Chapter 10
Sinalubong sila ni Eliza sa gate ng bahay nito.
Pagkatapos nilang magbeso-beso na magkaibigan ay nagkamay naman si Jim at Eliza. Saka nila tinungo ang garden para doon kumain ng almusal.
Nagtama ang mga tingin nila ni Aling Varga. Naroon ito sa mesa at inaayos ang mga plato. Nagbaba ito ng tingin. At lumayo na sa mesa.
"Dito nalang kasi kayo tumuloy sa bahay freind. Kami lang dito ni mama at ni Jade."
"Nakakahiya naman sa inyo. Anyway hindi naman kami magtatagal. Si Jim kailangan niyang makabalik ng Maynila. Ako naman sa Aklan."
Lumapit ang mama nito pagkaupo nila sa garden chair. Nasa tabi lang ang mesa na puno ng pagkain. May mga prutas pa iyon.
"Kumusta ulit iha. Parang namamaga parin yang mga mata mo."
Resulta iyon ng pag-iyak niya kahapon at kanina sa sementeryo. Saka sa hindi niya maayos na pagtulog.
"Mabuti naman ho ako Tita. Kagagaling ko lang kasi sa puntod nila Daddy."at napatingala siya dahil nagbabadya na naman ang mga luha niya
Ginagap ni Jim ang kanyang palad at pinisil-pisil iyon. Napansin iyon ni Eliza.
"Si Varga ang halos araw-araw diyan bumibisita. Ngayon at kahapon lang hindi. Kasi di ko na pinayagan e."Ilang sansali ay nasa hapag -kainan na sila. Halos hindi siya makakain dahil naroon at kasama nila ang tiyahin niya. Katabi ito ni aling Flora. Madalas niya itong titigan.
"Hindi ako makapaniwalang nagbalik ka Belle iha. Maraming taon ang lumipas at marami kaming iniisip kung napano ka na. Kung kumakain ka ba o..." hindi mapigilang umiyak ni aling Flora saka niyakap si Belle sa kanyang tabi.
"Mama, wala munang iyakan. Kumakain tayo ma. " ani Eliza na tumayo at inapuhap ang likod ng ina at hinaplos ang buhok ni Belle.
Lumapit ang binatilyo at nagbigay galang sa mga naroon.
"Ang anak ko pala. Binata na yan siya. Meet your tita Belle anak. Belle,si Jade. My handsome son."
"Hi po tita Belle. Kayo ang madalas ikuwento ni mommy na kababata niya. You look so beautiful po pala."
Tumayo siya at niyakap ang anak ni Eliza. Payat ito at matangkad. Siguro dala iyon marahil ng pagbibinata nito naisip niya.
"Ikaw naman, pangit nga ako sa personal e."
Nagreact si Jim sabay titig sa kanya saka tumayo ito para lumayo at sagutin ang tawag.
Napansin niyang tumayo si Aling Varga at dala ang pinagkainan. Marahil ay tapos na ito sa pagkain.
"Kumain na ulit tayo. Maupo ka na jade."
Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay lumapit ang katulong kay Eliza at sinabing naubusan ng gas at hindi ito marunong magpalit.
Narinig iyon ni Belle.
"Naku patay tayo diyan. May cake pa naman ako sa oven."
"Ako na Liz.Hindi magandang mahinto ang pagkakaluto ng cake."
Tumayo siya at nagpasama sa katulong. Naabutan niyang naghubugas ng mga pinaglutuan ang tiyahin niya. Napahinto siya sa tapat nito.Muling nagtama ang paningin nila.
"Asan na ang tangke na pangpalit manang."
"Heto ho ma'am. Wala ho kasing pasok ang mga trabahador kaya wala akong matawag."
"A ganun ho. Tingin ho kayo para next time alam niyu na. Madali lang naman ito."
Nakatingin ang katulong at nang matapos siya ay tumawa ito at pumalakpak.
"Ang galing niyu ho. Kababae niyung tao alam niyu ito."
Tumawa siya. Tiningnan nito ang cake sa loob ng oven.
