Chapter three

30 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa likod ng favorite building namin nung college, weird pero after 2 years ngayon nalang ulit ako nakapunta dito and yet feeling ko kahapon lang ako nanggaling dito.

"What are we doing here?" I asked.

"Reminiscing." He said.

Umupo kami sa pang 7th step ng stairs and looked at the stars.

"Naalala mo pa ba kung bakit favorite spot natin to?" Tanong niya habang nakatingin siya sakin.

I nodded.

"Oo naman! 2 years na yung nakakalipas simula nung grumaduate tayo pero-- Hoy san ka pupunta?" Kung di ba naman isa't kalahating bastos tong lalaking 'to, nagsasalita pa ako tapos aalis siya?

"May kukunin lang. Wag mo naman ako mamiss kagad." At nagawa niya pang kumindat.

"Asa ka pa." Tinuloy ko nalang yung pagtingin sa stars.

Flashback

"Reesee!!!!" Sigaw ng magaling kong best friend.

"Bakit ka ba nakasigaw diyan ah? Nakikita mo namang busy ako magbasa dito e." I rolled my eyes

"O kalma lang, puso mo."

" Nakakabit. Bakit nga kasi?!" Alam niyo yung andun na ko sa binabasa ko e. Paiyak na ko, tas biglang titili? Jeske. Serep sepeken.
"Kasi naman. Eeeeeeeeeeeh!" Ayan nanaman siya sa tili niya. May patalon talon pang effect.

"Ano?"

"Eeeeeeeeh kasi oh my gosh. Oh my gosh talaga. Eeeeeeeeeeeh."

"Ano nga?"

"Si ano kasi, si ugh. Eeeeeeeeeeeehhhh. Emeged"

"Kanina ka pa eeeeeeh ng eeeeeh diyan, e kung dalhin kaya kita sa ospital? Para kang nanganganak sa tili mo e."

"Ha-ha-ha, o ayan tatlong tawa dahil ang funny mo."

"Kuripot mo talaga ano? Pati sa tawa kuripot."

"Ganyan talaga pag maganda."

"Oo nga pala, pag kasi dyosang tulad ko mapagbigay."

"Whatever. Eto na-"

You're a falling star, you're a getaway car. You're the line in the sand when I go too far

Sabay kaming napalingon ni Annika sa pinangagalingan ng kanta.

You're the swimming pool, on an august day
And you're the perfect thing to say

Andun siya, mag-isang naka upo sa may puno na di kalayuan samin.

And you play it coy, but its kinda cute
Ah. When you smile at me you know exactly what you do.

Baby don't pretend that you don't know its true
Cause you can see it when I look at you.

"Reese?" Tawag sakin ni Annika pero hindi ko siya pinapansin, nakatitig lang ako dun sa lalaking naka-upo sa may puno.

"Reese? Huy." Ang galing niya, ang gwapo pa ng bos-

Napatigil ako sa paghanga sakanya nung bigla siyang napatingin sakin.

Oh no.

Tumigil siya sa pagitara at sumigaw..

"HOY MISS!! WAG MO NAMAN AKONG TITIGAN, ALAM KONG MAGALING AKO KUMANTA AT ALAM KONG CRUSH MO NA AKO DAHIL DUN PERO HINAY HINAY LANG NAMAN SA PAGTITIG. BAKA MATUNAW AKO!" Sabay smirk pa niya.

Ano daw? Ako ba yung sinasabihan niya?
Baka naman hindi. Tumingin ako sa likod ko kasi baka iba yung sinisigawan niya pero wala akong nakita.

"MISS! WAG KA NA LUMINGON, IKAW YUN. PA-SIMPLE KA PA E." Then he smirked.

So, ako nga yon? At anong sabi niya? Crush ko na siya dahil magaling siya kumanta? What? Ang kapal ng mukha. Ang yabang! Kala mo kung sinong magaling, e hindi naman. Ugh pang palakang boses!!!

"HOY KA DIN! FYI, KUMAKANTA KA BA? KALA KO TUMUTULA KA EH. AT HINDI AKO NAKATITIG SAYO NO. KAPAL MO NAMAN, KALA MO KUNG SINO KANG POGI! MUKHA KANG HITO!! UGH! MAKAALIS NA NGA DITO." Inirapan ko siya at saka ko kinuha yung gamit ko at nagdadabog na umalis.

Ang kapal ng mukha! Ako? May crush sakanya? Ew pls.

End of flashback.

Hay. Ang sarap talaga mag-reminsce. Si Matthew yon, tama kayo. At oo, clichè din ang love story namin, una aso't pusa pero kami rin naman yung nagkatuluyan. :">

And in this crazy life, and through these crazy times
Its you its you, you make me sing

Teka, alam ko tapos na ako mag reminsce dito ah? Eh bat naririnig ko parin yung boses niya? Ganon ba kapogi boses non? Hehez. :'>

You're every line, you're every word, you're everything...

Lumingon ako at nakita ko si matt, nakatayo dun sa may unang step ng hagdan. Nakangiti, dala dala yung gitara niya habang kumakanta.

Napangiti ako. Jusko naman, ibang klase naman to. Feeling ko nasa harap ko siya kumakanta, kahit di naman talaga. Hahaha!

You're carousel, you're a wishing well,
And you light me up, when you ring my bell.

Nakatingin ako sakanya habang paakyat siya papunta sakin. Hay, bat ang galing niya kumanta kahit sa pag d-day ay joke, night na pala! Night thinking (wow) ko e nakikita ko siyang kumakanta.

You're a mystery, you're from outer space
You're every minute of my everyday

And I cant believe, uh that I'm your man.
And I get to kiss you baby just because I can

Tapos he kissed the tip of my nose, napahawak ako dito. Hanggang dito ramda- wait. Naramdaman ko? Meaning hindi to part ng pagre-reminsce ko?

Whatever comes in our way, ah we'll see it through
And you know that's what our love can do

Nanlaki yung mata ko at feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko nang marealize ko na totoong nasa harap ko si matt. He's smiling from ear to ear, god! Feeling ko iisipin neto inlove na inlove ako sakanya. (Totoo naman, pero ew ang clingy pakinggan.)

And in this crazy life, and through these crazy times
Its you its you, you make me sing
You're every line, you're every word, you're everything...

So, La la la la la la la
So, La la la la la la la

You're every song , and I sing along
Cause you're my everything.

Pagtapos na pagtapos niyang kumanta tumawa siya.

"What's so funny?" I asked, pretending that I don't know. He sat beside me at inakbayan ako.

"Nothing. I just realized, (even if I knew it all along,) I realized that nakakainlove pala talaga ng boses ko no?" He said with a littl- no, not little, with a huge tone of kayabangan.

"Narealize ko rin na, my voice has the capability to make you fall over and over again." He added and laughed harder

"Ako rin, may narealize." Sabi ko.

"What is it?" He stopped laughing and looked at me.

"Na after 3 years, ang yabang mo parin."

Then I rubbed my hand on his face while laughing.

"Hoy, ang baho ng kamay mo!" Reklamo niya pero di parin ako tumigil.

"Ay, sorry. Sira kasi yung sink sa cr kanina nung nag-cr ako. Mahal mo naman ako diba?" Tanong ko habang pinupunas ko parin yung kamay ko sa mukha niya.

"Ang baboy mo talaga Reese!!" Sabi niya while trying to remove my hand from his face.

And when he suceeded to remove my hands on his face, I did the best thing to do that time, and that is to:

RUN.

Lost loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon