Chapter 25

72 6 0
                                    


"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Sabi sa akin ni Mira. Nandito kami ngayon sa lobby ng apartment.

"Oo naman! Nakatulog na nga lang ako't lahat wala pa sya eh. Nakatulog ako kakahintay pero hindi dumating yung asawa ko!" Sabi ko naman.

Naipagtanong tanong na namin sa reception and guard kung nakita nilang lumabas si Aden.

"Ay. Kakileg. Hahaha pero wala silang nakitang bumaba at lumabas 'di ba?? Paano nangyari yun?" Sabi ni Mira.

"Yun nga rin pinagtataka ko eh. Hmmm. Wait, unless hindi talaga pumasok si Aden dito at all" sabi ko sabay takbo palabas ng apartment.

Aden's POV

"Tulong.." halos wala nang lumalabas na boses sa akin. Napakalamig. Napakadilim. Hindi ako makahinga. Ayoko ng madilim.

Flashback

"Hey, Aden" sabi ni Cleo bago ako makapasok ng apartment. Inaantok na kase ako dahil sa pagod na rin siguro kaya napag desisyonan kong umakyat na sa kwarto at magpahinga.

"Oh Cleo? May kailangan ka?" Sabi ko sa kanya.

"Napansin ko lang sa activity area parang may suot ka kaseng bagong necklace kanina" sabi nya.

Tumaas ang kilay ko. Like, okay? So? ano naman kung meron akong suot na kwintas? What's the big deal?

"Hmm yeah actually-" napatigil ako sa pagsasalita, dahil hindi ko nakapa ang kwintas na bigay sa akin ni Calix. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko.

"Teka, nasaan na yun?" Sabi ko sa sarili ko, tumingib tingin ako sa baba para hanapin dahil baka nahulog lang kung saan.

"Uhm, Aden? Okay ka lang? Anong hinahanap mo?" Sabi naman ni Cleo.

"Nothing. Hmm. Maiwan na kita may kailangan lang akong asikasuhin" sabi ko sa kanya.

Or should I say, HANAPIN. Babalikan ko sana yung mga dinaanan ko para hanapin yung kwintas na baka nahulog lang kung saan. Pero bigla akong tinawag ni Cleo.

"Teka! Ano bang hinahanap mo? Anchor necklace?" Nanlaki ang mata sa sinabi nya.

"Wait, what do you mean?" Sabi ko sa kanya. Napabalik ako bigla ng marinig ko ang sinabi ni Cleo. Dahil kwintas ko yun.

"Oh, kase kanina may nakita akong anchor necklace sa barn doon sa malapit sa gitna ng mga puno puno somewhere out there. I just thought na it's familiar kase so I went here to ask you" sabi ni Cleo.

"Shet. Saang barn? Dun ba sa dinaanan natin kanina habang nag i-scavenger's hunt? Sure ka bang nandun pa?" Tanong ko sa kanya.

"Yuh" maikling sagot nya.

Agad ako pumunta sa lugar na sinasabi ni Cleo. Madilim ang daan. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin sana ang cellphone ko ngunit narealized kong naiwan ko ito sa kwarto. Nilalamig na rin ako pero wala rin akong jacket na suot. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag aalala na baka mawala ang kwintas na yun. Dahil bigay ba sa'kin yun? Dahil bigay ba ni Calix? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, hindi pwedeng mawala yun, kailangan kong mahanap yun. Mga ilang minuto pa akong naglalakad at nakita ko na ang barn na sinasabi ni Cleo. Galing kami dito kanina, para gumawa ng activity.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Walang ilaw sa loob nito. Nagliwanag ang kwintas ko ng buksan ko ang pinto at tamaan ito ng liwanag na nanggagaling sa buwan. Nasa lamesa nakapatong ang kwintas, agad akong lumapit at kinuha ito. Sobrang gaan sa pakiramdam na mahanap ko ito.

Laking tuwa ko dahil hindi ito nawala. Napakasaya ko pag nagkataon, magagalit si Calix. Anyway, wala naman akong pake kung magalit sya. Ngunit napawi ang ngiti ko ng maisip ko ang isang bagay. Anong ginagawa ni Cleo dito ng ganitong oras? Nagtataka lang ako na galing sya dito? Nagulat ako dahil sa biglang pagsara ng pinto. Agad akong napatakbo sa pinto.

