Chapter 15 (part 5)

231 3 12
                                    

The meeting with the japanese investors went well. Mahirap pa lang maghapon? Anyways, both parties agreed on both terms naman. Nagpirmahan na rin kami ng papers. Grabe talaga ang bilis ng mga pangyayari, tuloy na tuloy na ang Las Vegas project.

After lunch, bumalik na rin naman kami sa office. Marami pa kasi akong pipirmahan na papeles. Aasikasuhin ko din yung iba pang projects, syempre matagal akong mawawala kaya dapat matapos ko na lahat ito.

"Van, alam mo bang mahirap magfocus kapag may iniisip?"

"Anong sinasabi mo Lerine. Wala naman akong iniisip ha?"

"Hala sigi tumanggi ka pa Vanity. Ako pang lokohin mo. Wala kang iniisip ha. Kaya pala tingin ka ng tingin sa relo. 7:00 pa ang uwian. 5:30 pa lang."

"Ang bagal ng oras no Lerine?"

"Oo mabagal ang oras, kaya ikaw pumirma ka na jan at nang matapos mo. Ang bagal ng oras, ang bagal mo rin naman."

"Oo na. Eto na oh pumipirma na."

Iniwanan na ako ni Lerine. Marami pa rin kasi siyang gagawin. Mahirap kayang maging secretary ko.

Mag-uumpisa pa lang ako ulit na pumirma nang tumunog yung phone ko. Si Wess yung tumatawag.

"Hello, Wess"

"Ianne. Merienda tayo. Kakarating lang namin ni daddy galing sa meeting. Kumain kami sa Europian restaurant, kulang na kulang yung serving"

Natawa ako doon. Yun kasi ang isa sa mga pagkakapareho namin ni Wess. Pareho kaming matakaw.

"Wess, marami pa kasi akong pipirmahan tsaka babasahin. Mag-take-out ka na lang tas dito tayo sa office ko kumain."

Actually ayaw ko lang na kumakain kami sa labas. Kapag kasi nasa labas kami, laging pinagtitinginan si Wess. Kakairita lang.

"Sigi papunta na ako sa office mo. Papadeliver na lang ako. Anong gusto mo? Pizza and fries tapos coke?"

"Yup. Pero wag coke. Ice tea na lang"

"Yes boss."

And he cut the line, off.

"Uy Van, pinapunta mo rito si Sir Wess. Paano mo pa yan matatapos?"

"Lerine naman eh. Bukas promise tatapusin ko ito. O kaya mamaya pag umalis na si Wess."

Lerine looked at me. She gave me her famous 'you-know-that's-not-gonna-happen' look. Nakakainis kasi tama siya. Kapag kasi pumunta na dito si Wess hindi na siya aalis hanggang uwian. Hindi naman niya ako ginugulo but just the same hindi ako makapag-trabaho kasi tinititigan ko siya.

"Lerine, knock knock."

"Sir Wess, ang aga niyo naman pong sunduin si mam Van. 7:00 pa po ang uwian niya. 6:00 pa lang po"

"Hahah. Merrienda time"

"Merrienda sir? 6:00 na po sir. 1 hr na lang uwian na. And I believe kakain rin po kayo sa labas ni mam Van."

Nakakainis si Lerine. Alam ko naman na pinaa-alis niya si Wess. Tiningnan ko sya ng masama.

Hindi pa nakakasagot si Wess nang mag-ring ang phone. Agad namang umalis si Lerine at sinagot ang phone.

"Anong meron kay Lerine, Ianne? It seems na ayaw niyang andito ako."

"Pabayaan mo na yun. Upo ka,"

"Ano bang ginagawa mo Ianne? Parang mas marami ka pang ginagawa kesa sa amin ni daddy na pinagsama."

"Kasi nga Wess, syempre kailangan ko nang ayusin lahat ng maiiwan ko dito. Syempre tuloy na tuloy na ang pag-alis natin papuntang Las Vegas. Sabihin mo na, sa unang punta natin doon, 5 siguro mga 5 months tayong mag-i-stay."

"Kung sabagay. Pero alam mo Ianne, masaya ako na ikaw ang makakasama ko papuntang Las Vegas. Hindi ako ma-bo-bore."

What Wess said makes my presumptive heart flutter. Tumalon talon si heart kainis.

"Me too Wess. Me too."

Hindi mo lang alam kung gaano.

*********************************

After that night, hindi na ulit kami nagkaroon ng quality time ni Wess. Marami na kasi kaming ginagawa at inaayos. Syempre, aalis na kasi kami. Tuloy na tuloy na kaya hindi na namin maharap na magbonding bonding. Through calls na lang kami nag-uusap o kaya naman kapag sa office pero hi, hello lang.

Well ok lang naman yun. Saka na kami magba-bonding pag nasa Las Vegas na kami. At least doon, kami lang. Akin lang siya.

Mabilis na lumipas ang 3 months. Three months lang naman kasi ang hinihintay namin tapos lilipad na kami papuntang Las Vegas. Tomorrow afternoon will be our flight. Excited na excited na nga ako eh. As in super.

"Hello Wess?"

Tumawag kasi si Wess. I'm in the middle of packing. Actually nauna na doon yung iba naming gamit. Ipinadala na namin. Alangan namang dalhin namin bukas eh ang dami nun, sabi ko nga 5-6 minths kaming mag-i-stay doon.

"Hello Ianne, naka-ayos ka na ba ng mga dadalhin?"

"Nag-aayos pa lang. Ikaw? Bakit ka tumawag?"

"Wala lang. Parang na-miss kasi kita."

"Naman Wess, ako pa ang bolahin mo. Anong kelangan mo?"

Pero sa totoo lang nagririrgodon ata yung mga daga sa puso ko.

"Wala nga. Ang kulit mo. Alam mo Ianne, parang ang tagal na kasi nung huli tayong nag-usap eh."

"Hihi. Kahapon lang kaya yung huli. Ano ka ba?!"

"Haha. I mean yung nagbonding tayo. Yung ganito kwentuhan lang."

So nami-miss nga talaga ako nitong mokong nato?! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ako rin"

"Huh?"

"Ako rin Wess, na-miss ko rin yung ganito tayo. Nag-uusap lang."

"Bilib nga ako eh. Six years of being bestfriends but we don't grew tired of each other."

Ako Wess, kaya I don't grow tired of you kasi nga mahal kita. Ikaw baka naman mahal mo rin ako kaya you don't grow tired of me?

"I can't live without you Ianne."

Shocks. Totoo ba yung sinabi niya? He can't live without me. Oh my god. Sasabihin na rin ba niyang mahal niya ako?

"Wess,"

"You've become part of me, and I don't tgink kakayanin ko pag nawala ka sa akin. Kaya pagpasensyahan mo ako kapag may ginagawa akong mga bagay na ayaw mo ha. Wag mo akong iiwan."

"Oo naman. Kaya nga lagi kitang pinapatawad eh."

"Thank you Ianne. Thank you bestfriend."

And again he hang up.

Sa ngayon siguro bestfriend pa lang ako. Pero na-realize na niya na hindi niya kayang wala ako. Hindi muna ako mag-a-I love you sa'yo Wess. Saka na, because the next time I'll say I love you, hindi I love you but I love you too.

I slept peacefully that night.

Yey!! Chapter 15 is done. I'll UD as soon as I can. Thank you for reading. ^-^

-carmela-

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon