sa pagbaba ng sout na gown ang dalagita.. "James,,mahal kita at kayang kaya kong gawin at higitan ang ginagawa ni Lara sayo" Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang...