Because of you

66 5 4
                                    

Ako si Micah Michelle Villaroel pero mas kilala sa ‘Micah’ Galing ako sa isang mayaman at kilalang pamilya, Nagmahal ako ng isang lalaki na ibinigay ko ang lahat , Siya si Justin Christian Samonte galing din siya sa isang mayaman at kilalang Pamilya Ngunit sakabila noon tinaymer nya ako sa “BESTFRIEND” ko. Diyan na magsisimula ang kwento ng buhay ko  ….

“Sinaktan niya ko , Wala silang kwenta , Niloko nila ako , Ginwa nila akong tanga “ hagulgol ko sa Mommy ko.

“ Hayaan mo na anak, Sinabi ko naman sayo noong una na , Bago ka magmahal , Handa ka na dapat masaktan” sagot naman ni Mommy sa akin habang hinihimas ang aking likod.

“Tsk! Gagantihan ko sila Mommy , Hindi ako magpapaapi’ Patuloy pa din ang paghikbi ko.

“Iwanan mo na kita ha”  Para makapagisip ka, Pero bago ka gumwa ng isang bagay , Isipin mo muna ang mga pwedeng mangyari ha?’’ sabay halik sa aking noo at tuluyan ng isinara ang pinto

Nahiga ako sa kama na taglay pa din ang sakit na aking nadarama, Inisip ko ulit ang mga pangyayari :

FLASHBACK:

“Babe? Asan ka na?Kanina pa kita hinihintay ah? “ Sabi ko kay Justin

“Teka lang Babe, nagbibihis palang ako, Intayin mo ka ha! , ILOVEYOU “ Sabi naman ni Justin at tuluyan ng inEnd ang Call.

Habang iniintay ko siya sa tapat ng isang restaurant may nakita akong lalaki at isang babae na pamilyar ang mukha at naglalambingan , Eto pala ay si Justin at ang Bestfriend ko. Wala akong kamaly malay na dinala na pala ako ng Paa ko papalapit sa knila at bigla ko nalang nasampal ang bestfriend ko

“Walang Hiya ka! Pinagkatiwalaan kita” Sabi ko kay Ashley (Pangalan ng Bestfriend ko)

“Magpapaliwanag ako Chelle, Kasi ….  Sabi ni –Ashley

Di na niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla ko na lang siyang sinampal.

“Di ko kailangan ng Paliwanag mo” sabi ko at tuluyan ko na silang iniwanan

Hindi ko na alam ang aking gagawin, Blanko ang isipan ko, Nasasaktan ako ng sobra, Nakarating ako sa simbahan ng di ko napapansin, At halos wala na akong Makita dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa aking mga mata. Pumasok ako sa simbahan na tuloy pa din ang patak ng Luha sa aking mga mata.

Sa paglalakad ko papuntang simbahan bigla nalang nanghina ang aking mga tuhod, Napabagsak ako , at nakikita ko nalang ang aking luha  na pumapatak sa sahig. Hindi ako makagalaw nanghihina ang mga tuhod ko. Parang pinupunit ang puso ko. Habang tuloy pa din ako sa akinng pagiyak. May nakita akong paa ng isang lalaki  na nakalahad ang kanyang kamay sa akin na may hawak na panyo, Kinuha ko ang panyo at pinilit na maaninaw ang kanyang Mukha at pinilit ko ding ngumit saknya sa kabila ng Sakit na nararamdaman ko

‘’ Salamat’’ salitang nasabi ko na lamng sa kanya at Tuluyan na siyang Umalis.

Back to Story.

Naputol ang aking pag iisip ng bigla nalang naramdaman kong may mga luha sa aking mga Pisngi. Agad ko tong pinunasan. Bumalik ako sa aking ulirat ng bilang tumugtog ang kantang

“Let me be the one to break it up. So you don’t have to make excuses

We don’t need to find a set up where someone wins at someone loses’’

We just have to say our love was true ………..

Napatigil ako sa pakikinig ng dahil bigla kong naalala na Theme song namin iyan ni Justin. Pinagpatuloy ko na ang pakikinig sa knta habang inaalala ang mga magagandang memories namin.

“So I’m telling you. ILOVEYOU one last time and GOODBYE’’  ,,,

“Hoy!!” sigaw ko sa kapatid kong nagpapatugtog

“Bakit ate” Dali dali siyang pumuta sa aking kwarto. Binuksan niya ang pinto at nagulat ng Makita ako.

“Bakit ka umiiyak ate” sabi niya sa akin na nakalagay pa din ang gulat sa muka niya.

Pagkasabi niya nun , Agad kong hinawakan ang aking mukha at nalaman kong may luha nga ako. Wala na akong nasabi at dahan dahan nalang ako na umiling.

“Ate ano bang nangyari? Sabihin mo ang dahilan, DIba kasama mo dapat ngayon si Justin?  Pagtatanong niya.

Pagkarinig ko ng pangalang Justin agad akong nakaramdam ng Galit.

“LEAVE ME ALONE”  Sabi ko

Umalis siya na taglay ang Expression na pagkabigo.

Humiga ako at pinilit na makatulog. Sa gitna ng pagmumuni ko . Narinig kong may tumatawag sa Cellphone ko!

Calling: BABE <3

Di ko alam ang aking gagawin pero sa bandang huli. Sinagot ko din iyon,

Walang pumapasok sa  isp ko habang kausap ko siya , Parang dko din nariring ang sinabi niya . Ni hindi ako nagsasalita  para di  niya malaman na  nasasaktan ako, Hanggat narinig ko ang mga huli niyang sinabi na..

“Hindi na kita Mahal” Patuloy na umuulit ito sa aking isipan

‘Hindi na kita Mahal’

‘Hindi na kita Mahal’

‘Hindi na kita Mahal’

Because of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon