Two

5 1 0
                                    

I rolled down my car's window. Inhaling the fresh air, I smiled. This is what I really want. Peace of mind. Away from Manila's traffic and polluted air.

This place is so refreshing to the soul.

Kahit wala pa akong tulog at magdamag na nagbiyahe, nawala yung pagod ko pagkalanghap ng sariwang hangin.

Nang marating ko ang arko ay may guwardiya na doon na naka-antabay. I slowed down and stopped when I reached the arc.

"Magandang umaga po, ma'am. Ano po ang maitutulong ko sa inyo?" bati sa akin ng guwardiya na ka age lang yata ni Tatay Ben.

"Good morning din po. Ako po si Lian Reyes. Yung pamangkin ni Ben Reyes." this is what me and Tatay Ben rehearsed. Yun ang ipapakilala ko para hindi kami madaling matunton kung sakali mang ipahanap ako ng ama ko.

The man glanced at my car. Mali yata na ginamit ko pa itong car ko.

"Ah! Ikaw pala yun. Ako si Nestor. Yung kaibigan ni Ben. Halika at ihahatid kita sa bahay nila Ben." sabi nito at naglakad papunta sa maliit na guardhouse sa tabi ng gate.

May kinausap itong lalaki at tumango ito. Kinuha nito ang motorsiklo sa tabi at pinaandar iyon.

We didn't entered the arc. May daan pakaliwa at doon kami dumaan. There were acacia trees beside the road so it is not hot and the air is cool even though it's already noon.

After about fifteen minutes, may nakita na akong mga bahay sa tabi ng daan. Some are made of concrete and some are made of half concrete and amakan but what makes the home lovely is that there were plants everywhere.

Tumigil kami sa isang bahay na dalawa ang palapag. Half concrete siya at sa taas ay made of wood. Bumaba si Mang Nestor sa motorsiklo niya kaya bumaba na rin ako sa kotse ko.

"Maya! Nandito na yung magandang pamangkin mo!" sigaw ni Mang Nestor. Nakakahiya. Dinugtungan pa nito ng maganda. Maliit na bagay lang naman.

Nakita kong bumukas yung pintuan at lumabas si Nanay Maya. Lumapit ako sa gate at lumiwanag ang mukha niya pagkakita niya sa akin.

"Anak! Nandito ka na!" she hurriedly opened the gate made of bamboo and hugged me. I hugged her back. I missed her. We haven't saw each other for years now.

"I miss you, nay." mahinang sambit ko.

"Na miss rin kita, anak." sagot niya.

"Inihatid po ako ni Mang Nestor." sabi ko nang pinakawalan na niya ako sa mga yakap niya. Binalingan nito si Mang Nestor at nginitian.

"Nestor, salamat ha. Kumain ka na ba? May ipinadala akong ulam doon sa inyo."

"Tamang-tama pala ang uwi ko." tumawa pa ito.

Bago umuwi si Mang Nestor ay nagpasalamat ako. Then we entered the house. I saw Julius and Julia sitting on the sofa, watching tv.

Pagkakita nila sa akin ay agad silang tumayo at yumakap sa akin. Julius is 18 while Julia is 15. Parang nakababatang kapatid ko na sila.

"Ate, namiss kita! Ang tagal kitang hindi nakita. Si tatay kasi, ayaw kaming papuntahin sa Manila. Magastos daw kasi sa pamasahe." nakapout na sabi ni Julia.

"Ate, bakit ka umalis sa inyo? Inaway ka ba ng peke mong kapatid?" tanong naman ni Julius na sinaway naman ni Nanay Maya.

"Hindi naman pero parang ganun na nga." sabi ko at sinabayan ko pa ng tawa.

Hindi naman ako minaltrato pero parang minaltrato naman yung emosyon ko. Ilang buwan ko ba tiniis ang sakit hanggang sa nag manhid na ako?

Mula nang makita ko si Sandrina at Dave sa isang hindi kaaya-ayang tagpo hanggang sa inamin nilang pinagtaksilan talaga nila ako. Yung harapang nilalandi ni Sandrina si Dave pag nandiyan ako sa harap nila habang pinaplano yung kasal nila o pag nasa bahay lang kami. At hanggang sa kasal nila talaga.

Imagine what emotional trauma I've been into?

Okay na sana na hanggang kasal na eh. Pero yung pagkatapos nilang mag honeymoon, napagpasyahan nilang sa bahay na namin tumira? What a shame! Can't they afford a house?

