CHAPTER 9: PARTY
SOLAR'S POV
"Sol!" Sigaw ni mama ng papasok na siya sa kwarto ko.
"Ma gising po ako 'wag po kayong sumigaw at masakit sa tenga." Tinakpan ko ang tenga ko at pumunta sa banyo para mag sipilyo at mag hilamos.
"Pasensya naman anak tao lang. Hindi na pwedeng mag sorry." Pilosopong sabi ni mama kaya hindi ko na lang siya pinansin.
"Bakit po ang aga niyo? Mamaya pa naman po ang party diba?" Nag sipilyo na ako habang hinihintay ang sagot niya.
"Yes, but we have to go to Sismars boutique para kuhanin ung mga damit. Kasama naten si kuya mo at Uranus para masukat na din nila ung kanila." Tumango lang ako.
"I hired some make up artists for today para maganda tayo lalo. You might find your husband to be in the party kaya dapat pak na pak ang ganda ng nag iisang babae ko." Pumalakpak pa siya sa sobrang tuwa habang ako nag hihilamos.
"Ma wala pa po sa isip ko ang mag asawa. I'll get there but not at this time. Gusto ko pang pag silbihan ang bayan."
"Anak you sound like a national hero. I-apply kaya kitang bayani ng bansa? Pwede kaya 'yun?" I laughed at mama's remark.
"Ma kelan pa naging job interview ang pagiging bayani." Nag punas ako ng mukha at lumabas na ng banyo. "Nag apply po ba si Rizal at Bonifacio bago sila maging bayani?" Umupo ako sa kama at tumabi kay mama.
Unconsciously, mama took a comb and started combing my hair. "Hindi pero malay mo anak they'll hire you as a bayani. Jessie always tells me na you act like a hero. You use your body to shield people kahit na delikado."
"Ma 'wag mong masyadong paniwalaan si Jessie. Minsan hindi totoo ang mga sinasabi 'non o kaya may dagdag parang chismis."
"I think not. May mga proof na sinesend si Jessie tuwing napapahamak ka." Napa nganga ako sa sinabi ni mama. So may panahon pang mag selfie si Jessie habang nag aagaw buhay ako, ganon?
"Makakatikim talaga sakin si Jessie pag nagkita kami."
"Talagang mag kikita kayo anak dahil sa party nila Jessie tayo pupunta. It's his dad's birthday." Napangisi ako dahil hindi nako mag hihintay na matapos ang break ko para mabatukan siya.
"Wala pa po akong regalo para kay Mr. Lising. Dapat agad mong sinabi ma para nakabili na ako nung nag mall tayo nung isang araw." Tinignan ko siya sa likuran ko dahil sinusuklay niya pa din ang buhok ko.
"Don't worry anak. Meron na kaming regalo ni papa mo kaya kahit wala ka nang ihanda." Tumango na lang ako at umupo ng maayos hanggang sa matapos niyang suklayin ang buhok ko.
*
"Good evening, Mr. and Mrs. Maniquis," Bati ng mga taong naka corporate suit kina mama at papa.
"Good evening, Mr. Sanciangco," Bati pabalik ni papa at nakipag kamay. Baka business partners? I'm not sure kasi wala naman akong alam sa family business.
"You have such a beautiful daughter." Tumingin ito sakin kaya napilitan akong ngumiti para hindi mapahiya sina mama at papa.
"Yes, she is but you aren't her type so stop flirting with her in front of me," Seryosong sabi ni papa kaya natawa ng awkward 'yung lalaki.
"Sorry about that Mr. Maniquis. Ang ganda lang kasi ng anak niyo but don't worry I'm not flirting with her because I'm like an older brother to her. Masyado na akong matanda para sakanya." Doon lang nag relax ang mga features ni papa.
"Good to know." Umalis din kaagad ung lalaki dahil siguro napahiya siya ng slight dahil kay papa. Buti nalang at walang ibang nakarinig.
"Pa don't be so rude. Paano mag aasawa ang anak naten if you always scare the boys away." Sermon ni mama.
"I don't scare them, Ma. I'm just stating facts. In the first place, we went here to celebrate my bestfriend's birthday and not to find a suitable husband for Solar." Natawa ako ng kaunti sa sinabi ni papa lalo na at sumimangot si mama.