"Sa panahon ngayon. Lahat ho halos ng kaya ng mga lalaking gawin. Kaya rin ho dapat natin. Para hindi ho tayo nakadepende sa kanila."
"Tandaan ko ho yan ma'am. Ang dali lang pala magpalit."
"Madali lang diba? Kaya niyu na ho sa susunod?"
"Kaya na po. Diba ate Varga?"
Tipid itong ngumiti at sabay tango. Nagkatinginan ulit sila. Parang nagmamakaawa ang tingin nito. Lumapit siya sa may lababo na kinatatayuan nito.
"Kung kaya niyu pong pawiin ang lahat ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng mga tingin niyu sana maalis mo. Pero hindi. Salamat at nagkita pa tayo pagkatapos ng mahabang panahon. Alam niyu bang pinahanap ko kayo?"
At saka siya tumalikod matapos itong tapunan ng masakit na tingin. Ngunit hinabol siya nito at hinawakan sa kamay. Tumulo ang luha niya ng muling maalala ang mga magulang at kapatid.
Pilit itong nagsasalita ngunit wala siyang naiintindihan. Sabay ang senyas nito sa kanya.
Ngunit may konti siyang alam sa sign language nito. Pero ayaw niya iyong paniwalaan. Umiiyak na naman ito kagaya ng kahapon.
Iyon ang tagpo na naabutan ni Aling Flora.
"Varga,"
"Sinasabi mong wala kang kasalanan?"ang sabi niya at hinawakan ito sa magkabilang-abaga at niyugyog.
Tumango ito at nagsenyas ulit.
"Pero alam mo kung sino ang salarin sa aksidente nila Daddy?"
Tumango ulit ito sabay hagulgul ng iyak. Nataranta siya at binitawan ito. Napalakas pala ang boses niya.
"Tama na iha. Baka napasama sa kanya ang naungkat na pangyayari noon."
"Tita Flora, who knows. Baka ito na ang way para muli siyang makapagsalita. Kailangan ko siyang makausap tita."
Napaluhod ito at sapo ang mukha habang nagpapalahaw ng iyak. Nakahawak rito si Aling Flora.
Lumapit sa kanila ang dalawa Jim at Eliza.
Napatingala siya para huminga. Tila bang sumisikip ang dibdib niya sa tahimik na pagluha. Inabutan siya ng panyo ni Jim. At dinala siya sa dibdib nito.
"Maupo ka rito ,Belle."
Binigyan siya ng upuan ni Eliza. Inalalayan naman siyang makaupo ni Jimmy.
Pinatayo nila Aling Flora at nang katulong ang umiiyak paring si Aling Varga. At dinala ito sa inuukupa nitong silid sa bahay na iyon.
"Pasensiya ka na sa akin Liz. Nagpadala ako sa emotion ko."
"Okey lang a. Kahit ako man sa kalagayan mong yan ay ewan hindi ko alam gagawin ko. Pero tumatanda na si tita Varga. Kung ano man ang katotohanang iyon ay kailangan niya nang sabihin sayo."
"Thank God nga at nagtagpo pa kayo. Pwede mo nang kalimutan ang galit mo sa kanya. Ano man ang naging kasalanan niya."
Bumaling siya kay Jimmy. Sa inis niya ay napatayo siya bigla.
"Tama bang narinig ko Jim? Ganun nalang ba yun? Madali lang sabihin sayo ang kalimutan ang nagawa niya. Dahil hindi ikaw ang nawalan ng pamilya. Lumaki ako sa lungkot at pangungulila sa kanila ng dahil kay tita Varga."
Nasapo niya ang mukha na basa ng luha. Tumaas na naman ang boses niya.
"Look I'm sorry. I'm sorry sweetheart."hawak ni Jim ang dalawang braso niya
Tumalikod siya rito.
"Tama ng iyak yan. Ayokong nakikita kitang umiiyak."
Nang makita ni Eliza ang anak sa may sliding door na salamin ay nilapitan niya ito at nilayo roon.
Nang may tumawag sa celfone ni Jimmy. Si Melda iyon at nangangamusta.
