Uhuh! Heads up for this update! Seriously hindi rin ako makapaniwalang nagawa ko rin ito sa isang araw. xD
Sorry for the typos and kung magkadikit yung ibang words. Yung space kasi sa keyboard ay nagloloko. xD
-----
Naguluhan ako nung biglang tumayo si Mervin at hilahin na lang ako sa itaas ng second floor kung saan ako nagkaroon ng malay kanina sa mismong veranda. Lumingon ako kila Tim at kagaya ko ay puro din gulat ang mga ekspresyon nila sa mukha.
Nang tumapat kami sa mismong labasan papunta sa veranda ay nakita kong may dalawang lalaking mukhang men in black ang outfit at naabutan pa naming pinapaalis nila yung mga couples na gusto sanang pumunta at lumabas doon.
Malaki talaga ang ginawang impact nito sa isip ko dahil wala naman akong natatandang may mga ganito dito. Sino ba sila at higit sa lahat gaano na sila katagal nagbabantay rito?
Napansin ko na lang na dumapo ang paningin nila sa amin at unang niyukuan si Mervin na sinundan ko naman. Tama ba iyong nakita ko? Mukha silang nagbigay pugay sa amin bago sila tumabi at doon ako muling hinila ni Mervin palabas ng mismong veranda.
Andun pa rin yung bote ng alak pati na rin yung baso na nakita ko nung magising ako. Bumaling ang paningin ko kay Mervin nung humarap siya sa akin.
"Sana magustuhan mo ang surpresa ko." inismidan ako nito at humarap sa pinanggalingan namin. Pagkatapos lumabas nila Ven at Chris ay siya namang pagsara nung mga mukhang bodyguard sa may pintuan ng veranda.
"Ano ba talagang nangyayari?" naramdaman kong kumunot ang noo ko nang muli kong tignan si Mervin.
"It was all written in a plan." pagsasatinig ni Ven kung kaya ay napatingin ako sa kanya.
"Ven Castro is the son of the most talked about fashion designer and make up artist, Vien Frusch Castro, in the fashion industry." hindi na napigilan ni Mervin ang sarili at napatawa ito. "Kaya hindi na siguro nakakapagtaka na siya ang pinadala naming magmake up sayo. Besides, he had inherited his mom's fine artistry."
"Si Ven din and pumili ng damit mo ngayon." Dagdag pa ni Chris.
"It was just a mere joke that we told him to act gay around you until this time comes. Pero mukhang sineryoso niya to at nagbading badingan talaga." biglang tumawa si Mervin at napairap na lang ako sa kanya. So jinoke time lang pala nila si Ven na magpanggap na bakla at ang kawawang Ven ay nagpaniwala sa kabaliwan nila.
"Enough talk about me." pagsasatinig ni Ven pero mukha namang wala talaga iyong kaso sa kanya.
"So as we talk, malamang ay nagsisialisan na yung mga estudyante sa baba." napatingin si Mervin sa may pasimano at nung sundan ko iyon ng tingin ay may ilan na ngang mga tao nag nagsisilabasan ng building.
"Bakit niyo nga ba ako dinala dito? Hindi naman siguro para lang sabihin na anak ng sikat na fashion designer si Ven hindi ba?" Aaminin ko namang nacurious ako pero they need to cut to the chase dahil baka mapag-iwanan na kami rito.
"Remember when you fell asleep in my car?" tanong ni Ven at sinalubong ko naman ang tingin niya sa akin.
"Yes, for like five hours that is." I crossed my arms over my chest.
"That was just a delaying tactic for us to give you this surprise." padagdag na sagot ni Chris. "We needed that time to collect them all without fail." he smirked. First smirk I ever saw in his face. I remember this type of guy emanates leadership. Hindi siya yung tipong mag-eexpress ng kayabangan di tulad nitong katabiko. It was like he's so sure of himself.
"Them?" tinaasan ko siya ng kilay at naramdaman ko na lang na hapitin ako ni Mervin sa bewang at iharap sa isang madilim na parte ng veranda. Eksaktong gumalaw ang mga ulap sa ibabaw namin at siyang paglabas ng buwan nang mapansin kong may mga taong nakalinya roon habang nakaluhod.