Untitled Part 1

66 11 7
                                    

(This story is dedicated to syyyykaye for my wonderful book cover and Annneerod018   for the inspiration, thank you guys. )

**********************************************************

"Once in a lifetime you meet a person who takes your breath away, not because you want them to, but because they're meant to."

 MACHICO'S POV


"Cherry, ayos na ba yan?" tense na tense na tanong ko sa bestfriend ng girlfriend ko.

"Oo Chico, relax ka lang magiging maayos ang lahat, okay? Wag kang kabado!" sagot niya sakin ng nakangiti sabay tapik sa kanang balikat ko, pagkatapos ay iniwan na niya ako at pumunta sa gitna ng Scarlet Square.

Napaka special ng araw na to, at mas gagawin ko pa itong mas espesyal pa.

Nandito ako ngayon sa Scarlet Square, ng Scarlet College University.   Kahit gabi na ay madami pa ding mga estudyante, marahil ay inaabangan nila ang pasabog na gagawin ko. Ang Scarlet Square ang pinaka sentro ng eskwelahan na ito, dito ginagawa ang lahat ng aktibidad namin, at kahit saang sulok ng eskwelahan ka pumunta at kahit anung kurso pa ang kinukuha mo, matatanaw mo ang Scarlet Square sa bawat classroom na papasukan mo.Dito ko din nakilala ang babaeng muling nagpatibok sa aking puso, pareho kaming nasa ika-apat na taon at parehong kumukuha ng kursong Medical Technology, konting pag sisikap pa at pareho na rin kaming makakhawak ng diploma.

"Machico! Anjan na siya" sigaw sakin ni Cherry, pamula sa kinatatayuan ko ay lumingon ako sa lugar na napagplanuhan naming papasok ang anghel ng buhay ko at dun nga ay nakita ko na babaeng pinakamamahal ko, kasama ang kanyang kapatid na lumalakad papunta sa gitna ng Scarlet Square. Narinig kong naghiyawan na din ang iba pang studyante na nanunuod sa amin.

Kitang-kita ko ang pagkalito sa napaka amo niyang mukha.Iniisip niya siguro kung bakit madaming tao,alam kong hindi niya to inaasahan at yun naman ang gusto kong mangyare. Alam kong sobrang nagtatampo siya sakin pamula pa kaninang umaga sa kadahilanang inakala niya na nakalimutan ko ang araw na ito na sinadya ko naman talaga.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kahit ako ay kinakabahan ay sinimulan ko na. Pinatay ko na ang ilaw at tinutok naman ni Raddish ang spot light kay Peach kasabay ng pagtahimik ng paligid.

"Peach." ito pa lang ang nasasabi ko ay nagtilian na ang nasa paligid namin. Ilang segundo lang at tumahimik na ulit sila.

"Napaka espesyal ng araw na ito para sa ating dalawa, we've been together for six years and I know you know how much I love you, but still on this special day I want to grab this opportunity and make you to feel that I love you more today, than yesterday."

Nagpause ako ng konti, bumukas pa ang dalawa pang spotlight at tumutok ito sa kapatid niyang si Apple at sa bestfriend niyang si Cherry na kasalukuyang nakatayo dalawang dipa mula sa kinatatayuan niya, hawak nila ang mga bulaklak na binili namin kanina. Nakangiti siya, ngiting puno ng kasiyahan. Hinawakan ko ang mikropono tsaka muling nagsalita.

"Peach, Pink roses in general are given to those whom you want to show thankfulness, admiration, and happiness. Peach, I want to thank you for everything you have done for me, sa pag-intindi sa mga mood swings ko, sa pagtanggap sa mga kahinaan ko at sa pagyakap sa buong pagkatao ko. Marami tayong naging problema, at marami tayong naging pagtatalo, tulad ng kung sino ang mas maputi sa ating dalawa, kaninong utot ang mas mabaho, kung binabake ba o piniprito and sibuyas at kung alin ang mas masarap penoy ba o balot, kahit pareho naman silang itlog ,pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi mo ko iniwan. Maraming salamat sa pagiging inspiration ko, salamat at naging isang malaking parte ka ng buhay ko. I adore you for that. And the only thing I can promise is to make you happy as long as I live."

Flower ColorsWhere stories live. Discover now