PROLOGUE
"Sister,Si hiraeth hindi naman po kumain.Lagi nalang syang nawawalan ng gana at nitong mga nakaraang araw laging tulala at malalim ang iniisip"Rinig ko ang mga ibang mga sister's o mga tinuring ko ng mga magulang sa isang silid na nag uusap.Nandito lang ako sa may upuan hawak ang isang libro at may kaunting layo sa kanila kaya di ako masyadong pansin
"Ganun ba,Sge ako nalang kakausap sa kanya"Agad akong kumaripas ng takbo kaya napansin nilang may gumalaw na libro.Nagtago ako sa likod ng bahay ampunan at nagpunta sa madalas kong pinupuntahan.Ang Garden.
"Iha,napansin na kita kanina kaya wag mo ng ipagkaila na magtago pa sa akin.Hali ka alam kong nandyan kalang kasi madalas kitang makita ditong nakatulala."Sumuko na ako at nagtungo na malapit sa kanya.Kilalang kilala na talaga ako ni nay lena.Matagal tagal na rin kasi ng mapunta ako dito sa bahay ampunan may mga kakilala mga kaibigan at mga pamilya narin ang mga turing ko sa kanila at isa na doon si nay lena.Sya na ang tumutok sa akin simula bata palang ako kaya tinuring ko na syang magulang.
Masasabi kong may edad na si Aling lena at sigurado akong wla ring itong napangasawa at dito na nagkaedad sa bahay ampunan.
"Patawad po,nay lena sa aking inasal kanina takot lang po ako na inyo'y mahuli at pagalitan"Saad ko na nakatungo at nakatingin sa mga dahon sa sahig.
"Ayos lamang iyon anak,Ngunit sana ay kung may problema ka pwede mong sabihin sa amin at sa akin dahil hindi kami sanay na ikaw ay nakatulala at pinapabayaan mo ang iyong sarili."Dahil doon ay napatingin na ako kay nay len at napaiyak ng hindi ko namamalayan.
"Patawad pong muli, nay len"Lumapit na ako sa kanya at hinagkan sya.
"Ayos lamang aeth iha,ano ka ba naman"Napatawa ito sa aking ginawa at hinagod ang aking likod ng marahan.
"Pero iha,ang sinabi ko sayo ano nga ba ang iyong problema"Kumalas na ako sa kanya at tumingala at tinitigan sya.
"Wala po ito nay lena.Halika na at sabayan mo nalang po ako kumain"Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko walang makakaintindi sa akin.Pakiramdam ko panaginip lang ang mga nakikita at ang mga kuryentang dumadaloy sa aking katawan.
"Ganoon ba.Oh Sige tara na't dika pa nag tatanghalian"Hinawakan nya ang balikat ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.Tumigil kami sa silid ng mga sister's at may kinausap lang sandali tsaka kami nakarating sa aming silid?.
"Nay len?bakit dipo tayo naparoon?"Nagatatakong tanong ko kasabay ng aking pagkunot ng noo
"Bakit hindi po tayo sa canteen?"saad kong muli.
"Mas mabuti pang dito nalang tayo para mas makausap kita ng mas maayos iha"Makausap ng mas maayos?ngunit tapos na ang aking pahayag kanina pa.Ano ba ang nais iparating ni nay lena.
"Alam kong maguguluhan ka sa mga sasabihin ko ngunit dapat sa mas madaling panahon ko na sabihin para malaman mo na ito habang buhay pa ako."Ha?hindi ko maintindihan bakit naman ganito ang itinuturan ni nay lena?At malaman ko habang buhay pa sya?Nalalapit na ba ang kanyang paglisan?.
"Nay lena,sabihin nyo po sa akin bakit naman po kailangan ko itong malaman?at habang buhay pa po kayo?anong ibig nyong sabihin?"
Napaiwas ang tingin ni nay lena sa akin ng kumatok ang pintuan."Eto na po sister,ang pagkaing pinahanda nyo"
Rinig kong isa sa mga sister ang kumatok"Salamat sister nic"Ani ni nay lena tsaka ngumiti at sinarado ang pintuan.pumaroon si nay lena sa maliit na kusina dito sa aming silid at kinuha ang mga plato at kutsara.Sa silid na ito ay 4 kaming pinag kakasya,dalawang lalaki at dalawang babae kasama na ako doon.Wala sila ngayon dito dahil sabi ko nga ay sa canteen sila nag tatanghalian dahil di nga sana ako kakain
YOU ARE READING
Bonaight Academy
Fantasía"Dont go further,you might see me in your dreams." 'A war versus Blared and Ethereal' -The two clans that been reclaiming the title of the Bonaight Kingdom the wars and battles that always happening when the supernatural power's transfered to anothe...