Chapter 2

3 3 0
                                    

Chapter 2


"Oy, sorry na please," pagpapacute nilang dalawa matapos akong balikan sa eskwelahan at nang makita ko sila ay agad ko silang pinaghahahampas.


"Eto kasi si Louie napakatagal eh," sisi niya habang nagmamaneho si Louie.


"Hoy anong ako? Ikaw kaya 'yung ayaw pang umalis kanina! Kung hindi pa nga siguro kita tinakot hindi ka na uuwi, eh!"


"Bangka talaga 'to," inis na bulong ni Vien na panay ang panunuyo sa akin.

"Oy magsalita ka naman," nakangusong sabi niya kaya hindi ko napigilan na matawa pero agad ko rin iyon na tinago.


"Napakatagal niyo kase! Kayo kaya paghintayin ko doon habang nag aalala kung bakit hindi pa kayo dumarating?" sigaw ko kaya agad silang napayuko na dalawa.


"Hindi naman ako galit eh, nag aalala lang ako dahil ang sabi niyo isang oras lang,"


"I'm sorry," sabi ni Louie.

"Sorry," sabi naman ni Vien.

Hindi pa 'rin ako kumibo kaya agad silang sabay na napabuntong-hininga. Sa mga gantong pagkakataon alam na nila kung ano ang makakapagpaalis ng galit ko.


"Tara na, libre kita," sabi ni Louie pero hindi agad ako nagpakita ng kasabikan.


"Scam," bulong ko.


"Promise, ano gusto mo?"


"Fries tapos ice cream," galit kunwareng sagot ko.



"Fine," at doon ay hindi ko na napigilan na ngumiti ng todo.



"Anong arte yan?" tanong ko nang mapansin ko si Vien na nakabusangot.



"Galit din ako Louie," kaya agad na tumingin si Louie sa likuran.



"Oh ano naman ginawa ko sa'yo?" takang tanong niya.



"Sus palusot pa, eh ikaw naman talaga may kasalanan kanina kung bakit anong oras na tayo nakabalik,"


"Oh eh ano naman ang gusto mo?"



"Burger tapos spaghetti," at doon nagliwanag ang mukha niya.


"Bili ka," at doon ay sabay na kaming tumawa ng malakas pero huminto rin kami nang makita namin si Vien na nakanguso at mukhang paiyak na.


Nagdrive thru nalang kami dahil anong oras na rin. Sinunod nga ni Louie ang gusto namin na dalawa. Siya ang madalas maglabas ng pera sa aming tatlo. At siya rin ang unang hindi mapakali sa tuwing hindi kami ayos na tatlo.


"Salamat sa libre," sabi ko matapos namin na makarating sa tapat ng bahay.


"Sus, malakas kayo sa'kin," nakangiting sagot niya pero agad na nawala iyon ng marinig namin na bumulong si Vien.


"Drama," at nang tingnan namin siya ay patay malisya na.



Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa bahay. As usual wala pa rin si Mama dahil anong oras na siya umuuwi dahil inaasikaso niya pa ang pwesto namin sa palengke para kinabukasan ay ayos na.



Binuksan ko ang ilaw sa loob at pumunta na sa kusina. Nilapag ko muna ang bag ko sa lamesa at ang pagkain na nilibre kanina ni Louie. Agad akong naglakad sa may ilalim ng lababo at kinuha ang isang kaldero na pinagsasaingan namin. Binuksan ko ang timba na pinaglalagyan ng bigas at napansin na malapit nanaman iyon na maubos. Nagtakal lang ako ng dalawa at agad iyon na hinugasan. Sinukat ko muna ang tubig na nailagay bago ito isalang.



Falling like the starsWhere stories live. Discover now