"PA'NO AKO NATUTONG MAGMURA"
Pa'no nga ba?
"PUNYETA KANG BATA KA! BOBO KA TALAGA ANOH?! PUTANG INA PA'NO NA'TO?! HINDI KA TALAGA NAG-IINGAT. YAWA KA! WALA KAY PULOS." 'Yan si Papa, araw-araw nagmumura. Ako naman ito, nagkikinig lamang sa pagmumura nito.
Alam ko naman po na wala akong kwenta pero 'wag niyo naman po sanang ipamukha papa.
~
"BWESIT KA TALAGA ABING NOH?!SINUMBONG MO PA TALAGA AKO! BA'T BA KASI KITA NAGING KAPATID?! SIGURO AMPON KA LANG! AMPON! AMPON! BLEHH." 'Yan si ate, gumagawa ng paraan upang ako'y mapagalitan. Siya ang prinsesa sa aming bahay, habang ako'y para nilang kasambahay.
~
"PUNYETA! BA'T NASIRA BULAKLAK KO DITO?! SINO NA NAMAN ANG MAY GAWA NITO?! IKAW SIGURONG TANG INA KA?!" 'yan si tita, sa bahay nila ako tumitira. Mura dito, mura doon.
~
"PA'NO AKO NATUTONG MAGMURA"
Pa'no nga ba?
Natuto akong magmura dahil choice ko ito. Mas pinili kong gayahin sila upang ako'y hindi na masyadong apihin nila.
~
"Punyemas"
"Yawards"
"Nyetik"
"Yuwu"
"Potchang"
"Potspa"
"Putchanghamnida"
'Yan ang aking mga mura, nakakatawa dahil hindi katulad sa kanilang pagmumura.
Gusto ko naman maging matapang,
Ngunit ako'y mahina pa rin lang.Gusto kong lumaban,
Ngunit hindi ako marunong makipaglaban.Gusto kong maging malakas,
Ngunit kapag kaharap sila ako'y nawawalan ng lakas.Gusto ko silang murahin pabalik,
Gusto ko silang murahin ng paulit-ulit.'Yong tipong mararamdaman nila 'yong sakit,
Sa mga pagmumura ko'y makikita nila 'yong pait.~Asyrist~
Thank you for reading!