Muling naupo si Belle at tinukod ang mga siko sa mesa. Napatitig kay Jim na noon ay hindi rin inaalis ang tingin sa kanya. Napayuko siya ng marinig kung sino ang caller nito.
"Hello Mel,magreturn call nalang ako mamaya ha. May inaasikaso pa akong importante e. Yes,yes darating ako. At sisikapin ko iyon. Ayokong mangako pero sisikapin ko okey? Sige bye."
"Pwede mo na akong iwan kahit ngayon na. Alam kong kelangan ka sa Manila."
"Ayokong iwan ka. Pero kailangan ako sa wedding e. Saka sa giftshop ko."
Si Jimmy ang flourish sa wedding. Hindi parin ito nawawala sa The Planner ni Sharmine. Maraming nagrerequest na ito ang mag-decorate ng bulaklak at mag-ayos ng mga bridal bouquet at flowergirl. May mga tauhan naman si Sharmine na makakasama nito.
"Bukas nalang ako babalik ng Maynila. Hindi ko kayang iwan ka dito."
"Jim,may sarili kang buhay na kailangang harapin. Hindi mo ako obligasyon. Sorry kasi ikaw ang pinili ko na samahan ako."nasapo miya ang ulo sa sakit na naramdaman
"Okey lang naman sa akin ito. Ginusto kong samahan ka."
Lumapit sa kanila si Eliza. At inulit nito ang alok sa kaibigan na sa kanila na tumuloy. Tatlong araw na sila sa hotel at mahal magcheck in.
"Sumasakit ang ulo ko Liz. Babalik na siguro muna kami sa hotel. Bukas,gusto kong patingnan si Tita Varga sa doctor. Kung may pag-asa pa siyang makapagsalita."
"Okey bukas sasama kami ni mama. Ipakuha ko nalang kay Manang Lelit ang mga gamit na kailangan niya dun sa bahay niya."
"Tama nga yun mainam ngang patingnan siya sa doctor."pagsang-ayon ni Jim sa sinabi ni Belle
"Halika Belle, pahinga ka muna sa room ko."
"Nakakahiya sayo."
"Ano ka ba,bakit ka mahiya e noon para tayong magkapatid lang. Magcheck-out nalang kaya kayo ngayon na. Para dito ka nalang matulog Jim. Ipahanda ko na ang silid ha."
"A kuwan e."nagkamot ng ulo si Jim
"Okey,ansakit talaga ng ulo ko."
"Wait lang friend ha. Ikukuha kita ng gamot."
At mabilis na tumalikod si Eliza. Nabigla si Belle nang akbayan siya ni Jimmy habang siya ay nakaupo. At hinahaplos niya ang sentido.
"Gusto kong manatili sa tabi mo. Pero kailangan din ako sa Maynila."
"You can go. Wag mo akong isipin. Saka ikamusta mo ako kay Melda. Sabihin mong sagutin niya ang tawag ko okey?"
"Mamiss kita ngayon palang. Promise at babalik din ako kaagad after nung wedding ha."
Humalik ito sa noo niya. Tiningala niya ito. Bakit pakiramdam niya ay siya ang mas mangungulila kapag magkahiwalay sila ng ilang araw? Parang hindi niya kayang wala ito sa tabi niya ngayon. Nakaya nga niya noon ang halos tatlong taong nagkahiwalay sila. Ngayon pa kaya?
Naghinang ang kanilang mga mata. At tila ba nangungusap ang mga matang iyon ni Jim sa mga mata niya.
Tumikhim si Eliza sa likuran nila kaya napaayos ng tayo si Jim. May bitbit na itong gamot. Si Jim na ang kumuha ng mineral bottle sa tabi ng ref. Alam niyang hindi umiinom ng malamig na tubig si Belle. At ibinigay iyon sa dalaga.
"Ako na ang bahalang magcheck out sa hotel. Dumito ka nalang muna ha?"
Tumango siya. Saka ininom na ang gamot na bigay ni Eliza.
Naalala niya ang mga gamit niya sa hotelroom.
"Nakakahiya sa yo Jim. Ang mga gamit ko dun."
"Ito naman,parang ibang tao ang turing mk kay Jim. Ang sweet nga niya e.Bibihira lang ang mga ganyang lalaki sa mundo."ani Eliza na ngumiti kay Jim
Napansin iyon ni Belle. At pakiramdam niya ay may paghanga ito kay Jimmy. Hindi nga niya naitanong kung may asawa ba ito o nasaan ang tatay ni Jade. Madami siyang hindi alam sa kaibigan.
Hindi man lang sumagi sa isip ni Aling Flora ang rebelasyon na iyon ni Aling Varga. Tinatanong niya ito at sumasagot ito sa pamamagitan ng pagsusulat. Kaya pala ganoon nalang ang ikinilos nito kahapon at maging kanina sa harapan ni Belle. Halos gusto nitong yakapin ang dalaga pero tinatalikuran at tinutulak ito. Paano nito nakayanan ang depresyon at halos ikabaliw nito noon ang pagkawala ni Belle. Mabuti nalang at naroon siya noon para mag advice rito at may naging kasama ito sa buhay yun nga lang sa kasamaang palad ay binawi pa rito ng mahal na diyos.
Nakatulog na ito ng iwan niya sa silid. Tumulo ang luha niya ng huling sulyapan iyon at bago isara ang pintuan ng silid.
Pababa naman ng hagdan si Eliza. Galing ito sa room niya kung saan nakatulog si Belle.
"Ma,ano yang hawak mo?"
"Halika anak,"
Niyaya niya itong maupo sa sala. Pero bago iyon ay tinanong kung saan ang dalawa nilang kasambahay.
"Pinakuha ko ng gamit ni Tita Varga."
"Mabuti at tayo lang dito. Walang makarinig."
"Bakit Ma?"
"Hindi halos ako makapaniwala. Pero ang Panginoon na siguro ang gumawa ng paraan para muling magsama ang mag-ina."
"Anong sinasabi mo na yan mama."
"Anak, ang may kagagawan ng aksidente ay ang dating kasintahan ni Varga. Kahit anong pigil raw noon ni Varga ay natuloy parin ang plano ng kasintahan na tanggalan ng preno ang sasakyan. Nagsinungaling iyon sa kanya na hindi na raw ginawa. Pero nagawa nito sanhi ng pagkaaksidente at bumangga ang kotse sa isang delivery truck."
"Nasa restaurant tayo noon ma at inaantay sila. Natandaan ko iyon at nalaman nalang natin na dinala sila sa hospital. And it was declaire as dead on arrival."
"Anak, hindi ko ito halos mapaniwalaan pero totoo. Hindi siya nagsisinungaling. Si Belle ang siyang nawawalang anak ni Varga."
"Ma,how come na magkaganoon. Kamukhang-kamukha siya ni Tito Vergel."
"Listen, hindi na iyon nakapagtataka dahil magkadugo sila. Ang tatay niya ay ang dating kasintahan ni Varga."
"Ma, matagal na siyang patay. Ayon dito sa sulat."
At binasa iyon ni Eliza.
"He was died the day I've got married. Hindi niya nakaya siguro ang makitang ikakasal ako. Kahit sinabi niyang okey lang daw sa kanya iyon. Hindi niya rin kinaya ng konsensiya ang ginawang kremin kahit iyon ay inutos lamang niya. Hindi rin niya kinaya ang pagkawala ng anak namin."
Napatingin si Eliza sa taas. Nakarinig kasi sila ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Siguro gumamit ng banyo si Belle. May sariling banyo ang silid ni Eliza sa taas.
Kasabay nun ay may nagdoorbell at napatayo ang dalawa para tingnan kung sino ang bisita nila. Si Jim pala iyon at may mga dala-dalang bag. Galing iyon sa hotel na tinutuluyan ng dalawa.🦋🦋🦋🦋
BINABASA MO ANG
This Time I Hold You Forever
Любовные романыFirst time to travel. First time to test her destiny at her young age. Her Destiny gave her the best life that she could no longer expect she achieve it. She used her voice her talent just to earn money and to survived. And she felt inlove Jim who...