Chapter 6-The Proposition

72 5 0
                                    

AMBER

"Anak, may point si Tyrel. Kahit pagbali-baligtarin ang mundo, siya pa rin ang ama ng kambal. Hindi ka ba natutuwang magkakasama na mga anak mo? May bonus pang tatay. Hindi ba't matagal ng hinahanap ni River ang tunay niyang ama?"

"Nay, hindi ganoon kadali iyon. Naalala ninyo po ba noong puntahan ko siya para sabihing buntis ako? Halos ipagtabuyan niya ako! Kulang nalang sabihin niyang ipalaglag ko ang sanggol! Kung hindi lang mahina ang katawan noon ni Lake at kapos na kapos tayo dahil baon tayo sa utang at magpapaopera ka pa, hindi ko siya iiwanan sa mga Torrez."Bumadha ang guilt sa ina. "Ang balak ko ay ipakupkup siya sa kanyang lolo at lola, hindi ko akalain sa huli kay Tyrel pa rin mapupunta ang anak ko."

Sabagay, bakit bahiindi ko naisip na maaaring ipa-DNA Test ang sanggol? Mayaman nga pala sila at possible lahat. Ang kinakagulat ko lamang ay napunta talaga sa pangangalaga ni Tyrel si Lake.

"Baka naman tadhana na ang naglalapit upang mabuo ang inyong pamilya. Hindi rin biro ang anim na taon, anak. Naiintindihan ko ang reaksyon niya bilang magulang. Ang isipin na may isa pa siyang anak na hindi nakakapiling. Ikaw ba hindi nasasabik makasama si Lake?"

Lalo akong napahikbi. Of course I wanted to be with my son! Gusto ko nga siyang bawiin sa walanghiya niyang ama. But the way I see it, it seems that Tyrel has the upperhand over me. Mas makapangyarihan siya at kaya niyang baligtarin ang batas kung kinakailangan.

"Pero, Nay... Kita ninyo naman kung gaano kasama ang ugali ng taong iyon."

"Matagal na iyon. Malay natin nagbago na siya? Nakita mo naman ang resulta ng pagpapalaki niya kay Lake di ba? Mukha naman mahal na mahal niya ang apo ko."

"Opo, naging spoiled brat."ingos ko. Sa totoo lang mahal na mahal ko si Lake at naiintindihan kong bata pa siya pero kung ako ang nagpalaki sa anak malamang hindi ito lalaking ganoon. Laking pagsisisi kong sa mansion iniwanan ang bata. Ngunit wala akong magawa.

"Siguro'y kulang lang sa aruga ng ina. Anong ginagawa mo? Para saan pa ikaw ang ina kung hindi mo magagawang alagaan at gabayan ang anak mo?"

"Nay..."

"Hindi kita didiktahan sa pasya mo, Amber. Malaki ka na at higit kaninuman, ikaw ang nakakaalam ng makakabuti sa kambal. Ang sa akin lang, hangga't may pagkakataon lumaking magkasama ang kambal, bakit hindi ninyo pagusapan ni Tyrel ang sitwasyon?  Hindi na kayo mga bata. Kailangan ninyong harapin ang katotohanan na may mga anak kayong isasa-alang-alang. "

I can't help myself. Yumakap na lamang ako sa ina upang umamot ng lakas ng loob.

It's now or never.

"Hoy, gago."

I heard him hissed from the other line.

"Mag-usap tayo."

-

"Payag na akong makilala ka ni River bilang ama pero sa isang kondisyon. Ipapakilala mo din ako bilang ina kay Lake err Jacko. Puwede mong dalawin at dalhin s-si Jacko sa bahay para makasama din namin siyang mag-iina."

Ngumisi ng nakakaloko si Tyrel. Sa hitsura Ng damuho mukhang hawak nito ang alas. Nagkita kami sa isang seaside restaurant na matatagpuan sa kabilang bayan. Ayaw ko na mag-usap kami kung saan maaaring makita kami ni Ilog.

Kinakabahan man ay hindi ko pinapahalata. I don't want him to feel that he has an edge over me. Kahit iyon ang katotohanan based on his family's power and influence.

"I think you're forgetting something woman. Malaki ang atraso mo hindi lang sa akin kundi sa pamilya ko. Tinanggalan mo ng karapatan hindi lang ako kundi ang buong pamilya ko na makasama si River. Wala kang kakayahan manguna, sa sitwasyong ito, ako dapat ang masusunod. Kung gusto mong makasama pa ng sabay Ang mga Bata then you have to abide my rules."

Sabi na nga ba.

