"Diane you won't believe what happened today. René did something to me!"
Kausap ni Diane ang pinsan sa phone.
"Bakit, ano bang ginawa niya sayo? Nag-away ba kayo? Nagloko ba siya?"
"No! No! Not something like that. Basta, bukas ko na sasabihin sayo. Labas tayo after work tomorrow. Excited na akong malaman mo!"
"I'm happy for you." She forced to sound happy. Meron na siyang idea kung ano ang good news ni Regina. Hindi naman sa ganun na hindi siya masaya para sa pinsan niya. Malungkot siya kasi it reminds her of her broken relationship with Oliver. "Congrats, Regina."
"Ano ka ba! Hindi mo pa nga nalalaman kung ano ang sasabihin ko eh!" Tumawa ang pinsan niya sa kabilang linya. "Teka, nasa bahay ka na ba?"
"Seven PM na Regina, sa tingin mo ba nasa office pa ako?"
"Basta, bukas nalang natin pag-usapan ang lakad natin. Kita nalang tayo bukas sa Martinez!"
"Sige."
Pagkatapos binaba ang cellphone, lumabas ng kwarto si Diane at nagtungo sa kusina.
"Emma."
"Ay ma'am Diane, ano pong kailangan n'yo?" Tanong ng kanyang isa pang kasambahay, in her late 30s, na nadatnang naglilinis sa kusina.
"Red wine."
*
*
*
*
*
"Ma'am kanina pa po kayo umiinom na mag-isa. Tama na po yan." Payo ng maid ni Diane nang naabutan siya nito na nasa kitchen counter pa rin, ang red wine lang ang kaharap.
"Emma, this is just a casual drink. It's been a tough day for me. Sige na, kung wala ka nang ginagawa diyan, umalis ka na. Wag mo na akong paki-alaman."
Casual drink daw pero pangalawang bote na. Lasing na nga po kayo eh.
"Ano pang pinagsasabi mo diyan? Punta ka na sa quarter n'yo, matulog ka na!" Bulyaw ng amo niya sa kanya.
"Ma'am, may bisita po kayo." Biglang sulpot ni Manang Linda mula sa sala.
"Umalis na nga kayong lahat! Sige na matulog na kayo. Ayokong makakita ni isa sa inyo sa ngayon. Gusto kong mapag-isa!"
"Ah sige, ma'am. Pasensya na."
Agad nang nag-exit si Manang Linda. She tugs Emma along with her before their boss turns into a fire-breathing dragon.
"Miss."
"Anong ginagawa mo dito sa oras na 'to?" Diane asks in a usual sassy manner. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ayokong makakita ng tao. Umalis ka na."
"Hindi kayo bumalik sa office kanina. Kinontact ko kayo ng maraming beses pero hindi n'yo pinansin." Napabuntong hininga si Sander bago pa siya nagpatuloy. "Alam kong may malaki kang pinagdadanan ngayon, Miss. Gusto kong tulungan ka kahit sa anong paraan na alam ko. Hindi ba't sinabi ko sa inyo na nandito lang ako pag kailangan n'yo ng karamay?"
Diane stares at the countertop blankly as she takes a gulp on the glass of red wine on hand. "Alam mo, paki-alamero ka rin ano. Pareho kayo noon ng asawa mo."
"Miss D, bilang assistant mo concern ako sayo. Nag-aalala na ako masyado sa mga kinikilos mo."
"Wag kang mag-alala. Hindi pa naman ako magpapakamatay." She takes another sip then she gets another glass. She pours the liquor on the two glasses. "Halika, samahan mo 'ko."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...