"Teka! May tao dito!" Sabi ko habang sinusubukang buksan ang pinto.

"May tao dito!" Nagpapanic na ako at sumisigaw. Ngunit masyadong malayo ang lugar na 'to sa apartment namin.

"Cleo?! Nandyan ka ba? Hindi magandang biro 'to! Hindi nakakatuwa" sigaw ko sa pagbabaksakaling may tao sa labas.

Napakadilim sa loob. Halos wala akong makita, kundi ang liwanag ng buwan na tumatagos sa malilit nga butas ng bodegang ito.

"Tulong!!" Sigaw ko. Ngunit tila walang nakakarinig sa akin.

"Hello! May tao po dito! Tulong!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto.

Ngunit wala pa ring dumating na tulong. Sumigaw ako ng sumigaw at halos mapatid ang ugat ko sa leeg, pero wala pa rin.

Nilalamig na ako. Napakadilim. Pumunta ako sa sulok ng bodega. Umupo at umiyak.

End of flashback

"Tulong.." napabulong na lang ako sa sarili ko. Ilang oras na rin akong nandito sa tantya ko. Naubos ang lakas ko kakasigaw at dahil sa lamig at idagdag mo pa ang phobia ko sa dilim.

"Tulungan nyo ko" bulong ko sa sarili ko bago ako tuluyang mahiga.

"Aden?! Aden!" Ito ang mga huling narinig ko kasabay ng paglitaw ng isang imahe ng tao na pumasok sa bodega at tuluyan akong nawalan ng malay.

Unti unti kong dinilat ang mata ko. Maliwanag ang paligid. May mga naririnig akong nagsasalita pero hindi ko maintindihan.

"Aden? Nurse! Gising na po sya" narinig kong sabi ng isang lalake na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Calix.

"Omg. Aden? How're you?" Sabi naman ni Mira pagkalapit nya sakin.

"Nasan ako?" Mahina kong sabi.

"Nasa hospital ka. Nawalan ka kase ng malay kanina. Kaya dinala ka namin dito ni Calix." Paliwanag ni Mira.

Dumating na ang doctor para icheck kung ano ang lagay ko.

"Wala naman serious injury kaming nakita sa'yo Mr. Aden, Nawalan ka ng malay dahil based sa sinabi ng kaibigan mo, Nyctophobic ka." Sabi ng doctor.

"Yes doc, simula high school, may Nyctophobia na po talaga ako." Sabi ko naman sa kanya.

"I see. Pwede ka naman ng lumabas after mo makapag pahinga." Sabi ng doctor.

Nag nod lang ako sa sinabi nya. Lumabas na ang doctor. At tatlo na lang kaming naiwan. Nakaupo si Calix sa sofa. At si Mira naman nakatayo sa tabi ko. Napansin kong tahimik si Calix.

"Calix?" Tawag ko sa kanya.

"Bakit, Aden? Bakit pinag aalala mo ako ng ganito!?" Nagulat ako dahil bigla na lang siyang sumigaw?

"Okay. I think I need to go outside para makapag usap kayo, but please, do it calmly. Calix? Aden needs to rest, don't stress him." Sabi ni Mira then she left the room.

"Ano bang kinagagalit mo? Ha?" Sabi ko sa kanya.

"Not once but twice, Aden! Dalawang beses mo ako pinag alala sa isang araw! Sinong matutuwa?!" Sabi naman nya sa akin.

"Bakit parang kasalanan ko!? Eh 'di ba ikaw naman yung dahilan kaya ako nabulunan kaninang umaga, tapos ngayon, eto, nawala yung kwintas na bigay mo at ako naman 'tong si tanga nagkukumahog hanapin kase ayokong magalit ka!"

"That's the point! Hindi naman ako galit sa'yo eh, galit ako sa sarili ko! Dahil hindi ko alam ang gagawin ko Aden kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo nang dahil sa'kin! Hindi mo ako naiintindihan kase sa ating dalawa ako lang naman yung may feelings sa'yo eh!" Sabi ni Calix. And now, he's crying.

Leader of Calisto gang is crying because of me. What's happening. I'm speechless.

"Aden, please, just give me chance. Chance na alagaan ka. Chance na ipagtanggol ka, chance na gumawa ng memories kasama ka, chance na mahalin ka hanggang sa abot ng aking makakaya"

This Calix is different from Calix na nakilala ko sa school. I am totally moved. But, what should I do? Lord, help me.

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon