PROLOGUE
"Do you still want to love me if today's my last day? Would you still love me kahit na hindi mo na ako nakikita?" Andrew asked me while holding my hand.
Nandito kami sa Time Square. We live here in America for our college. And we were supposed to be on a date.
"Bakit kaba ganyan magtanong. Hindi kita maintindihan." I may look weird now pero hindi ko talaga siya maintindihan, hindi ko magets yung sinasabi niya.
"I don't want to see you crying. Hindi ko ata kakayanin na makita kang nasasaktan. Hindi ko alam kung paano kita patatahanin kapag umiyak ka sa harap ko dahil sakin." He kissed my nose and buried his face into my neck. I can feel his tears , i can feel his sobs. Kahit hindi ko siya maintindihan nasasaktan ako. Alam ko may mali.
"Anong problema sabihin mo sakin." Hinarap ko siya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya yung mga matang kulay chocolate. Yung mga matang gusto kong ako lang yung tinitingnan yung mga matang unang nakikita kong tumititig saakin kapag gising ko.
"I'm giving my heart to someone." I was shocked, ito ba yun. Iiwan na ba niya ako dahil may iba na siya. Tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang kaliwa kong kamay. Hinawakan ko ang dibdib ko gamit ang isa.
"Nasasaktan na ako, mas okay na to. Huwag mo kong tingnan, tama. Ayokong maawa ka sakin dahil may iba kana." Ipinikit ko ang mga mata ko. Hinawakan ko ang dibdib niya habang nakatakip parin ang isa sa mga mata niya. Pinakiramdaman ko, mabilis ang tibok neto at i know ako parin ang isinisigaw ng puso niya pero kasi nagbitaw ako noon sakanya.
"Kapag ayaw mo na saakin at nagsawa kana sabihin mo, lalayo ako para hindi ka maguluhan at hindi ka masaktan pa."
"Ipikit mo lang ang mga mata mo. Gusto kong hindi mo ko nakikita." Sinabi ko yun at tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mga mata niya. Nilapit ko ang muka ko sa kanya, umiiyak siya tumutulo ang luha niya kahit nakapikit siya. Nanginginig siya. May mahal na siyang iba pero bakit siya ganto parang nasasaktan siyang iwan ako. Hinalikan ko siya, lalayo na sana ako pero hinawakan niya ang batok ko at mas lumalim ang halik, halik na punong puno ng pagmamahalan, halik na ni sino man ay gustong maranasan, halik na magsasabing ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa ay totoo. Nagtatalo ang utak at puso ko pero siya na ang nagsabi he's giving his heart to someone. Itunulak ko siya at tumalikod. Narinig ko siyang tinatawag ako.
"Nicole! Nicole! Mahal na mahal kita tatandaan mo lagi yan!" Isinigaw niya yun. Pero huli na ang lahat ng humarap ako ulet. Wala na siya at yun na ang huling beses ko siyang nakita.
BINABASA MO ANG
When my heart made it's way back to you.
RomanceEverything happens for a reason. Gustong gusto mo ng malaman yung reason niya kung bakit niya nagawa yun. Pero sabi nga nila, pwede mong malaman ang lahat pero hindi sa gusto mong oras. Handa siyang ibigay ang puso niya, mapasaya ka lang. Paano mo m...