Nakaupo si Diane sa mataas na sofa sa kanyang sala habang abalang nagbabasa ng yearly progress report nang nakaraang taon. Sabado ng umaga, nakaandar ang tv kahit hindi naman niya masyadong pinapansin ito. Umiinom siya ng kanyang mainit na kape saka niya ito nilagay sa glass table sa harap at naka-focus na ulit sa kanyang binabasa, nakapatong ang paa sa sofa na para bang nagsusun-bathing sa beach ngunit nasa sala."Excuse me po, mam. Lilinisan ko na po yung kwarto n'yo ah?"
"Hmm go ahead Emma. Okay lang." Diane says without looking up. "Basta wag mo lang galawin ang mga importanteng gamit ko."
"GOOD MORNING DIANE!!"
Nabulabog si Diane sa pagbati ng bagong panauhin. Nag-echo sa buong bahay ang boses nito.
"Kailangan talaga sumigaw? Kailangan talaga may pa-grand entrance ka tuwing pupunta ka dito sa bahay ko?" Annoyed response of Diane to her cousin Regina.
"Maganda lang ang gising ko."
Regina immediately cozies up to a spot on a nearby couch. Diane was still reading and doing her thing, still ignoring the TV when there's a news about a newly discovered virus in Wuhan, China called novel corona virus or n-CoV.
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets. Ang laki ng tv mo, pero hindi mo naman ginagamit according to its purpose." Bulalas ni Regina. "I mean, ang daming channel pero hindi ka nanood ng teleserye, o kahit anong palabas. Pinapaandar mo nga pero hindi ka nga rin nanonood."
News anchor: Umaabot na sa mahigit kumulang 10, 500 na ang naitalang nagkaroon ng naturang sakit sa lungsod ng Wuhan. Pinag-aaralan pa ang sanhi ng virus..
"Ano bang pinunta mo dito, Regina." Diane asks, still without looking up.
"Parang hindi ka na nasanay. Gusto ko lang samahan ka."
"Kailan ba naman ako hindi nag-iisa. Sanay na ako."
"OA mo." Regina rolls her eyes. "Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan?"
"Alam mo na kung ano."
Regina sighs defeatedly. Alam niyang kahit kailan hindi siya mananalo sa usapan kapag si Diane ang kausap. Change topic nalang. "Wala ka bang plans today? Lakad?"
"Wala." Diane sighs. "Kailangan kong magpaka-busy today. Ngayon kasi ang binyag ng anak anak ni Vanessa at Alexander. Eh diba sinabi kong busy ako."
"Ang sabihin mo iniiwasan mo siya. Curious ako kung ano talaga ang nangyari sa inyo ni Alex sa kama at hindi mo siya malimut-limutan."
"Can you stop it please?!" Bulyaw ni Diane at tsaka nilagay na niya ang reports na hawak niya. She gives up kasi napaka-isturbo talaga nitong so Regina. "Stop it, Regina."
"Nag-blush ka!!"
"Gusto mo ihilamos tong kape ko para permanent blush on ka rin?"
"No!! Not my face!" Regina screams and shields her face with her crossed arms. "Grabe ang harsh mo talaga sa'kin!"
As if ba naman ituloy talaga ng pinsan niya.
*
*
*
*
*
Masyadong busy sa Martinez lately. Tambak-tambak na reports ang ginagawa ng bawat empleyado. Patapos kasi ang taon kaya marami ring dapat gawin at tapusin. Magsa-submit pa kasi ang kompanya ng reports sa mga government agencies na may kinalaman sa turismo at accommodation industries sa bansa. Ginagawa nila ito taon-taon.
Sa sobrang busy ay sobrang bilis lang din dumaan ng mga araw.. linggo.. Hangga't ilang araw nalang ay pasko na. Kaya pinagsikapan talaga ng buong kompanya na matapos lahat Ng gawain bago ang pasko upang wala na silang ibang iisipin kundi i-enjoy ang holidays. Nakatanggap na sila ng Christmas bonus at 13th month pay. Inagahan nga yun kasi alam naman natin na bawat employee ay yan ang hinihintay tuwing December. Everyone is looking forward for Christmas. Except for Diane who was actually skeptic about it.
"Aalis ka bukas? Agad-agad?"
