sorry sa matagal na update dami ko lang problema bbybabes :<Callix Pov
Lunch break , Nakiusap ako sa dalwang kaibigan ko na hindi na muna ako sasabay sa kanila mag lunch. Dahil gusto ko munang pumunta sa Likuran ng school.
Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sakin. Kasabay nun ang mga ibong tila nagkakantahan. Nakapamulsa akong naglalakad patungo sa tambayan ni Rea na nagustuhan ko simula nuong mahalin ko sya.
Hindi iyon kalayuan kayat narating ko agad ito.
Dumiretso ako sa may puno , na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan.
Hinawi ko ang mga dahon na nagsilbing taklob sa nakaukit na pangalan namin rea. .
" Callix and rea " mahina kong saad.
Miss na miss ko na sya lahat miss ko na. Patuloy parin kong nangungulila rito ngunit kailangan kong magtiis hanggang sa maging maayos na ang lahat. Pinapangako ko sa sarili ko na babalikan kita , babalik at babalik ako sayo. Wala akong ibang patutunguhan kundi sayo...
Kasabay nun ang muling pagtulo ng luha ko.
Dahan dahan akong naupo sa may ugat nito at sumubsob sa mga tuhod ko.
Mga ilang minuto pa ako sa ganung sitwasyon ng biglang may naamoy akong perfume. Na sobrang pamilyar sakin kaya dahan dahan akong tumunghay at doon ko nasaksihan si Jen na kagat kagat ang labi nito na animoy galit ang pustura.Akma kong pupunasan ang mga luha sa mata ko ng may iabot sya saking panyo.
Wag ka ng umiyak tahan na.
Sabay upo sa tabi ko.
Sabay kaming tumingin sa kawalan.What are you doing here?
Baka tambayan namin to callix
Nod. Oo nga pala.
Wag ka ng umiyak dyan hindi bagay sayo.
Nakatingin padin kami sa mga punong nagtataasan.
Bakit mo ba nagawa yun? Bakit mo sya iniwan? Bakit ganun , bakit nahuli namin sa aktong magkasama kayo sa kama ni dasuri?? Sunod sunod nitong tanong sakin.
Wala akong ginawang iba , natulog lang talaga kami ni Dasuri Jen maniwala ka sakin.
Bakit mo iniwan yung kaibigan ko? Bakit mo sya sinaktan ng ganito?
Lahat ng to may malalim na rason.
Pinigilan kong maiyak muli.Sana yung rason mong yan ay makakabuti sainyo. Sa kanya
Medyo nagtaas na ng boses si jen kayat nagtaka nako sa mga inaasal nito.May mali ba kay Rea Jen? Bakit nga pala hindi sya pumapasok?
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. Marami , marami ng nangyari kay rea simula nung iwan mo sya , marami na ring nagbago at marami ng maling nangyayare na hindi mo pwedeng malaman, hindi pwedeng malaman ng kahit na sino man. Basta wag kang magsisisi sa huli kung may mangyareng masama na hindi natin kakayanin.
Mabilis itomg tumayo at nagpagpag pa ng damit.
Mauna nako callix , seeyou later sa party.Doon ay nagdalwang isip na ako kung pupunta paba ako sa party nayun o hindi na. Simula nung nangyareng yun hindi na ko nagpakita kay dasuri , Pero okay naman na kami. Humingi na ito ng pasensya saakin.
SAMATHA POV
kasalukuyan kaming nag aayos ni Rea sa Dressing room. Ewan ko ba kung bakit isasama pa ko ng babaeng to dun , e alam naman nyang hindi kami close ni DASURI . Matagal na kaming hindi ulit nag uusap ni dasuri dahil sa hindi talaga kami magkasundo nito.
Simpleng dress lamang papunta doon sa venue ganun na din si REA dahil kapag nasa resort naman na is kailangang naka two piece o any clothes na pang dagat talaga.