"I'M A KILLER" (2)

5 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay ng tita ko syempre gala-gala rin pag may time noh.

Naglalaro kami ng aking mga pinsan ng habul-habulan kung sa'n hinahabol ko siya habang hinahabol niya'y iba char...

Habang naglalaro kami ng may bigla akong narinig na parang may nabasag na puso este  basta na may pagkamalambot sa aking inaapakan.

Agad ko itong tinignan at h-huta?!

"Uwaaaaaah, mama!" sigaw ko pa habang ngumunguwa.

Dumating naman agad sila tita at ang mga pinsan kong si Monggo at Loid. Kitang-kita sa kanilang lahat ang pag-aalala.

"Unsa to? Unsa to?" tanong pa ni Monggo ng may pagkatuliro.

"Ano yun? Ano yun?" pagtatranslate naman ng kapatid nitong si Loid.

Ewan ko ba kung matatawa ako o ano pero huhuhuhuhu...

Nagsimula na namang magsipatakan ang mga luhang sa pag-agos ay parang walang katapusan inshort sipon ko yung tumutulo char.

"Ano pala yung nahihitabo dito?" tagbis(Tagalog-Bisaya) pang tanong ni tita.

"Ano pala yung nangyari dito?" pagtatama naman ni Loid sa kanyang ina.

"T-Tita, ahm *hik n-nakapatay pwo a-akwo uwah!" Pa-iyak ko pang sabi habang tinuturo ang kawawang kuhol or suso na ngayon ay napisa dahil sa pagkakaapak ko rito.

Bigla naman akong binatukan at pinagtatawanan nila Monggo at Loid at si tita naman ay parang gustong manampal...

Spell Lagot?!

"A. K. O!" Sabi ko pa sa aking isipan.

"I love you, tita muah," Sabi ko pa with matching pahalik-halik sa pisngi nito sabay takbo ng mabilis.

"Asyng!" rinig ko pang sigaw nito.

"Yeyyy, I'm safe!" sabi ko pa sa aking sarili ng makalayo na ako with matching-matching smile nang wagi.

~Asyrist~

Thank you for reading!

One Shot Stories For YouWhere stories live. Discover now