MARIKIT.
"Colas? Hindi ba parang subra naman ang isang linggo para sa pag akyat baba niya sa bundok na yan?" Tanong ko habang naka tingin sa prinsepe na umaakyat na ngayon sa bundok, pang limang araw na niya ngayon pero parang Hindi naman siya nag rereklamo at napapagod parang pursigedo talaga siya sa pagsasanay niya at matoto pero ako naaawa sa kanya, iba kasi ang paraan niya ngayon ng pagsasanay hindi katulad sa kaharian may magsasanay sayo pero hindi ganito kahirap.
"Hindi masasanay ang kanyang katawan kung isang araw lang, hindi madali ang Sino man makakalaban niya kaya mas mabuting handa tayo." Napatingin ako sa kanya, nakasandal siya ngayon sa puno habang nakapikit, tama naman siya sa sinabi niya mas mabuti na nga handa, Isa sa katangian ni Colas na gustong gusto ko ay may paninindigan, buong puso at tapat sa pinaglilingkuran, Kaya Hindi ko mapigilang humanga sa kanya noon palang kahit may kasungitan siya pero palagi sumagi sa isip ko na isa lang akong mababang nilalang para magustuhan niya ang katulad ko.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan mabuti ang kanyang mukha na maamo, matangos ang kanyang ilong, mapula ang kanyang labi ang sarap halikan, parang siyang maaliwalas na dagat pero nakakalunod.
"Anong ginagawa mo?" Napaatras ako ng magsalita siya habang nakapikit parin.
Nako po! Naramdaman niya ba ako? Ano gagawin ko? Napamulat naman siya ng mata.
Ngayon nakatingin na siya sakin."A-ah ano, hehe ikaw naman may langaw lang binugaw ko hehe, sige tulog kana ulit." Tumalikod ako at umupo ulit sa batuhan kung saan ako nakaupo kanina, tiningnan ko ulit ang prinsepe pero nararamdaman ko parin ang tingin ni Colas sakin hanggang ngayon. Napahawak nalang ako sa noo ko. Bakit ka pa kasi lumapit marikit!!
"Marikit!" Nagulat ako sa kanya ng nasa tabi ko na pala siya.
"Tingin mo? Ano nang nangyari sa kaharian ng Watevia at Lufivia? Sigurado akong nanganganib ang namumuhay don, Ang aking ama! Ano kaya nangyari sa kanila?" Oo nga pala ang bayan namin, dahil Isa na kaming kriminal sa mga tao sa Flavia nasisiguro ko ganon din ang tingin nila sa bayan namin, Ang pinuno ko at Ang binibini baka mapahamak sila ng dahil sakin. Nakikita ko ngayon ang lungkot sa kanyang mga mata sigurado ako nasasaktan siya sa mga nangyari samin. Naging tapat naman kami, pero dahil may mga taong halang ang kaluluwa Ito ang nangyari samin. Walang katumbas na parusa ang kasalanan na pinaratang samin, Kung sakaling mahuli kami ay buhay namin ang maging kapalit."Ang panalangin ko lang na Sana nasa maayos silang kalagayan, katulad mo nag aalala din ako." Ako ay nagmula sa kaharian ng Lufivia, kaharian ng mga lambana. Ang Lufivia ay hindi naman talaga kaharian ng may Hari at Reyna tinawag lang itong kaharian dahil Isa sila sa nangangalaga sa elemento ng lupa at ganon din sa ibang kaharian.
Nagbitaw siya ng buntong hininga tapos tumayo.
"Umuwi na tayo, sunduin mo na ang prinsepe." Napansin ko papalubog na nga ang araw kaya ginawa ko ang sinabi niya.
Umikot ako ng ilang ulit bago naging lambana, lumipad ako palapit sa prinsepe at pansin ko ang pagod niya.
Pababa na siya ngayon sa bundok, Kaya sa baba ko nalang siya hinintay.MARCO.
Napamulat ako ng mata dahil parang may tao sa labas, galing pa ako sa pag iinsayo kanina pero parang Wala akong naramdamang sakit at pagod, bumangon ako, naglakad sa bintana at sumilip ako para tingnan kung Sino ang nasa labas. Kumunot ang noo ko dahil parang hindi sila taga dito dahil sa kanilang pananamit, may dala pa silang espada. Agad ko ginising si Colas at Marikit para sabihin may tao sa labas Kaya tiningnan din nila, napansin ko nagulat sila Kaya nagtaka ako, kilala nila ang mga yon. Lumapit sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Marco And His Destined. (On Going)
FantasySimple naman ang pamumuhay ng isang binatilyo na kasama ang kanyang pinakamamahal na Inay. Pero dahil sa isang pangyayari nagbago ang kanyang kapalaran. abangan...