Ika-dalawampu't walong kabanata

175 5 4
                                    

--------------

       Oo nga't galit ako sa babae sa likod ni ate na binalak kong patayin pero dahil sa paliwanag, unti-unting nababawasan ang galit ko. Oo at pwede itong magbalik pero sana, malimutan ko. Sana makayanan ko na limutan ang mga mapapait na alaala.

--------------

Winter Sky by Yuya Matshushita


Rosalia Lynna's PoV

Nanginig si Wendyl at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinanuod ko lang sya at muntikan na syang bumagsak. Kahit ang babaeng nasa harapan ko ay wala ring ginawa. Pareho kaming kinabahan sa nangyari pero ng makatayo naman ng maayos si Wendyl ay nakampante na ako.

"Wends ayos ka lang?" tanong ko sa kanya at balak ko ng ibaba ang espadang hawak ko para lapitan sya pero napahinto ako ng tumunghay sya at ngumiti sa akin.

"Kapatid ko." Sabi nya. Boses yun ni Wendyl pero alam ko kung sino talaga sya. Si Ate ko. "Kapatid ko, patawarin mo ako sa nagawa ko. Hindi ko talaga gustong saktan ka noon pero hindi ako makawala sa kontrol nila sa akin. Nawalan ako ng dignidad at kamalayan dahil isa akong raped victim." Nahinto ako sa paghinginga ng sabihin nya iyon. Nakahawak ang kanan nyang kamay sa dibdib nya dahilan para mapatunayan kong sya nga ang apatid ko.

Sobrang bata ko pa ng huli ko syang makita pero hindi maaalis sa aking isipan ang mga gestures at paglalambing nya subalit nawala ang lahat ng dalahin nya ako sa isang cruise na syang kumitil sa kanyang buhay.

Tumingin ako sa babae sa likod nya pero hindi ko makita ang reaksyon nya dahil nakatungo sya.

"Sinabi ng lalaking nagsisilbing ama mo ngayon na gagawin ka nyang sex slave tulad ko kaya wala akong ibang naisip kundi ang itago ka. Ang magkunwari na pinatay kita at si Milka mismo ang kukuha sayo at gagamot sayo mula sa saksak na ginawa ko pero iba ang nangyari dahil sa batang ito. Naiba ang plano at nakuha ka nya. Natakot ako kaya hindi ko magawang iwan ka. At dahil din dito, ang batang lalaking ito," hinawakan nya ang dibdib ni Wendyl. "Ay patuloy na tinitingnan ka at pinapahalagahan ka. Buong buhay nya narito lang ako sa loob nya naghihintay ng tamang pagkakataon para makita't makausap ka."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nya kung totoo man yun paano nakakayanan ni Wendyl ang ganoong bagay. Isang espirito sa loob ng katawan ng tao? Paano nya natitiis ang kilabot sa loob nya? Bago ko pa man maitanong iyan ay may dalawang lalaki na dumating. Ang isa ay nagmula sa bintana at ang isa sa pintuan dumaan.

"Iniisip mo siguro kung bakit hindi nasasatan ang lalaking minamahal mo habang nasa loob ng katawan nya ang kapatid mo." Sabi iyon ng lalaking poker face na nasa likod ni Milka o mas kilala ko bilang Necean. Tingin ko sya si Milka na tinutukoy ni Ate. Naglakad sya pakaliwa nya hanggang sa maupo sya sa gilid ng kama at magdequatro ng paa. "Half dead na si Wendyl at ang babaeng yan ang nagsisilbing apoy ng buhay nya." dagdag pa ng lalaki.

"Hindi ko namalayang ganoon pala ang nangyari sa kaibigan ko hanggang sa sandaling namatay ang isang guro dito sa ating paaralan. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit sya natanggap sa school na ito. Ang pagkakaroon nya ng kalahatiang buhay." Napalingon ako kay Al na nagmula sa bintana.

"Ako nga pala si Aren. Hindi nyo na kailangang malaman pa ang background ko. Gusto ko lang ipaalam sa iyo bata, na kapag pumatay ka, ako ang magpaparusa." Aangal na sana ako noon at aapila ng sumingit si ate.

"Totoo ang sinasabi nya kapatid ko. Pakiusap. Hindi mo na ako kailangang ipaghiganti. Alam kong nasasaktan dahil napaglaruan ka pero nakikiusap akong huwag kang pumasok sa kadiliman. Hindi man ang batang ito ang makatuluyan mo, meron at meron paring itinakda para sa'yo. Kaya nakikiusap ako, huwag mo ng itutok kay Milka ang iyong sandata." Tumingin muli ako sa kapatid ko.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon