CHAPTER 8
Nobyembre ngayon. Kakauwi ko lang galing school. Kasalukuyan kong kinalaykay ang mga gamit ko. May hinahanap kasi ako.
"Hay salamat" napahinga ako ng maluwag ng mahanap ko ang hinahanap ko. Ay basta yun. Yung letter na ibinigay niya.
Inilagay ko nalang ito sa loob ng slingbag ko tsaka ako lumabas at tinungo ang harang. Hindi ko binasa ang letter dahil hindi ako naniniwalang wala na siya.
Nang makarating ako ay mag-isa akong umupo at sumandal sa cyclone wires. Naalala ko nanaman siya. Kainis, ba't kasi hindi siya nagpaalam kung sakaling mawala siya?
Iniling ko nalang ang ulo ko tsaka bumuntong-hininga. Dinaramdam yung simoy ng hangin. Nang may kumalabit sakin.
At sa paglingon ko.......ay parang tumigil ang mundo.
Nakita ko siya, si Archiel. Nasa harap ko ngayon, nakangiti.
Agad nagsibagsakan ang mga luha ko. Pinahid ko ito pero nagpatuloy lang ito sa pag-agos...
"Hoy! Bakit ka umiyak?! May masakit ba?! Uy sumagot ka!" natarantang sambit niya. Tinanong niya pa ako ng kung ano-ano pero isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.
"Archiel " mahinahong banggit ko sa pangalan niya.
Ang kaninang natataranta't nag-aalalang mukha niya ay napalitan ng seryosong mukha.
"Sumunod ka sakin." seryosong sabi nito at lumakad pakanan. Hindi naman siya lumayo sa harang kaya nakakasunod ako sa kanya. Maya-maya ay bigla siyang huminto. Nang tinignan ko ang pinaghintuan niya ay isa pala itong gate. Binuksan niya ito gamit ang susi at pinapasok ako sa loob.
"Hoy Arch san ka ba nagpunta't ang tagal mong nawala ha? Sagot oy!" Inulan ko siya ng ilang tanong subalit ay hindi niya ako pinansin.
Patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa natanaw ko ang isang mansyon sa di kalayuan.
"Bahay niyo?" Tanong ko't hay salamat naman at kahit papano'y tinanguan niya ako. "Anong gagawin natin dun?" Hindi nanaman niya ako pinansin.
Iginaya niya ako papasok. Nahiya naman tuloy ako. Ang lawak ng mansyon subalit napakatahimik ng paligid.
"Oh anak, sino siya?" agad akong nawalan ng dugo ng marinig ko ang boses na yun. Ang boses ng mama niya. Ano bang pakulo niya?!!
"H-hello po" nahihiyang sambit ko sabay bow.
" Hi iha."ngumiti ito sa akin "Kaano-ano mo yung anak ko?" di ako makasagot sa tanong niya.
" Ma, hindi ko siya lalala. Nakita ko lamang siya sa labas ng boundary." sagot ni Arch. Luh, anong pinagsasabi nito? " Tsaka, kilala niya si Archiel..."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong gusto niyang palabas?
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba ikaw si Archiel?"naguguluhang tanong ko sa kanya.
" Hindi. Magkaiba kami. Ako si-" bago pa siya makapagtapos sa pagsasalita ay agad kong hinawi ang bangs niya sa kanan na ikinatigil niya. At ganun naman ang ikinagulat ko ng makitang wala doon ang birthmark niya.
Agad akong napabitaw sa kanya't bahagyang napaatras. "Hindi- hindi ikaw si A-Archiel"
"Ang pangalan ko ay Zian. Zian Del Vega, kakambal ni Archiel." pagpapakilala nito.
Nagulat na lamang ako ng ipinatong ng mama ni Archiel ang kamay nya sa magkabila kong balikat. Tinignan ako nito ng may naluluhang mata.
"Tell me, kailan mo unang nakilala ang anak ko?" tanong nito.
" Nung- nung... Ngayong June po." nakarinig naman ako ng singhapan sa paligid kasabay nun ang pagbagsakan ng mga luha ng mama niya.
"May sinabi ba siya sa iyo? Kamusta siya?" sunod-sunod ang tanong niya kaya di ko magawang makasagot.
"Sigurado ka ba sa sagot mo? Baka nung nakaraang taon mo pa siya nakilala.." tanong naman ni Zian. Kita ko sa mga mata nito ang lungkot.
"Hindi. Sigurado ako."
"Te-teka, familiar ang mukha mo..." sambit bigla nung ina nila ng mahimasmasan sa kakaiyak " I-Ikaw ba si Alisha Mitch Fuentabella?" paano niya ako nakilala?
Dahan-dahan akong tumango na siyang nagpaiyak nanaman sa kanila. Dinaluhan nanaman siya ni Zian.
"A-ano po bang nangyare? Hindi ko po kayo maintindihan." naguguluhang tanong ko. Nakita ko ring sunod-sunod na nagsibagsakan ang luha ni Zian.
TO BE CONTINUED....
NEVERMINDME143
BINABASA MO ANG
BEYOND THE BOUNDARY | COMPLETED✓
RomanceMakakaya mo bang tanggapin ang lahat pag malalaman mo na ang totoo? Can you survive the pain you'll feel? Na parang gusto mong gumising sa bangungot. Na parang sinampal ka sa katotohanan at pa ulit-ulit ipinamukha sa iyo na ito ang realidad at totoo...