From: PJ S08
Good eve, Cassie. Si PJ ‘to. Sa amin ka na ni Megan sumabay bukas ha?From Sir Pascual
Cassandra, I arranged a hotel room for u w/ Megan. Kay PJ ka na sumabay & ur plus 1. Puno na van namin. See u tomFrom: Drew
Best friend! Anong plano bukas?From: Biancs
“Yo! Ingat bukas ah. Focus sa mga bata huwag kay u know who ;) hehe. P.S. Hingin mo number ni Chris Ellis!From: Drew
Cassandra! Ano na? Ba’t di ka nagrereply? 2 maleta dalhin ko ah.From: Drew
Cass, may jacket ka na bang dala? May hoodie ako dito. Yung paborito mo.From: Drew
Joke lang yung 2 maleta. Baka ma-highblood kn nman.From: PJ S08
Cassie? Sa akin ka na ha?From: PJ S08
I mean, sa akin ka na sumabay bukas. Sorry, na-send agad.
----------------------------------------------------I was busy packing for tomorrow’s trip at hindi ko napansin yung mga text. Ang popular ko naman ngayong gabi. Ang kulit talaga ni Drew at ang thoughtful ni B. Si PJ, well, ang sweet nung text niya. Gusto ko nang lagyan ng malisya.
“Cassie, sa akin ka na ha?”
Yes, I’m yours.
Chos.
I texted him na magkita na lang kami sa orphanage at may kasama akong friend na sasabay rin sa amin. Friend, si Drew. At si PJ kailangan ko rin idagdag sa listahan ng friend lang. Friend. Gusto ko siyang makilala bilang PJ, the guy who volunteers in different orphanages, hindi lang yung PJ, the leading scorer of his basketball team.
-------------------------------------------------
100 yawns.
Oo, naka-isangdaang hikab ata si Drew simula nung sunduin niya ko sa amin hanggang sa makarating kami dito sa orphanage.
“Cass?” hikab. “Asan na sila?”
101.
“Ewan ko. Baka na-traffic lang.”
“Eh sino bang susundo sa atin? Yung si sir Pascual ba?”
“Hindi. Si PJ”Dun siya nagising at napatayo sa kinauupuan naming gutter.
“Ano?! Ngayon mo lang sinabi sa’kin ‘to? Ngayon mo lang naisip na sabiihn sa’kin ‘to? Cass, wala akong dalang picture man lang niya or bola. Cass! Wala akong bola.”
“Drew?” tanong ko.
“Oh?”
“Shut up.”Binato niya ako nung cap niya.
“Ang daya mo talaga.”
“Andrew, please. Subukan mo talagang magpa-picture or magpa-autograph sa kaniya, ako mismo ang tutulak sa’yo sa bangin ng Kennon Road o kaya sa kotse palang, itutulak na kita palabas”
“Bakit naman?”
“Eh kasi Drew,” simula ko na medyo frustrated kasi hindi niya naiintindihan “I think pag nasa volunteer opportunities siya, gusto niyang kalimutan yung star status niya. Please, Andrew, huwag mo na i-bring up ‘yun.”Tinignan niya lang ako. Then after awhile,
“You know imposibleng makalimutan na star siya diba? But if that’s what you want me to do then fine.” sabi niya.
“Hindi ka na magpapaka-fangirl?”He rolled his eyes at that.
After a few minutes may pumaradang kotse sa harap namin. Nasa harap si Megan at si PJ naman ang nagmamaneho. Bumati rin si Megan na nagbukas ng window. Bumaba si PJ at umikot sa side namin ni Drew.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...