Enjoy reading!Gabi na nang dumating ako sa bahay. Napag desisyunan ko na magluto ng marami dahil gusto kong isorpresa si Aiden pagdating niya.
Alas syete na ng gabi at excited na akong ibalita sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sigurado akong matutuwa siya.
Pagkatapos kong magluto ay pumunta ako sa kwarto upang maghugas ng katawan. Ilang minuto akong nanatili sa banyo at pagkatapos ay agad na akong nagbihis at lumabas ng kwarto.
Ang akala ko ay paglabas ko ng kwarto ay makikita ko na si Aiden. Pero wala pa rin siya. Tiningnan ko ang aking cellphone kung nag text ba siya. Pero wala rin. Nasaan na kayo 'yon? Bakit wala pa siya? Alas otso na ng gabi pero wala pa rin siya.
Umupo ako sa sofa sa sala. Dito ko nalang siya hihintayin. Kahit na nagugutom na ako at takam na takam sa mga niluto ko ay kailangan kong hintayin si Aiden. Bakit kasi ang tagal niya? Hindi man lang ako naalala na i-text.
Humihikab na ako sa kakahintay sa kanya habang nanunuod ng palabas sa tv. Hindi ko naman maintindihan. Halos isang oras na akong naghihintay pero hindi pa rin siya dumarating. Nasaan ka na ba, Aiden?
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa mesa at tinawagan siya. Ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom ay agad akong tumayo sa sofa at pumunta sa kusina. Malungkot akong umupo sa upuan at binuksan ang mga niluto kong ulam.
Ang akala ko ay magiging masaya ang araw na 'to. Hindi pa rin pala. Walang gana akong sumubo ng kanin. Sayang lang ang mga niluto kong 'to.
Saglit lang akong kumain. Nakakawalang gana. Sino ba naman ang gaganahang kumain kung mag-isa ka lang. Agad kong niligpit ang pinagkainan ko at pati na rin ang mga hinanda kong pagkain. Nilagay ko lahat ng 'yon sa ref.
Pagkatapos ay agad na akong umakyat papunta sa kwarto namin. Dito ko na lang siya hihintayin.
Habang nakahiga sa kama ay bigla kong naalala ang sinabi ni Meghan sa 'kin noong nagkita kami sa Café. Noong umalis ako ay sa kanya umuuwi si Aiden.
Posible bang naroon ngayon si Aiden? Hindi. Mahal ako ng asawa ko. Nagbago na siya. Hindi niya na ako lolokohin ulit. Mali 'tong iniisip ko. Napapikit ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Umaga na nang nagising ako. Ngunit wala pa ring Aiden sa tabi ko. Hindi siya umuwi kagabi? Saan ba talaga siya pumunta? Bumangon ako at tiningnan ang cellphone ko kung may text ba galing sa kanya. Ngunit wala. Isang text message lang galing sa hindi naka register na number sa aking cellphone.
Agad kong binuksan iyon at tumambad sa akin si Aiden at Meghan. The fuck. Mgkasama sila kagabi? Kaya ba hindi siya umuwi? Kung ganon ay tama ang iniisip ko kagabi. Doon siya natulog kay Meghan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang gandang bungad naman nito sa umaga ko.
Napatigil ako sa pag-iyak nang nakaramdam ako ng pagsusuka. Kaya dali-dali akong pumunta sa banyo at sumuka. Kaya ko 'to. Sanay naman ako mag-isa. Sanay na.
Ilang sandali pa akong sumuka at pagkatapos ay naghilamos na ako. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko at bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit ako palaging niloloko?
Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Pagkatapos ay lumabas ng banyo. Agad akong nagbihis. Pupunta ako ngayon sa kompanya ni Aiden. Kailangan ko siyang tanungin tungkol sa litrato. Sana nga mali 'to. Sana nga hindi totoo.
Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse na iniwan sa 'kin ni Aiden.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kompanya ni Aiden ay inaalala ko lahat ng mga sinabi niya sa 'kin. Mali na naman ba ako sa pangalawang pagkakataon? Paano ang baby namin? Lalaki siyang walang kinikilalang ama. Paano kung hindi na talaga ako mapapatawad ng mga magulang ko? Paano na ako? Bwesit na luha 'to. Bigla na lang tumutulo.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomanceSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...