Chapter 4
Nang manggaling sila sa Zirkoh ay hindi na sila nagkibuan pa. Hanggang sa office kinabukasan. Hindi niya pinapansin para iwas stismis. Alam ng opisina na ang manager ang syota nito. At si Melda iyon na palaging wala dahil sa out of town ang mga wedding. Ewan niya kung naanndyan lang si Jim sa tabi. Kasi hindi naman ito fulltime na pumapasok.
Kaya ganun nalang ang pagkagulat niya nang mapansing may nagpatong ng mga bulaklak sa mesa niya.
"Miss Belle,pinapabigay ni sir Jim."
"Thank you gie."
At tumalikod pa ito na akala mo rumarampa sa entablado. May nakasulubong itong bading rin at naghighfive ang dalawa.
Hinawakan niya ang bulaklak at pinagmasdan. Binasa niya ang card na naka -insert roon."
"Buong araw ka nalang nakasimangot.
Just smile for me.
Dahil mas maganda ka pa sa bulaklak na hawak mo."Binitawan niya niyon at muling pinatong sa mesa. Tumingin sa paligid. Wala silang guest ngayong hapon.
Pano kaya nalaman ni Jim ang nangyayari sa araw niya ngayon?
Muli niyang hinawakan ang bulaklak at dinala sa dibdib. Inamoy iyon at nakangiting nilagay sa kandungan. Tinapos niya ang paggawa ng accounting balance at saka tumayo na. Iniwan ang mesa at pumunta sa mga staff.
Lumapit si Jena sa kinauupuan niyang snack table ng mga ito.
"Sad? Why sad Ms Belle."
"Wala lang. Mahirap pala kapag walang kamag-anak. Buti ka pa madaming kapatid Jena. Ang sasaya niyu."
"Gusto mong bumalik ulit sa amin?"
"Sige,"
"Tapos magvedeoke tayo dun sa bar malapit samin."
Tumango siya. Sinuklay-suklay nito ang kanyang mahabang buhok na hanggang beywang. Habang nilaru-laruan niya ang petals ng rosas na dilaw.
"Sa ilalim ng puting ilaw sa dilaw na rosas.
Hanapin mo ang aking hikaw.
Nawawala na naman...."
Nagtawanan ang lahat sa kanta ni Jena. Iniba kasi nito ang lyrics ng sikat na kantang Buwan.
Lumapit si Margie at hinawakan ang mga bulaklak.
"Dilaw na rosas ha. Ang sweet naman ni..."
Tinakpan ni Jena ang bunganga nito.
"Wag kang maingay."
Humugot ng isang piraso si Belle at binigay niya kay Margie. At isa pa para kay Jena.
"Inom tayo mamaya. Treat ko. Ilang araw nalang at back to Aklan na ang lola niyu."
"Lagi nalang kayong nanglilibre sa amin."
Oras na iyon ng uwian. Ang iba ay naghahanda nang lumabas ng opisina. Madaling araw pa kasi at babiyahe ang mga ito papuntang Pampangga para sa wedding ng client nila.
"No problem. Naging kaibigan ko na kayo dito. At according to Ms Sharmine ay mababait kayong dalawa."
"Wow! Lumapad naman tenga ko dun a."sabi ni Margie.
"Wala kang pinagkaiba sa amo namin. Napakagenerous nung tao. Kaya no wonder inuulan ng swerte."
Bago sila umalis ng opisina ay pumasok muna sila sa isang salon doon mismo sa building na iyon. Pag-aari rin iyon ni Sharmine.
Kinumbinse siya ng dalawa na putulan ng konti ang buhok niyang mahaba. Pinamakeover talaga siya ng dalawa. Ang mga kuko niyang walang kulay ay nilagyan ng cutex. At ang galing ng nail art ng mga manicurista.
Tumatawag si Jim at hinahanap siya kung saan na kasi kanina pa raw ito nag -aantay sa labas. Si Jena na ang sumagot.
"Sabihin mong natutulog ako."
Senyas niya rito. Nang matapos ang pag-uusap ng dalawa sa telepono ay make -up naman ang ginawa sa kanya.
"Ako ba ay pinagtitripan niyu?"
Tumitili ang mga ito ng matapos siyang make apan. Hindi pa tapos ang pedicure niya.
"Kung marapatin mo ma'am, "
"Ha?ano yun?"
Nagbulong-bulungan ang mga ito. Sinipat niya ang sarili sa salaming nasa harapan niya. At muntik niya nang di makilala ang sarili.
"Oh no no no!"
Hinarap niya ang mga bakla.
"Girls, hindi ako yan. Promise."tinuro niya ang sarili sa salamin
"Ang ganda ganda niyu. Pwede bang iphotoshoot ka namin? Para may remembrance kami."
"Tama. At ipost narin namin dito sa labas kasama ng mga ginawa naming model. Para may choises ang mga costumer."
Wala siyang nagawa kundi umayon sa mga ito. After all walang mawawala sa kanya. At sinigurado ng mga bakla na ibang ganda meron siya. Nakakaakit raw at makalaglag ano ng mga kalalakihan. Pinagsuot siya ng mga iba't ibang outfit. Iniba ang hairstyle. May pakulot at pastraight.
Paglabas nila ng beauty salon ay deretso sila sa bahay nila Jena. Naabutan nilang nagtitinda ang mga kapatid ng ihaw-ihaw sa harap ng bahay ng mga ito.
"Tulungan ko na kayo ha."
Kinuha niya ang paypay sa dalagitang kapatid ni Jena. May mga costumer na nag-aantay ng order nila.
"Salamat po ate. Alam niyu ang ganda ganda niyu at ang bango pa. Hindi kayo nababagay sa lugar na ito."
"Alam mo ikaw wag ka nang mangbola. Magkano kailangan mo 500?"
Nagtawanan sila. At ilang sandali ay dumami pa ang costumer. Dahilan para mimiili ng pangbenta nila si Jena dahil paubos na ang stock ng mga ito.
Hindi napansin ni Belle na ninanakawan siya ng letrato ng ibang costumer. Sinabihan niya angbisang kapatid na lalaki ni Jena na maglabas ng upuan at mesa para sa mga kumakaing costumer at nag-aantay ng pinapaihaw nila.
"Hulog ka ng langit sa amin ate. Ngayon lang ito nangyari na nauubos mga paninda."
"A talaga? Hayaan mo bukas hanggang sa andito pa ako tutulungan kita."
"Madaming kumuha sayo ng letrato ate. Lalo na mga lalaki. Hindi mo kasi napapansin dahil busy ka."
Tumingin siya sa mga nasa paligid. Meron siyang naabutang nakatutuk sa kanya ang mga celfone nito. Sa halip na mainis ay nagpeace sign siya at ngumiti sa mga iyon.
"Hindi ko sila pwedeng sungitan. Sila nakaubos e."
"Ang bait niyu po. Salamat dito ate ha. May pang- dagdag kami sa matrikula namin ni Gino."
Limang magkakapatid sila Jena at ulilang lubos. Halos lahat nag-aaral.
Umupo sila ng wala nang pangbenta. Daanan kasi ang kina Jena kaya mabenta ang ihaw-ihaw. Kaya may naisip na siya para makatulong bukas.
Mag-aalas syete na iyon ng gabi. At madami pang naghahanap at ang iba ay nagtatambay. Dumating si Jena at ang apat ang nagtulong-tulong para sa pagluluto ng pang-ihaw nila.
Tumabi sa kanya si Jena. Nagpasalamat sa ginawa niyang pagtulong. Nagpatuloy sila sa pag-iihaw. Madami pa ang mga bumibili. Hanggang sa pakiramdam niya ay may isang pares ng mata na pinapanood siya.
"Andiyan na ang prince charming mo. Kanina ka pa pinapanood."
Bulong sa kanya ni Jena. Kinikilig ito habang inaabutan ng sukli ang bumibili.
"Bakit di mo ako sinabihan. Kaya pala parang iba ang pakiramdam ko."
Hindi nakatiis ang isang lalaki na kanina pa naroon. Binulungan nito si Jena na ipakilala naman kay Belle.
Pinakilala sila ni Jena. Nakita niyang hindi maipinta ang mukha ni Jim nang makitang nakipagkamay siya sa lalaki. Isa pala itong engineer. At palagi daw itong dumadaan para bumili ng pang- ulam. Ang barbecue at adidas. Nagseselos ba si Jim? Nang tingnan niya ulit ang kinaroroonan nito kanina ay wala na roon. Saan kaya iyon nagpunta? Alam niyang ilang bahay lang ang pagitan at bahay na nito.
BINABASA MO ANG
This Time I Hold You Forever
RomanceFirst time to travel. First time to test her destiny at her young age. Her Destiny gave her the best life that she could no longer expect she achieve it. She used her voice her talent just to earn money and to survived. And she felt inlove Jim who...