Chapter 1
BACLARAN CHURCH
Nakaupo siya sa harap ng simbahan. Pero mag-isa lang sapagkat inaantay niya ang kaibigan na si Melda. Dito siya nito susunduin sapagkat hindi pa niya kabisado magbiyahe ng mag-isa sa lugar na ito ng Maynila. Mahirap pala ang first timer. Natatawa siya sa sarili. Hawak ang bag at pasimpling minasahe ang paa na napagod sa paglalakad papunta ng simbahan. Matao pa naman ang lugar na ito. Sana makita na siya ni Melda at nagugutom na siya at inaantok.
May naramdaman siyang flash ng camera kaya napaangat ang ulo niya.
Ang akala niya ay siya ang ninanakawan ng picture ngunit ang katabi niya pala.
"Hi!"
"Melda?"tumili siya pero natutup ang bibig
Inalalayan siya nito sa pagtayo. At nagbeso-beso sila.
"Kanina ka pa? Ang hirap mo hanapin. Sa kulay ng damit kasi madami kang kapareho."
"Ano ba naman ako. Ang hirap pala ng description ko. Kanina pa nga ako rito. Asan na yung sasakyan mo."
Si Melda na ang nagbitbit ng bag niya na di naman kabigatan. Ilang piraso lang naman ng damit ang dala niya. May imemeet lang naman siyang tao rito ayon sa utos ng bosing niyang si Rodz.
Malapit lang naman sa gate ang kotse nitong nakapark. Nasa helera iyon ng mga pampasaherong bus at van.
"Itong Baclaran ay sadyang matao talaga. Kaya dobleng ingat ka sa mga masasamang loob rito. Kumusta ang biyaheng dagat."
"Ay naku. Masaya na nakakapagod. Hindi naman boring sa barko kasi may mga nakakausap maman ako. Lalo na sa bus. Hay ang guapo ng katabi ko."
"Talaga? Magseatbelt ka."
"Salamat sa pagsundo mo ha."
"Ano ka ba. Bakit ka nagpapasalamat. This is a part of my job. Besides were friends."
Naghighfive sila. Madami pa silang napagkwentuhan kasi malayo pa ang Makati. Pero napagkasunduan nilang magbreakfast sa isang kamayan restaurant. Mga seafoods ang specialty roon.
"Kumusta na pala kayo ni Jim." Tanong ni Lolobelle nang matapos iserve ang inorder nila.
"Okey lang naman. Pero minsanan lang kami magkatime sa isa't-isa."
Nalungkot bigla si Melda. Limang taon na mula nang mag-asawa si Sharmine. At apat na taon na ang relasyon nila ni Jim na pinakalihim niya kay Sharmine. Ang taong dahilan ng lahat ng tinatamasa niya ngayon. Kahit hindi niya masasabing pag-aari niya ang lahat ng meron siya ngayon. Kotse ,bahay at negosyo. Regalo iyon sa kanya ni Sharmine nang mag-asawa ito. Itinuring kasing utang na loob nito ang noo'y pagkakaligtas niya sa amo. Mula sa masasamang loob sa lugar nila bago pa man dumating si Rodz para iligtas ito.
"Teka, may nasabi ba akong masama? Ang daldal ko kasi."
Napansin ni Lolobelle ang natahimik na si Melda. Hindi nito ginalaw ang pagkain ngunit siya nakarami na.
"Wala naman. Kain ka pa. Alam kong nagutom ka sa biyahe."
"Kumain ka rin. Nagyaya ka dito pero di ka kakain?"
"Okey kakain na ako. Anong gusto mong dessert."
Nagsimula na nga itong kumain. Hinigop niya ang inorder na kape. Si Melda ang tipo ng babae na masasabi mong simple lang ngunit may dating. Ang alam ni Lolobelle ay solo nalang ito sa buhay at may tindahan ng mga damit at kung ano pang gamit sa katawan. Maganda ito ngunit hindi nga lang katangkaran sa height niyang 5'4. Mga 4'11 lang siguro ito.
Hinatid siya nito sa condo unit ni Sharmine. Matapos silang kumain. Bakante iyon dahil nasa Canada ito at ang asawa.
"Halika. Kaya mo nang mag-isa? Matutulog ka lang naman dito at hindi mo kailangan magluto. Padadalhan nalang kita ng pagkain sa kasama ko sa bahay."
Pumasok sila matapos nitong padaanan ng card ang pintuan. Parang hotel lang. Bongga. Sa isip niya.
"May guest room dito na dalawa. Halika tingnan mo kung saan mo feel na comfortable ka matulog."
Sumunod siya rito bitbit ang bag. Sinilip ang dalawang silid.
"Yung isa nalang. Ang may terrace na makikita ang pool."
Natawa ito.
"Bakit? O siya, wag mo nang sagutin. Dati iyon ang inuuccupy ni Jim kapag nandito siya. Yung hindi pa naging kami. Yung sa kabila sa akin dati yun."
"Ganun ba?"
Pumasok sila ulit sa napili niyang guest room. Pinatong niya sa kama ang bag at ang backpack niya. Pati na ang maliit na sling bag na may lamang celfone at wallet.
"Maiwan na kita friend. Mag -oopen pa ako ng store ko e. Bukas dadalhin kita roon sa office ni ate Sharmine. Sabi niya magrest ka muna buong araw."
Natawa siya at lumabas sila at tinungo ang sala. Tinuro nito ang kitchen. Ibinigay nito sa kanya ang card ng pintuan.
Nagbeso-beso sila bago ito lumabas ng unit.
Nakaramdam siya ng lungkot sa bahay ng amo nila. Ito ay nagsisilbing stop- over lang ng mag-asawa. Dahil sa Aklan na talaga ito nakatira. Pero may pinapagawa ang mga ito na bahay sa Mandaluyong malapit sa bahay ni Ma'am Rhianne nila. Ang may -ari ng Rain's fashion at garments.
Naligo muna siya bago matulog. Nanonood siya ng pelikula sa kuwarto nang tumawag si Rodz.
"Kumusta ang biyahe. Bakit naman kasi ayaw mo sa eroplano."
"E boss alam niyu naman na takot ako dun."
"O siya bukas tatawagan nalang kita ulit. Para sa further instructions ko. Hindi pa alam ni Jimmy Michael Tan na mgmemeet kayo. Sa office ka muna ni Ma'am Sharmine mo bukas. Okey? Just rest."
"Yes boss. Pero bakit hindi pa alam ni Mr. Tan na magmemeet kami? Ang sosyal naman ng apelyodo niya. Parang mayaman talaga a."
"Matulog ka na."at nawala na ito sa linya
Tinaas niya ang kilay at mata."Tan Tan Tan." Ang alam niya hindi naman ito ang tunay na investor. Kay ma'am Sharmine niya galing ang pera at ito lang ang tagadeposit sa bangko.
Naaamoy niya parin ang amoy panlalaki na pabango sa higaang iyon. Dumapa siya at muli'y tumihaya para mahanap ang antok na lumipas na. Hirap pala kapag nalipasan ka ng antok. Nagconcentrate nalang siya sa panonood ng T.V at nagpatugtug ng music sa Yutube.
BINABASA MO ANG
This Time I Hold You Forever
RomanceFirst time to travel. First time to test her destiny at her young age. Her Destiny gave her the best life that she could no longer expect she achieve it. She used her voice her talent just to earn money and to survived. And she felt inlove Jim who...