The Eclipse Couple (T.E.C) 'Chapter Six'
'Swayze' (Point Of View)
"May isang patient ang positive sa Covid"-Bulong ng isang nurse sa kausap niyang nurse rin.
"Nako, ilagay natin siya sa ICU delikado ng makahawa siya ng iba pang patient"-Sabi ng kausap niya.
"Bakit sa ICU? yung may malulubhang sakit lang pwede dun"
"Delikado rin kung makahawa siya malubha rin ang virus nayan, pwede siyang mamatay, marami namang bakanteng room sa ICU at mas mabuting doon siya ng hindi nakahawa"-Paliwanag ng isang nurse, yan ang tunay na nurse.
Agad naman nilang inilipat sa ICU ang covid patient.
Lumapit ako sa isang batang pasyente na may mataas na lagnat para turukan na ito ng dextrose.
"Ate nurse masakit poba yan? sabi ni mama parang kagat lang daw po yan ng langgam"-Tanong ng bata habang inihahanda kona ang pantuturok ko sakanya
"HAHA oo naman parang kagat lang to ng langgam kaya wag ka matakot"-Sagot ko sakanya at nakita ko namang nakangiti ang mama niya dahil nakikita niyang kahit may sakit ang anak nito ay masaya parin ito.
Nang maturukan ko ang bata ay buti nalang at hindi ito umiyak "Hindi naman po pala masakit HIHI.."-Aniya at ngumiti pa kaya diko mapigilang mapangiti dahil sakanya.
Kinuhaan korin siya ng temperature ng lagnat niya, medyo bumaba na ang lagnat niya "Pagaling ka baby ah, bumababa na lagnat mo"-Sabi ko rito at nakangiti naman siyang tinanguan ako.
9:30 pm na ng gabi at nandito parin ako sa E.R, tatlong patient ang nag-positive dito sa hospital at tuloy tuloy parin ang datingan ng ibang patient dito na may iba't ibang sakit.
Agad na nag-kasalubong ang kilay ko ng makita si khazy na dali daling tumatakbo palabas sa hospital at papasok roon sa ambulansya may emergency nanaman.
"Ms. Luna sumama ka saamin may emergency"-Nag-mamadaling sabi saakin ni Ms. Yoon kaya dali dali narin akong sumunod sakanya...
Nasa loob na kami ng ambulansya "Anong emergency ba nangyari?"-Tanong ko sakanila
"Ang kotseng sinasakyan nina Mr. At Mrs. Imperial nahulog raw sa isang malaking bangin"-Sagot ng isa naming kasamang nurse
"Sabi ng mga rescuer wala ng buhay ng makita nila ang mag-asawang imperial, pero ang sanggol na kasama nila ay buhay pa dahil sa yakap ng dalawang magulang"-Halos bumuhos lahat ng luha ko sa sinabi ni Ms. Yoon, kasama nila ang bagong panganak na sanggol at yakap yakap nila ito ng matagpuan, dahil sa yakap nila nabuhay ang sanggol.
Nakarating na kami sa kung nasaan nangyari yung incident nakita nalang namin sina mrs. at mr. imperial na pinapasok na sa ambulansya. Nakita ko naman ang isang rescuer na pinapatahan ang sanggol na umiiyak, ang sanggol napapaliguan ng dugo ng mga magulang niya.
"Uhm sir pwede po bang ako na muna ang humawak sa sanggol at matignan kung maayus ang lagay niya"-Sabi ko sa rescuer.
"Ah o sige sige, buti nalang at nandito ka"-Sagot nito at ibinigay saakin ang sanggol.
Nang mahawakan ko ito ay tsaka lang siya tumigil sa pag-iyak, bigla nalang nitong ipinikit ang mata at natulog. "Ang cute mo naman"-Sabi ko rito.
"Swayze halika na! ichecheck pa natin ang baby kung may injuries ba siya"-Sabi ni Ms. Yoon kaya naman pumasok na ako sa ambulansya at umandar na ito papunta sa hospital. "Paano nangyaring walang injuries ang sanggol kung nahulog sila sa bangin, hindi sapat ang yakap ng magulang nito para maligtas siya"-Hindi makapaniwalang dagdag ni Ms. Yoon ng matapos suriin ang kalagayan ng sanggol.
Mabilis kaming nakarating sa hospital at saktong pag-karating namin ay kakarating lang rin nila Azrael at ng dalawa niya pang kapatid na lalaki.
Dead on arival na ang mag-asawa ng makarating na sa hospital, nasa morgue na ang bangkay ng mag-asawa papunta palang ako roon ng makita ko si Azrael na sinusuntok ang pader, agad na nilapitan ko ito dahil dumudugo na ang mga kamao nito.
"Azrael! tumigil kana kahit magwala kapa jan hindi mababawi buhay ng magulang mo"-Sabi ko rito pero imbis na tumahan at umupo nalang, ay agad ako nitong itinulak sa pader, nakaharang ang dalawa niyang kamay sa gilid ko kaya't hindi ako makaalis at isa pa itong mata niyang namumula na sa galit hindi ko manlang magawang gumalaw dahil baka ano pang gawin saakin nito.
"Can you just not interfere!?"- Bulong nito na ikinatindig balahibo ko, ngayon lang ako natatakot sakanya, ramdam na ramdam ko ang galit niya.
Agad naman niya akong pinakawalan at iniwan ko nalang agad ito.
Nasa E.R parin ako ngayon at dumating nanaman ang dakila kong kaibigan na kekembot kembot nanaman itong nag-lalakad palapit saakin na mukhang may bago nanamang chismis.
"Uy! alam moba?si Azrael nagka-amnesia pala siya noon"-Agad na sabi nito.
"Amnesia?"-Tanong ko rito.
"Oo daw narinig ko kasing may kausap ang greatest grandmother niya sa phone call dun ko narinig na may amnesia si Azrael sabi pa nga ay nahulog raw siya sa bangin noon kasama ang matalik nitong kaibigang babae, I'm sure na may amnesia rin yung girl sure ako jan"-Sagot niya na ikinatahimik ko dahil iniisip ko kahapon pa kung may amnesia ba ako o wala.
-
-
-
-
@MysthGHi my Mystic's!!!Thank you for Reading my story, dont forget to vote!!!
BINABASA MO ANG
The Eclipse Couple (T.E.C Series#1)
RomanceT.E.C Series#1- "You're my Moon and I'm your Sun, I died every night to let you breath" -MysthG