16

9 1 0
                                    


Nagtampisaw na silang lahat habang ako naman iyong naiwan dito sa mesa paminsan-minsan ay kinukunan ko din sila ng picture. Pinapanuod ko silang nag-eenjoy ng may maramdaman akong yumakap sa likod ko.

"Swim with me." Napahigpit iyong yakap niya sa leeg ko kaya dahan-dahan ko itong hinawakan.

Akma kong tumayo kaya napabitaw ito, ginawa ko ay nilapag ko iyong tuwalya at hinubad iyong suot kong t-shirt na kanina pa naman basa.

"Waaahh!!!"

"Bwesit ka Gel maya ka sakin!" Halos pumutok na litid ni Rica kakasigaw.

"Hahaha! Mabaho ka raw kasi, nangangamoy patay ka na!" Ellie

Kanina pa talaga sya pinagkakaisahan ng mga kasama namin kaya dragon face na naman si donya.

Napabaling naman ako sa katabi ko ngunit napalingon din agad sa pool. Nagkaabot kasi iyong mata namin, di ko agad napansin na nakatitig na pala ito sakin.

"Tara..." nauna na ako sa kanya.

Ako ang unang lumusong at ng pag-ahon ko naman ay dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng nakababad sa tubig ang kanyang binti. Lumapit ako sa kanya at nakuha naman nito agad iyong nais ko, binuhat ko siya pababa at ng asa tubig na siya ay hinayaan ko lang siyang makatapak sa floor habang ikinapit nito ang isang kamay sa aking braso. Grabe, sa ilang taong di kami nagkita nakakagulat na hanggang ngayon ay di parin siya marunong lumangoy. Pero mas nakakagulat na ang hilig niyang sumama sa mga gantong trip ng barkada. Galing!

"Ay!"

"Dahan-dahan..." nakakatawa kasi takot na takot talaga siyang napakapit sa balikat ko.

"Wag ka munang malikot kasi!" Oh, 'ta mo'to! Sya pang may gana mag sungit.

"Hindi kita inaano jan ah."

"Ayy! Bwesit!"

Hahaha!

Inalalayan ko na lang itong sumakay sa likod na di rin naman niya na tanggihan dahil nga sa di rin siya makatayo ng maayos sapagkat madulas iyong sahig ng pool. She was now riding on my back as i went closer to our friends ng tawagin nila ako. Inabutan ako ni Roxy ng baso indicating for my turn pagkaabot ay tinungga ko ito agad at inaya si Kara na sumulong sa ilalim ng tubig na pinayagan naman niya. Habang asa ilalim ay nag-antay ako saglit till out of nowhere ay naalala ko iyong huling naligo kaming magkasama. We were not this close but I'm certain we were close enough, at naalala ko din naman iyong paghalik ko sa kanya non. High school lang kami non. I was immature and dumb.

Hindi ko kasi agad narealize iyong feelings ko sa kanya that time. I was already too late to even do something about it. Iniiwasan na niya ako non and nalalapit na din yung graduation, ni hindi ko siya magawang lapitan not wanting to ruin her mood. I got frightened by the thought na di niya din ako pagbibigyang pansin. After her confession, few days i have tried to talk to her pero pinaglihi ata siya sa kuhol bilis magtago. Until i became doubtful about her, myself and all those feelings-- everything. We were too young that time, ne hindi ko nga alam ano definition ng pagmamahal --i mean, was it really even love that i felt? I thought maybe she could be wrong. I knew myself na attracted ako sa babae but her- i don't even know. Well, not until now.

Actually feel ko naman na may pag-asa ako eh, dahil kung wala edi wala sana siya ngayon sa likod.

Naramdaman ko siya na na una nang umahon kaya sumunod na din ako. I was palming my face when i instinctively held her close to me.

"Kara!" Napalingon kami pareho kay Roxy na inaabot iyong baso. Matapos nya iyon mainom ay bigla din namang salita ng isa. "Sana all, chansing!

Dyahe! Loka talaga babaeng 'to.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon