#SIC C-03
"So Canter, you've been busy lately ah? I was kinda surprised to see you kanina!" Malawak na ngiti ni Rain habang nakaupo sa tabi ko. Kaharap niya si Hermes habang kaharap ko naman 'tong Canter.
Tipid itong ngumiti kay Rain. "Yeah. Just the business."
"Gosh, you are the ideal type talaga! Hermes is beyond lucky to have you! I mean, duh? Looks, money, capabilities, brain, you have it all!" Rain complimented. Ngumiti lang si Canter sa kanya at nahihiya pang nagpasalamat. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. Marahan kong tina-tap ang mesa habang nag-aantay na dumating ang pizza.
Tama nga si Rain, parang nasa kanya na nga lahat.
Ugali nalang kulang.
"That's our order na," biglang sabi ni Hermes kaya agad akong napabaling.
Nahihiyang ngumiti sa'min ang waiter habang isini-serve ang dalawang pizza. Rain's lips was from ear to ear habang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkain.
"Let's eat already!" giit ni Hermes at kumuha ng slice. Kumuha rin si Rain ng dalawang slice at mas lalo siyang napa-ngiti nang nakitang kumuha rin yung Canter ng isang slice at inilagay ito sa plato ni Hermes.
"Your man wants you to be thick," biro ni Rain sa kanya.
"I don't want to," mahinang tumawa si Hermes pero kinain pa rin naman ang binigay ni Canter.
Tahimik kaming lahat habang kumakain. Napapatigil ako tuwing nararamdaman kong may umaapak sa sapatos ko. Tumingin ako kay Canter na nagpapatuloy lang sa pagkain.
"Aray!" bulyaw ko nang lalong dumiin ang pag-apak niya sa sapatos ko. Napatigil si Hermes at Rain sa pag-kain at kunot-noong tumingin sa'kin.
"Bakit, Arus?" tanong ni Hermes.
"Yung paa ko," giit ko at kinunutan ng noo si Canter.
Tumaas ang kilay ni Canter at tiningnan niya kunyare ang ilalim ng mesa. "Oh, sorry," wika niya. "I thought it was a rug or something," kibit-balikat niya bago pinagpatuloy ang pag-kain.
Nagpatuloy na rin sa pag-kain si Rain habang ako nama't si Hermes ay sandaling nagkatitigan. Pagod ang kanyang mata at noong nagpakawala siya ng malalim na bumuntong-hininga ay bumaling siya kay Canter.
"Canter," marahan niyang sabi.
Nilingon siya ni Canter at nagmadaling nginuya ang kinakain. "Yes, baby?" Malambing niyang sabi habang nakangiti kay Hermes. Nang hindi nagsalita si Hemes ay awtomatikong kumunot ang kanyang noo.
"What's with the look?" Tanong niya. Sandali siyang pumikit at huminga ng malalim. "Oh, c'mon. I really didn't do it on purpose."
Bumuntong-hininga si Hermes at ibinaba nalang ang tingin sa pagkain. Umiling ako at nagpatuloy nalang rin sa pag-kain.
"Hey, by the way," Rain wiped her lips with a tissue. Napalingon kami sa kanya. "You went to my birthday, right?" Ika niya habang nakatingin kay Canter.
"Of course, I was with Hermes. I greeted you a happy birthday when we were near the deck." sagot ni Canter bago sumimsim sa hawak niyang baso.
"Oh, you left early?"
"What? No. I was still there when the fireworks started popping in the sky."
"Oh? Akala ko umalis ka agad. I didn't see you after Hermes got into the sea water."
"She fell into the water?" Inosente niyang tanong.
"Oo eh. It was an accident daw. Hindi ba niya nasabi sa'yo? Or did you not notice that her clothes changed?" Rain's brows lifted.
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomanceMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...