"Your daughter isn't getting younger, you know. Gusto ko na ng apo at wala atang balak mag asawa ng panganay naten. Si Uranus mukhang willing naman kaso masyado pa siyang bata." Lintanya ni mama.
"Ma apo agad hindi pa pwedeng son-in-law muna," Saad ni Uranus na kadarating lang galing sa kung saan.
"Uranus where have you been?"
"Dyan lang po sa tabi tabi, pa. Nag hanap ng magiging asawa para mag ka apo na kayo ni mama." Nakangising saad niya.
"Uranus!" Suway ni mama at pinanlikihan niya ng mata si Uranus. Ito namang isa tumawa lang.
"Ma chill. Nag jojoke lang naman po ako. I haven't even flirted with anyone yet."
"Yet?" Bago pa madugtungan ni mama ung sinabi niya umalis na agad si Uranus. "Pa pagsabihan mo ung bunso naten jusko baka mauna pang mag ka anak kesa sa mga ate at kuya niya." Tinawanan lang siya ni papa.
Nag paalam din ako kina mama na hahanapin muna si Jessie. I need to get my revenge, one way or another. Masyado niya akong pinahamak kay mama.
Nakita ko naman siyang lumabas galing sa kusina nila kaya agad agad akong lumakad sa pwesto niya.
Piningot ko siya sa tenga ng maabot ko siya. "Aray!" Hinawakan niya ang tenga niya. "Ano ba naman yan Solar?! Sobrang namiss mo ba ako at nananakit ka?" Lalo kong hinigpitan ang pag kakapingot sa kanya.
"Ikaw pahamak ka talaga. Bakit sinasabi mo kay mama ung mga nangyayari sakin ha?"
"Bitawan mo muna tenga ko." Binitawan ko siya kaya muntik na siyang masubsob. "Aray ha! Parang mababaklas na ung tenga ko kung hindi mo pa binitawan." Namumula nga ung tenga niya pero hindi ako nakaramdam ng guilt.
"Bagay sayo yan. Bakit ba kasi para kang news anchor at binabalita mo lahat kay mama ung mga nagyayari sakin? Meron pang proof na picture." Napakamot siya sa ulo niya dahil sa sinabi ko.
"Ah yun ba. Pasensya kana. Nag aalala lang naman ako bilang bestfriend mo e. Palagi ka nalang sumasalag ng baril or kutsilyo para makaligtas ng ibang tao. Baka sa susunod mamatay kana kaya binabalita ko kay tita para naman mabawalan ka niya o kaya sabihin sayo na bawas bawasan ang pag papakabayani."
"Nag alala lang lalo si mama sa mga binabalita mo. Buti na lang at hindi niya sinabi kay papa kung hindi talagang aayaw na yun sa pagiging sundalo ko." Binatukan ko siya sa sobrang inis.
"Pero in fairness pasado na akong news anchor 'no Solar? O kaya abugado kasi may proof." Natatawa niyang sabi kaya inirapan ko lang siya. Tinulak niya kong pabiro kaya napaatras ako dahil hindi ako handa.
May natamaan tuloy ako at medyo nabasa pa ung gown na suot ko. Tumingin ako ng masama kay Jessie na wala ng kulay ang mukha ngayon. 'Mamaya ka sakin' I mouthed kaya lalo siyang namutla.
"Pasensya na sa nangyari nabasa pa tuloy ang suot mo." Humarap ako sa nabunggo ko at napatulala ng makita kung sino 'yun. "Ikaw ung napagkamalang medic diba?" Medyo namula ung tuktok ng tenga niya dahil sa sinabi ko.
"Can you please give me a towel instead of asking nonsense questions?" Supladong sagot niya. Sarap hambalusin pero tutal kasalanan naman ni Jessie nag pakuha ako ng extra towel sa isang waiter para sakanya.
BINABASA MO ANG
In Charge (ON-HOLD)
RomanceSYNOPSIS: Isang babaeng minahal ang kanyang bayan ng lubos at piniling mag-sundalo upang ito'y pagsilbihan. Sabi nga ng mga tao, nasa hukay na ang kanyang isang paa dahil sa propesyong kanyang napili. A business man who loves and adores his own comp...