Mayaman naman sina Dave. They own a franchise of a certain fast food chain. Tapos may furniture company pa sila. Bakit sa amin pa sila titira? And that was my que. Oo lang kasi si daddy nang oo sa kanila. That's why I decided to leave the house and I don't want dad to find out where I am.

"Kumain ka na ba anak?" nag-aalalang tanong ni Nanay Maya sa akin. "Paupuin niyo nga ang ate ninyo." saway naman nito sa mga anak.

Umupo naman kami sa sofa. Nasa magkabilang gilid ko sina Julius at Julia.

"Kumain na ako, nay. May mga pinabaon naman na food sina Nanay Yaya." sabi ko.

"Oh siya. Ihahatid kita sa magiging kwarto mo rito sa bahay."

"Kukunin ko muna ang mga gamit ko sa sasakyan, nay." sabi ko sabay tayo. Tumayo na rin sila.

"O siya." bumaling ito kay Julius. "Tulungan mo si ate mo."

"Ako rin tutulong ate!" bibong sabi ni Julia. "Tapos ako na rin ang maghahatid kay ate, nay. Diba pupunta ka pa sa hacienda?" paalala pa nito.

"Ay oo nga pala! Kayo na ang bahala sa ate niyo ha? Alam niyo na ang gagawin," sabi nito sa mga anak tapos bumaling sa kanya. "Lian, aalis muna ako. Babalik din ako mamaya. May pagkain na doon sa mesa. Huwag kang mahiyang kumuha doon."

"Thank you po, nay. Sige po." I said while nodding.

Sabay na kaming lumabas lahat sa bahay. Pinasakay muna namin si Nanay Maya sa tricycle bago kinuha yung mga gamit ko at binuhat papunta sa magiging kwarto ko sa taas.

The room is nice. It is not too big compared to my room but it's okay. Malapit iyon sa small balcony. The floor is made of wood also. Tapos dalawang malaking bintana. Ang isa ay nakaharap sa gate at yung isa ay sa kabila na nakaharap sa katabing bahay.

"Julius, saan ko ba pwedeng i-park yung sasakyan ko?" tanong ko dito.

"Ang sabi ni tatay, ate, gusto mo raw yung hindi nakikita yung sasakyan mo?" tumango ako. Baka kasi pag ipinahanap ako ni dad, yung sasakyan ko pa ang magpapahamak sa akin.

"Sana kung meron."

"Syempre naman ate! May lumang lagayan ng mga bigas diyan sa likod na hindi na ginagamit. Nakapag-paalam na ako sa head ng community namin. Pwede daw doon, ate."

Sumakay kaming tatlo sa sasakyan ko at umikot doon sa kabila para makapunta sa likod. Mayroon nga doon na parang bahay na gawa sa cemento pero lalagyan pala iyon ng mga palay noon.

Binuksan ni Julius ang malaking pintuan at pinark ko na yung sasakyan. Tapos ay sinarhan niya ulit at pinadlock pagkatapos.

May shortcut naman papunta sa kanila na pwedeng maglakad lang kaya doon na kami dumaan. Hindi naman mainit kasi maraming puno dito sa kanila.

"Huwag kang mag-alala, ate. Safe naman doon ang sasakyan mo at may mga tao namang nagbabantay dito sa village kapag gabi. Part parin naman kasi ito ng hacienda at mostly doon nagtatrabaho ang mga tao. Kahit kami kapag summer, doon nagpa-part time." kwento ni Julius sa akin.

"Tapos ate si senyorito ang gwapo! Parang Prince Charming sa fairytales." humagikhik pa si Julia kakakwento.

"Huwag ka nga Julia. Ayan ka na naman sa kay senyorito. Nangangarap ka na naman." sita ni Julius dito na ikina-ingos ni Julia.

"Bakit, bawal bang mangarap? Ikaw kuya ha. Nahahalata ko na. Baka crush mo rin si senyorito kaya ka umaapela diyan?" humalakhak si Julia sa biro nito. Napahalakhak rin ako. Lumalabas kasi na parang bading pa si Julius.

"Ah, crush pala ha." kiniliti ni Julius si Julia. Tawa naman ng tawa si Julia at tumakbo pa. Napatigil lamang ang dalawa ng may marinig kaming yabag ng kabayo.

"Hey Julius! Hi Julia!" sabi ng baritonong boses na galing sa likod ko. His voice was so familiar.

"Senyorito!" sabay na sabi nina Julius at Julia at sabay din silang yumukod.

Dahan-dahan akong humarap. I gasped when I saw 'senyorito'. My heart skipped a beat. He was staring at me already. That brown orbs that was staring in my soul.

"Wow! What a small world indeed." he said. He smirked and winked at me.

Saved By The CountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon