This is all about the difficult thing that all of us are having a hard time to do.
This is all about moving on.
This is all about the suicide mission.
After you surpass this one, you will die first and then it's time for you to live again...
We all know how hard to do this two words, we called 'Move on.'
Ang sabi naman ng iba madali lang daw. Lakad ka lang daw makaka-move on ka na. Eh kung sinasapak ko kaya sila ng malaman nila na sila ang tanga! Seryoso ka tapos pinipilosopo ka lang nila. Azar!
Okay back to move on..
Bakit nga ba napakahirap nitong gawin? Minsan sasabihin mo sa sariling mong, "Tama na nga, nagmumukha na akong tanga."
Pero ilang minuto lang pag nakita mo siya babawiin mo agad yung sinabi mo sabay mapapasabi ng,
"Hindi ko pala kaya."
"Sa susunod nalang."
"Konting tiis pa."
Yan. Yan ang mga famous line na madalas mong sabihin na ikaw lang rin naman ang paulit-ulit na masasaktan.
Minsan kasi ang lintek na puso natin ang nagsasabing hindi ka rin magwawagi sa pagmomove on kasi mahal mo talaga ang taong iyon. Kaya kahit pilitin mong magmove on, hindi mo kaya.
May part pa rin kasi sa atin na tinutulak tayong umasa. Umaasa tayo.
Umaasa na isang araw, mapapansin ka rin niya. Na baka marealized niya na gusto ka rin pala niya. Kaya hindi tayo makamove-on kasi palagi tayong umaasa. Aasa na nga lang dun pa sa taong professional kung magpaasa, na wala naman talagang balak na saluhin ka kapag nahulog ka na.
Paano ka nga makakapagmove-on kung nag-umpisa lang ang lahat sa inyo ng dahil sa kalandian niya. Ikaw naman si tanga nagpalandi ka!
Katangian yan, pero ikaw pinangalan mo na.
Wala lang siyang malandi nung time na 'yon kaya ikaw ang napagtripan niya. Nilandi ka na nga lang option ka pa! Tapos nag-assume ka kaagad na baka type ka niya. Kaya ngayon hirap na hirap kang magmove-on..
Hindi mo ba alam na sa larong 'landian' ang nagpalandi ay ang laging talo at ang lumandi ang laging nagwawagi. Cycle na 'yan na hinding hindi mo na mababago.
Kaya kung ayaw mong masaktan at gawin ang suicide mission na pagmomove-on..
Wag kang magpapalandi sa taong malandi. Ikaw na nga ang napagtripan niya nung umpisa, ikaw pa ang talo sa huli kapag tapos na ang laro niya at isa ka na lang boring para sa kanya.
Isa pang napakahirap gawin ay ang pagmomove-on sa.. sa crush mo.
Oo, magmomove-on ka kahit crush mo lang naman siya. Kahit hindi naman naging kayo.
Ang assumera man ng pagmomove-on kay crush eh wala kang magagawa. Yan ang tamang word para sayong umasa sa taong hindi aware na nag-eexist ka pala.
Patay na patay ka sa kanya habang siya naman ay patay na patay rin.. sa iba.
Lahat-lahat about kay crush alam mo. Samantalang siya ni pangalan mo wala siyang ideya. Ang sakit diba? Ni hindi man lang siya marunong rumespeto.
Dapat ganto na lang, 'Kung crush mo siya, crush ka din niya.' Kaso hindi e. Kaya sa ayaw at sa ayaw mo, you need to do the suicide mission. You need to Move on!
Isa pang pangtritrip ng tadhana na mangyayari eh yung kausap bigla ng mga kaibigan mo yung crush mo.
Nagtataka ka pa kung ano kaya ang pinag-uusapan nila ng maya-maya maririnig mo nalang yung mga kaibigan mo na sisigaw ng, "Uy papicture daw!"
Hindi mo na mamamalayan na hila-hila kana pala nila sa harap ng crush mo. Tapos yung crush mo naman bigla ka nalang aakbayan pagkaclick ng camera. Kaya imbes na magmove-on ka, aasa ka na naman. Iisipin mo kung bakit ka niya inakbayan. Na baka gusto ka rin pala niya, natotorpe o pakipot lang siya..
Pwede naman siyang tumanggi sa pagpapapicture mo sa kanya pero pumayag siya.
Kaya sa huli, ang role mo ay isang dakilang assumera! Mahihirapan ka na namang magmove-on pag nalaman mong wala naman syang feelings sayo..
Paano ka nga makakamove-on kung sa araw araw eh patuloy ka parin nilang aasarin sa taong kinakalimutan mo na?
Ang hirap diba?
Sila kinikilig sa inyo, habang ikaw napapamura ka na sa isip mo.
Na kapag kayo-kayo nalang ulit magkakaibigan sasabihin mo sa kanilang..
"Bwisit! Mawawala na yung feelings ko e. Malapit na. Kung hindi niyo lang ako inasar ulit sa kanya.."
Move on..
Die first. Then try to live again..
End.
----------------
Author's note:
Heyaaaaah!!! Salamat sa pagbasa. Wag mo naman kalimutan i-vote ito please.. pretty please. :) Hihi.
May story ako. 'This Stupid Playboy!' ang title, basahin niyo rin ah. Comment and vote! Kung gusto niyo ipromote sa kaibigan niyo okay go! Aayaw pa ba ako? Haha. Bawal tumanggi sa grasya e. Hahahahahahaha!
Thank yooouuuuuu!!!! :)
-shiermaryyyy
BINABASA MO ANG
Move On!
RandomNote: This is not a story. This is all about the difficult thing that all of us are having a hard time to do. This is all about moving on. This is all about the suicide mission. After you surpass this one, you will die first and then it's the time...