TEXTMATE
by HappyGirl19A one-shot story.
***
Bibihira na lang talaga siguro ngayon sa mga teen-agers ang walang cellphone. Ang iba nga parang hindi na kayang mabuhay pag walang cellphone.
Ginagamit para mag-text at tumawag.
Mahalaga kasi ang cellphone dahil andami nyang advantage at pwedeng gawin. Pero kung maraming advantage, marami ring disadvantage. Kadalasang dahil nga sa cellphone, nagsisimula ang maraming gulo.
Maraming taong ginagamit ang cellphone para manloko at usually dinadaan lang sa text. May mga modus ngang ganyan eh, yung nakikipag-textmate kuno tas makikipag-eyeball. Pagkatapos nauuwi sa rape at kinapping. Tsk! May narinig akong balitang ganyan.
May iba pa na biglang nagtetext at nagpapakilalang anak o ano at humihingi kunwari ng load dahil may emergency. Na try ko yan, akalain nyo, may anak daw ako? Ang laki pa nang hinihinging load.
At dahil rin sa cellphone, nasira ang pamilyang mahal na mahal ko. Dahil sa textmate-textmate na yan nasira ang relasyon ng ama at ina ko.
Mom discovered dad's having an affair with his textmate. I don't know the whole story, but they both became so cold with each other. I even heard them shouting over each other and couldn't even stop fighting. Then one day, dad left our home and until then, that home felt not home anymore.
And finally, they had their annulment succesful last year.
Huwag niyo akong husgahan, I asked dad. I even had to beg him to save the family he once loved, and asked him to bring back the happy life we had before. Well, that didn't help though. He told me he doesn't love mom anymore, and so as mom.
I was left no other choice but to accept that fact. Seeing mom happy and lively right now, everything seemed like thier decisions were right in the very first place. As long as they both find their happiness, I'll have to accept their choices. Nothing really matters more than seeing both of them happy with the life they're living right now.
The rest was a history. Basta mahal lang nila ako at susustentuhan.
In all fairness naman, gumagamit pa rin ako ng cellphone.
Di naman kasi pwedeng wala ako nito dahil kailangan ko to para madali kong ma-contact si dad at mom kapag di na kasya ang allowance ko. Actually, malayo ako sa kanila ngayon. Nag-aapartment lang ako dahil dito sa manila ko gusto mag-aral.
At saka para na rin madaling kontakin ang mga kaklase ko regarding sa mga subject matters. Alam niyo na.
"Oo nga pala friend, nag-change ako ng sim, palagi nalang kasi akong nananakawan ng load ng eh. Ewan ko ba." Isa rin yan sa disadvantage ng cellphone. Yung palaging nanakawan ng load.
Si Megan nga pala, close friend ko. Siya ang una kong naging kaibigan rito sa school at sobrang baliw rin yan gaya ko. Damayan na to.
"Ganun ba? Ano yung bago mong number, save ko rito."
"Uh eh, ako na magse-save."
After that ibinigay ko ang cellphone ko sa kanya. Nagtype sya dun at binalik yung cellphone saken. Sinave ko number nya.
Sabay kaming nataranta nang marinig namin ang school ring.
"Punta na ako sa classroom ko Debby. Text mo ko maya ha, sabay na tayong umuwi."
"Okay, okay. Meron ka na bang number ko na naka-save dyan? "
"Ah oo nga pala, text mo na lang ako tapos pakilala ka na lang male-late na ako. Kitakits mamaya. Babye."
BINABASA MO ANG
Textmate (Oneshot)
Teen FictionShe found herself drown into a really nice text coversation with a total stranger. Find out who this guy was and how he ended up being in her contacts as "textmate".