"What rules?"I raised one eyebrow. Naku, wag na wag nitong mahihingi ang puri ko kundi maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi dahil may nangyari dati at may nabuo ay--

"You will live with me with our twins."

Bumagsak ang panga ko. "W-What? Nababaliw ka ba?"

"You heard me, Ambrosia. You will do what I said or I will take River and Jacko away from you? Mamili ka?"

"Lumuwag na ba ang turnilyo mo sa utak? Sa tingin mo mabubuhay tayong matiwasay na magkasama sa iisang bubong? Ito pa nga lang nag-uusap tayo hindi na natin mapigilan magsigawan pagkatapos magsasama pa tayo? Imagine how toxic our home will be! Makikita pa ng mga Bata paano tayo magbangayan."

"Ayaw mo non may thrill?"

"Gago?"

Humalakhak lang ang kumag pagkuway nagseryoso na.

"Well, kung ayaw mo madali naman akong kausap. Babalik Ako ng sabado para kunin si River."

"Sa tingin mo papayag ako? Papayag ako na ibigay ng ganun kadali ang anak ko?"

"You have no choice, Ambrosia. Pera at kapangyarihan ang kalaban mo rito. Kahit ilang kaso pa ang isampa mo, alam natin pareho kung sino ang mananalo sa kaso."

May Punto ito.

"Where's L-La--I mean, where's Jacko? I want to see him. Dalhin mo ako sa kanya."Bigla akong nataranta. Pano kung totohanin niya ang mga banta?

"For what? Iniwan mo ang bata sa labas ng gate namin six years ago na parang tutang pinamimigay mo lang sa kapitbahay. It's either pumayag ka sa proposition ko at makasama ang mga Bata o habang buhay na kayong Hindi magkita. Mamili ka, Ambrosia."

Ako Naman ang napangiwi. May dahilan kung bakit ginawa ko iyon at alam Kong alam ni Tyrel ang pagiging masasakitin noon ni Lake. Kung nagkataon healthy ang Bata ay nunca Kong iiwan si Lake sa pamilya niya.

Nang matagal akong nanahimik ay ipinagpalagay ni Tyrel na hindi Ako sang ayong sa Plano niya.

"It's settled then. Have River's things packed by the Saturday morning. Susunduin ko siya at--"

"Sandaliiii! Sinong may sabing ipapaubaya ko ng ganyan kadali ang anak ko? Baka nakakalimutan mong may sariling isip at damdamin na si River, kahit papiliin mo pa siya alam kong Ako ang pipiliin niya."

"Then what will it take for you to leave us alone? Money? Ilang milyon ang gusto mo? House and lot? Negosyo? Name your price, Catigbak."

"I don't need your damn money, Torrez! Dugo't-laman ko ang kambal. Wala kang karapatan ilayo sila sa akin!"

"And so am I. Baka nakakalimutan mo Ako ang ama nila? Ilang taon mong ipinagkait sa akin ang existence ni River? You made the decision of letting Lake go when you left him outside the mansion."

"Hindi mo mabibili ang pagiging ina ko sa mga bata!"

Tumaas ang isang kilay ni Tyrel. "Wrong. Lahat ng bagay may halaga. Lahat ng tao nasisilaw sa pera. If that's the only way for you to stay out of our lives, then magkano ka?"

Buwisit talaga ang lalaking ito mula noon Hanggang ngayon! Wala na itong ginawang mabuti. Kung ganitong tao ang magpapalaki sa kambal, siguradong mga barumbado at walang respeto sila pagtanda. Papayag ba ako ng ganon? Siyempre hindi! Hindi ako nagpakahirap hubugin si River na maging marespeto at magalang na Bata para lang mapolusyunan ang isip ng ama nito!

"Tarantado! Kung iniisip mo na papayag akong ilayo mo sila sa akin nagkakamali ka."

Maka-nanay si River. Malamang mag-iiyak si Ilog oras na magkahiwalay kami. Hindi ako papayag. Ang kapal ng apog Ng lalaking ito na takutin ako? Mula noon Hanggang ngayon alam na alam nito kung paano hahanapin ang kahinaan ko.

"Payag na ako tumira Kasama ka at mga bata pero sa isang kondisyon, dapat kasama namin si Mama sa paglipat. At! At! May sariling kuwarto kami ni Ilog dahil hindi iyon nakakatulog na Hindi ako katabi."

"Sure. "He grinned wickedly.

Hindi ko nagustuhan Ang ngisi sa kanyang mukha ngunit natabunan na iyon Ng kasabikan Makita at makasama ko ang anak na si Lawa. Sa wakas makalipas Ang ilang taon muling mayayakap at mahahawakan ko na ito.

LS1: The Ruthless Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon