Chapter 14

30 6 0
                                    

ANG CHAPTER NA ITO AY NAGLALAMAN NG MGA MABIBILIS NA PANGYAYARI. OK BASAWELL!

ASAHI

"Sorry natagalan ako ha?" sabi ni Kyong na halatang kagagaling lang sa school.

"Okay lang may iaabot lang ako sayo." sabi ko sabay abot sa bulaklak na nabili ko.

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Nang naglakad na siya pauwi ay nagumpisa na akong tumakbo dahil late nanaman ako sa practice. Habang tumatakbo ako ako may something na nagsplash na tubig sa mukha ko. Tinignan ko kung sino or ano ba ito. She's the girl na laging kinukwento ni Yedam at Jeongwoo. Kinuha ko agad ang panyo sa bag ko dahil late na nga ako.

"Sorry miss." Pag hihingi ko ng sorry sa babae. "Take this." Inabutan ko siya ng panyo at mabilis na tumakbo dahil oras na.

Habang tumatakbo ako ay nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Yedam. Nice, may kasama ako huh. Naglakad takbo ako para lang mahabol si Yedam.

"Ayos nagkasabay tayo Hyung!" Sabi ni Yedam sabay akbay sakin.

"May binili pako e, tsaka may nabunggo ako." Nagtawanan lang kami ni Yedam habang naglalakad.

Pagpasok namin ni Yedam ay nakahinga kami ng maluwag dahil wala pa daw si Jeongwoo. Gusto mo malaman pano huminga ng maluwag? Tanong mo sa pagong.
______________

*10mins later

"Sorry Hyung nalate ako. May ginawa ako sa school e." Hingal na sabi ni Jeongwoo kay Hyunsuk hyung.

"Hahahahahahaha! Okay lang magpalit kana! Hahahahaha." Ewan lang ha? Diko alam kung may sakit ba si Hyunsuk hyung. Habit na ata tumawa.
________________

Natapos na ang practice. Umupo ako sa tabi ni Jae Hyuk habang umiinom siya ng banana milk. Nilibot ko ang paningin ko sa studio. Sa sulok nakita ko si Yedam at Jeongwoo na nagtatawanan. Hays Yedam wag si Jeongwoo HaJeongwoo lang malakas.

"Oo nga Hyung.  HAHAHAHAHAH ang lampa kasi ni noona!" Sabi ni Jeongwoo kay Yedam habang humahalakhak.

Sa sobrang pagod ko ay nakaidlip ako. Pagbangon ko ay nag aayos na sila ng mga gamit nila. Habang papalapit ako kay Jae Hyuk na hawak ang gamit ko he throw my bag. Nasalo ko naman.

________________

Nagmamadaling umalis si Yedam sa dorm dahil late na daw siya sa school. Abala lahat sa pagpapractice kahit kulang kulang kami. Ang iba ay nasa school si Hyunsuk hyung at Jihoon hyung ay pinapunta naman ni CEO sa office.

After an hour ay dumating na sila Jihoon hyung. May hawak na papel si Hyunsuk hyung na schedule daw ng mga gagawin namin. Umupo sa tabi ko si Jihoon hyung habang si Hyunsuk hyung naman ay tumayo sa harapan para mag announce.

Lahat kami ay nakatingin lang sakanya habang nakaupo sa lapag. When hyung clear his throath ay binasa niya na ang nakasulat sa papel.

“Kaya kami napatawag ni Jihoon dahil nag over the bakod daw kami.” Pagbibiro ni hyung na kinatawa naman naming lahat. Kahit kelan talaga hyung.

“Seryoso na talaga mga friends. “ pagseseryoso ni hyung. “Kaya kami pinatawag dahil binigay na samin ang mga dapat gawin.” Huminto ng onte si hyung at tinignan kami isa isa. “Sa nakasulat dito ay unang maglalabas ng solo si Yedam.” Sabi ni Hyunsuk hyung na parang hinahanap si Yedam. Sinenyasan siya ni Mashiho ng ‘wala si Yedam’ sign. Tumango si hyung at nagpatuloy. “Pagkatapos ng solo ni Yedam ay magpapractice tayo para sa debut. Galinagan natin dahil debut yun. Goodluck sa ating lahat. Mag take muna kayo ng rest.” Sabi ni hyung at tumayo na lahat para magpahinga.

Umupo ako sa tabi ni Jae Hyuk at inabutan niya ako ng banana milk. Habang nagpapahinga kami ay lumapit si Hyunsuk hyung sa pwesto namin.

“Asahi tawagan mo si Yedam sabihin mo mauunang ilalabas ang solo niya. Siguro break time nila ngayon.” Sabi ni hyung na tinanguan ko nalang. At tinawagan si Yedam.

Beautifully Disastered ₪ Asahi HamadaWhere stories live. Discover now