unwanted child

0 0 0
                                    


A/n: surely kids nowadays suffers anxieties and mental problems. I wanna share how i deal with anxieties and depression. Please dont judge me based on your own perception kasi iba iba naman tayo ng opinion. I created this for awareness not for fame.

Hi! Have you ever been rejected? Like rejected by your own parents? Yes? No? Ang sakit ano? Hahaha but anyway you can still move on. You can still be strong despite rejection.

I was young, so small. Not even been born when i was rejected by my own parents. Kasi nga, aksidente lang. Yung tipong naglalakad si mama noon tas nabundol ng tite? De jk.😂 Nvm pipol.

I was still in my mothers womb when i was rejected. Sabi ng mga lola ko both sides.

My mother doesn't want me kasi bata pa sya noon. My father doesn't want me kasi nga baka di daw sya tatay ko.

Galing nila ano? Aksidente pa nga😂

Later on, pinagutan din naman kasi nga tinakot ng pamilya ni mama😂. Then i was born.

Kompleto pa kaming tatlo noon sa iisang bubong. Since infant till grade 4 ako.

Ang bibo ko noon. Di ko alam may iba na palang nagaganap sa pamilya namin nun😂

Di nila pinapakita na nag aaway sila pero halata yun. Minsan nakikita ko din.

Till grade 4 ako nun, 4am ng umaga ginising ako ni mama.

"Nak! Nak! Gising jan! Bilisan mo! Susunugin tayo ng tatay mo!"

What? Susunugin? Di yun magagawa ni papa. (Papa's daughter nga naman)

Bumangon ako at lumabas sa likod na pintuan kasi naiihi din ako. Ops🤦 excuse me pipol.

Saktong kita ko si papa😂 huli ka balbon!!!

Kitang kita ko yung posporong nakasindi at ready ng ihulog. Pansin ko ding ansama ng amoy. Gas na pala yun.

Di ako maka react. Di ko alam anong iisipin. Di ko alam kung kikilos ba ako. Tatawagin ko ba si mama.

Papa ko yun. Papa ko.

I was stunned. Naging bato ako sa tinatayuan ko.

Dali daling tumakbo si papa palabas ng gate at sumakay sa motor. Nag drive paalis, while i was just starring.

Di ko alam anung nangyayari. Di ko alam anong i rereact ko.

Gang sa nabingi ako. Tinatawag na pala ako ng mama ko.

"Nak!! Ginagawa mo jan?! Nakita mo ba ang papa mo?! Anong nangyari?! Nasaan na papa mo?!"

Bulabog lahat ng kapitbahay dahil sa ingay ng bahay namin. Dalawa lang kami nun ni mama. Di na umuuwi si papa nun.

Hanggang sa naging grade 5 ako. Malapit na magtapos ang school year nun. Kinausap ako ni mama.

"Nak, kung saka sakaling maghiwalay kami ng papa mo san ka sasama?"

Anong muwang ko ng panahong yun? Anong alam ko sa mga ganyan? Tama bang pumili ako sa mga magulang ko?

Blangko ang utak ko. Di ko alam sasabihin ko.

"Kung pwede sana dun ka muna sa lola mo sa probinsya. Dun mo din ipagpatuloy pag aaral mo. Mas maaasikaso ka ng lola mo dun kesa dito"

"Nak kelangan ko kasi magtrabaho para sayo. Sana maintindihan mo"

"Okay ma. Andun naman si lola, wala pong problema"

Okay lang lahat noon kasi wala naman akong choice. At di ko rin naman alam gagawin ko so go with the flow.

Hanggang sa dinala nga ako sa probinsya at dun nagpatuloy mag aral.

invisibleWhere stories live. Discover now