Gin's POV
HaAaaaAaaaaaIIIiiiiiisssSSSssssTTttt . . .panibagong school nanaman ! panibagong mga mukha sa paligid, panibagong lupa at kongkretong tatapakan araw-araw, panibagong mga pinto na papasukan at lalabasan, at ang panibagong ako na magsisimula nanaman . . . !!!!
Ako pala si Gin at kagaya ng mga panibagong sinasabi ko isa akong "transferee" NANAMAN! sa isang school, almost two years ng ganito ang buhay ko, walang permanenteng lokasyon ang utak at ang notebook at ballpen na lagi kong dala. Sobrang hirap ng ganito mga apat na beses na akong palipat lipat ng school at sa kung anong dahilan, malamang sa malamang mas mabuti nang wag nyo nalang malaman . . . .
Pero . . . .kung hindi ko sasabihin mawawalan ng saysay ang kwento kong ito, kaya mas mabuti na din na malaman nyo
"I've been expelled from different schools because I was caught CHEATING!"
Oo na nakakahiya na ! Pero ayon ang totoo, apat na beses akong nahuling nangongopya, ewan ko ba parang hindi talaga fit sakin ang word na "CHEATING" at ang worst pa ay hindi ako matalino kagaya ng iba. Just to add lang ang buong pangalan ko pala ay "Neos GIn Estrada" DaAaMmMnNn!!!! kung nakukuha nyo ang gusto ko sabihin, hindi talaga bagay sakin ang pangalan ko lalo pa kapag paulit-ulit pa itong binabasa ng nagdaang 183 na matitilok kong naging kaklase isama mo pa yung 27 na professor na tuwang tuwa kapag nababasa nila ung pangalan ko.
CHEATER !!!!! CHEATER !!!!! CHEATER !!!!!
eto ung tawag nila sakin nung nahuli na ako na nangongopya at mas gusto ko pa na ito nalang ang tawag nila sakin kesa dun sa pangalan ko na nung kinder ko lang nakuhang ipagmalaki at ipagyabang . .
Habang kinukwento ko nga pala to palapit na ng palapit ung mga paa ko sa gate ng bagong school na tumanggap sakin, bagong adventure nanaman to mahuli din kaya ako dito ? hahaha tamad na tamad kasi talaga ko mag aral pero pilit na pilit ang kuya ko na pag aralin ako kaya wala akong magawa kundi ang pumasok, tanda ko pa ang una nyang sinabi sa akin
"Kapag nasimulan mo na ang college magugustuhan mo din yun"
- kuya ko
napakasinungaling ng kuya ko kahit na isang bagay sa buhay college ko wala akong nagustuhan. Eto na malapit na ko sa gate malapit na talaga !!! ayan na nakikita ko na yung guard at yung mga estudyante na tatawag nanaman sa napakalupet kong pangalan
- shoutout nga pala sa LOLO kong nag suggest ng name ko ^^ -
eto na talaga nakapasok na ko sa gate, mejo malaki din tong campus may 13% chance na pdi akong maligaw at may 28% chance naman na hindi ko mahanap ang mga classroom na dapat kong pasukan. Sya nga pala 2nd year college na ako ng pang limang beses kaya kung ikakalkula natin twenteen years old na ako hahaha oo tama ang basa nyo twenteen !!! ayaw ko pa kasi tumanda gusto ko teen lang ako lagi. IT ang course ko Information Technology malamang alam nyo to kasi ito ang course ng bayan ngayon, usong-uso to sa mga fresh grad ng hayskul. kung gano kabilis sumikat ang course na nursing dati ganun din sumikat ang course na to lintik kasi na computer yan sinakop na ang mundo!!!! Kaya ang mga kabataan ngayon nakahawak lang ng computer tapos naglaro ng magdamag araw-araw pag graduate desidido na agad mag IT at ang nagiisang dahilan lang nila ay bagay daw kasi sa kanila. Sinasabi ko to kasi ako yun !!! ang hirap ng IT masyadong malawak kaya yung mga nagbabalak mag IT na nakakabasa nito, wag sana kayong maging ITmang kagaya ng kuya GIn nyo !!! hahaha
IT104 eto yung room ng unang klase ko Integrated Application or Inte App ang subject, WooooOOOOooooh ! mukhang mahirap agad. Lumapit ako sa guard para magtanong
BINABASA MO ANG
The Cheaters
AdventureMadalas ka bang mahuling nangongopya, o naranasan mo na bang makick out sa school dahil nahuli ka, naranasan lahat yan ni Gin hindi lang isang beses kundi marami pero ang hindi nya alam sa susunod nyang school na lilipatan makakakilala sya ng mga ta...