"I'm sorry..." mahinang sabi nito na nakayuko.
Umupo ulit ako sa tapat niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko kaya napatingin siya sa akin.
"Naiintindihan ko." Sagot ko saka ngumiti. Naisip ko kasi na sobrang mahal niya lang talaga si Natayah kaya ganon.
"Noong araw rin na 'yon kinausap ko siya. At sinabi nga niya yung totoo." Sabi nito maya-maya. "Sobrang sakit, S-shang..." Patuloy niya at nabasag na nga ang boses.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Sumama ka sa'kin. May pupuntahan tayo." Sabi ko at tumayo habang hawak ko parin ang kamay niya.
Agad naman niya akong tinignan kaya ngumiti ako. "Tara na! Masaya 'to promise!" Patuloy ko at hinila siya patayo at wala naman siyang nagawa kun'di ang sumama sa akin.
At dahil medyo malayo ang pupuntahan namin, hiniram ko muna yung kotse ni Bella.
Ako na rin ang nag drive at sinabi sa kanya na magrelax na lang.
"Oyy Shang, saan mo ako dadalhin?" Tanong niya kaya natawa ako.
"Easy ka lang. Pupunta tayo ngayon sa Cagayan." Sagot ko.
(Note: Cagayan Valley)
"Ano?! Ang layo ng Cagayan!" Sigaw niya kaya natawa ulit ako.
"Easy ka nga lang! Nagpaalam na ako kay Sir Robin na hihiramin muna kita kahit isang araw lang." Sogot ko. Huminga naman siya ng malalim kaya napailing nalang ako.
"Matalulog ka nalang muna diyan. Bukas nandun na tayo." Ngiti ko.
Makalipas nga ng 10 hours mahigit ay narating na namin ang Santa Ana, Cagayan. Ang bayan kung saan lumaki si mama.
Nilingon ko si Stell at mahimbing parin ang tulog. Malaya ko naman siyang napagmamasdan.
Tanga nalang talaga si Natayah na niloko niya lang 'tong lalaking pinapangarap ko.
"Oyy, Shang!" Agad akong napabalik sa huwisyo ng bigla niya akong tapikin. Taena? "Tulala ka diyan? Kanina ko pa tinatanong kung nasaan na tayo." Patuloy niya kaya napaayos ako ng upo.
"H-ha? Ahhh— n-nandito tayo ngayon sa hometown ni mama." Sagot ko. Nagkanda utal-utal pa ako. Selp ano na?! Umayos ka takte!
"May bahay ba kayo dito?" Tanong niya at tinignan ang labas.
"O-Oo. Tara." Sagot ko at nauna ng lumabas.
Pagkalabas ay makikita ang ganda ng dagat na hindi ganon kalayo sa kinaroroonan namin. Sobrang sariwa din ng hangin.
"Ang ganda dito. Sana sinama din natin silang lahat para makapag relax din sila." Sabi niya at inililibot ang paningin sa buong paligid.
"Next time." Sagot ko nauna ng maglakad papasok sa bahay namin dito.
Minsan kasi ay dito kami nagce-celebrate ang pasko at bagong taon kasama yung mga tita, tito at mga pinsan ko na kapitbahay lang din namin.
"Ayesha? Nako bata ka! Apay met ta madim inbagbaga nga agawid ka tatta." (Bakit hindi ka naman nagsabi na uuwi ka ngayon.) Bungad ni Aling Rosie pagkabukas niya ng pinto. Siya yung nagbabantay dito sa bahay namin.
"Biglaan lang kasi auntie." Sagot ko. Agad naman siyang napatingin kay Stell na nasa likod.
"Ay na! Sino atuy nag gwapo nga kadwam? Boyfriend mo?" (Nako! Sino naman itong napakagwapo mong kasama? Boyfriend mo?) Tanong niya at lumapit kay Stell ng nakangiti.
"Ahh— Hello po." Bati ni Stell na halatang nahihiya.
"Auntie, pasok muna tayo at sa loob na mag-usap." Putol ko kaya agad naman siyang tumingin sa akin.
"Ayy, oo nga. Sobrang gwapo kasi nitong kasama mo." Sabi pa niya habang papasok sa bahay.
Napailing na lang ako habang si Stell ay napapakamot sa ulo.
"Ayeshang!" Sigaw ni Calvin nang makita ako. Nakaupo kasi siya sa sala nang pumasok kami.
Si Calvin ay anak ni auntie Rosie. Siya rin yung lagi kong kalaro sa tuwing bumibisita kami rito.
"Ngayon ka na nga bumisita ulit, may dala ka pang jowa. Grabeee ka sa akin ahh!" Sabi niya saka tumayo at lumapit sa amin. "Hi! Ako nga pala si Calvin. Gwapong kababata ni Ayeshang." Sabi pa nito kay Stell.
"Stell." Tipid naman na sagot ni Stell at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Calvin.
"Stell? As in Stell ng SB19? Hoy Maria! Bakit hindi mo naman sinabi na boyfriend mo pala ang isa sa member ng sikat—"
"Hindi ko siya boyfriend, okay? Kaibigan ko si Stell." Putol ko sa kanya. Kalalaking tao napakadaldal.
"Ay! So may pag-asa pa ako sayo?!" Sigaw pa niya pero inirapan ko na lang siya.
"Pasensya ka na Stell, sadyang maingay lang talaga tong lalaking 'to." Baling ko kay Stell na hindi ko alam kung tatawa ba o ano.
"Ayos lang." Sagot niya.
Maya-maya pa ay inaya na kami ni auntie Rosie na kumain.
Matapos naming kumai ay niyaya kami ni Calvin na maglakad-lakad muna sa tabi ng dagat dahil palubog na ang araw.
Nang mapagod ay umupo kami sa buhangin at pinagmasdan ang papalubog na araw.
Si Calvin naman ay nakikipaglandian sa mga babaeng turista sa di kalayuan. Hindi na talaga nagbago ang lalaking ito.
"Salamat..." napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.
"Para saan?" Tanong ko. Bumuntong hininga naman siya bago magsalita.
"Salamat dahil lagi kang nasa tabi ko kapag may problema ako." Sagot niya. Tinapik ko naman ang balikat niya saka siya nginitian.
"Wala yun. Kaibigan kita, e." Sagot ko.
Lahat gagawin ko maging masaya kalang, kahit masakit. Mahal kasi kita, eh.
To be continued...
Sabaw na naman!
Read 𝗕𝗮𝗹𝗰𝗼𝗻𝘆 (JoshTin AU)
Stream Hanggang sa Huli MV!💙
BINABASA MO ANG
Hiling | SB19 Stell✔
FanfictionSB19 Series #5 "Hindi kita mahal." "Ginamit lang kita, Stell..." Napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. It's been a year since then. Pero hanggang ngayon masakit parin. Akala ko mahal niya talaga ako. Pero gaya nga nung sabi niya. She just used...