"Oo. Short notice kasi eh." Sagot ni Regina Kay Diane. "Pano kasi, gusto ni René doon ako mag-Christmas. I'll be meeting his parents too."
Andon na sa France ang fiance niyang so René. Si Claude andon na rin kaya? Ah hindi na importante ang gagong yun. Nauna na dun si René last two weeks at ngayon susunod si Regina to spend the holidays together.
"Eh 21 pa naman bukas ah? Sa 23 ka nalang lumipad patungong Paris."
"Actually hindi sa Paris ang residency nila, sa Lyón." Regina corrected. "At tsaka mag-co-commute lang ako."
"Where's your private jet?" Surprised na tanong ni Diane.
"Ugh.." Regina rolls her eyes. "As if ba naman may sarili akong private jet. Kay dad pa rin yun kasi sa kanya naka-pangalan."
Hindi na nagsalita si Diane pagkatapos at pinatay na niya ang tv para makaoagpatuloy siya sa kanyang ginagawa kanina. Sabi niya she's not looking forward for Christmas. Pero in-assure siya ni Regina na magiging masaya pa rin ang pasko ng pinsan dahil ang noche buena ay sa bahay mismo ni Diane ihe-held. Ibig sabihin doon magpapasko ang kanilang mga relatives.
At yun nga.. mabilis dumating ang pasko. Hindi naka-attend si Regina sa bonggang Christmas party sa Martinez Corporation na talagang inaabangan every year dahil lumipad na siya pa-France. Panay ang pag-videocall ni Dina at Daniver kay Diane, kamustahan, kwentuhan. Umasa pa si Diane na mag-greet man lang ang ex-husband niyang si Oliver ng Merry Christmas pero wala eh. Hindi naman malungkot ang noche buena dahil may maraming pagkain sa long table at naroon ang kanyang mga kamag-anak para samahan siya. They hired private chefs to cooks for their specially selected menus. There were 12 people during dinner. Diane could compare this to her last year's Christmas. Hindi mansion ang bahay nila doon sa America pero napakaraming bisita noong party na yun. Even if it's an exclusive family party tonight, she invited her assistant Alexander. But he never came.
Ting-ting-ting-ting!
Tunog ng tinidor sa wine glass. Time for a toast. Tumayo si Ricardo, dad ni Regina na galing pa sa Singapore at umuwi lang sa pinas para sa holidays. Business is important but family is the top priority, ika nga niya. Tahimik ang lahat upang makinig sa kanyang mensahe.
"I'm sure each one of us had been through a lot this year. But I'd like to make this toast for our dearest Diane." Sabi niya and everyone smiled at Diane. She smiles looking up to her uncle from the other side of the table. Ricardo continues. "I know it's been a tough year for you. But we all know, you are a very strong person. Just like your late papa."
Everyone feels sad about Diane's marriage. At kahit anong pigil ni Diane hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
"Diane," her uncle continues. "We are family. We are always here for you. These people right here.." He says gesturing to their relatives. Diane sees them with hopeful and encouraging faces. "We would always be there for each other no matter what happens."
Diane nods and mumbles a heartfelt "Thank you."
"For a better year ahead!" Final sentence ni tito then they 'clink' their glasses together.
Same thing happened in the New Year's Eve. Akala ni Diane masaya siya kasama ang kanyang mga kamag-anak sa Martinez side. Masaya naman talaga siya sa kalagitnaan ng party. Lahat sila'y naging careful not to mention anything about marriages, divorce, or Oliver's name in front of Diane. During countdown kung kailan sana magnew-New Year's kiss bawat couple, sila na ang nag-adjust. Instead, they hugged each other at nag-beso-beso nalang.
"HAPPY NEW YEAR!!! WELCOME 2020!"
Pero may kulang pa rin kay Diane. There is this emptiness that she forces to hide. She even failed to appreciate the fireworks display sa labas ng mansion na pina-prepare talaga ng tita Romina niya. It all costed 500,000 pesos. Aside from the fact that typhoon Ursula had been storming the country, talagang may something hollow sa kalooban niya.
After nagsi-uwian na ang lahat she went to her bed, exhausted and drained. She cried until she fell asleep. Same thing happened in New Year's eve.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanficSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...