KABANATA 12
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang naka-upo parin ako sa toilet na sinara ko at siya ay palinga-linga naman sa loob ng cubicle. Tininggnan niya naman ako at tinitigan. "Hoy! Kinakausap kita! Bakit ayaw mo mag-salita!"
"A-hh..ano ang ginagawa ko dito? Sinundan kita." Ani niya na nakatitig sa akin.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi niya kaya siya nandito dahil sinundan niya ako.
I felt my face getting hotter. "A-ano bang sinasabi mo!" pabulong kong hiyaw. "Bakit mo ako susundan? Nahihibang kana ba? Paano kung mawala ka? At tsaka paano mo ako nasundan?" takang-takang tanong ko.
Paano nga niya ba ako nasundan? Eh hindi naman pwedeng hinabol niya ang sasakyan namin? At hindi niya din alam ang lugar na ito panigurado. At hindi rin pwedeng magcommute siya noh!
"Ang aking akala kasi ay umalis na kayo sa mansiyon. At paano kita nasundan? Sinundan ko ang Amoy mo." pahanging niya pang salita.
Hindi naman ako maka-paniwala sa sinabi niya. Sinundan niya amoy ko? Ano siya hayop? Hayop na Leon?
"Leonel naman! Leon kaba? Ha? Anong sinundan ung amoy ko. Sabihin mo lang kasi mahilig kang umalis at gumala kaya ka napadpad dito!" singhal ko sa kanya.
Tinaasan niya na naman ako ng kilay! "Bakit hindi ka na lang matuwa na hinanap kita? Dapat nga ay mag-pasalamat kapa dahil may naghahanap sayo ng ganito kakisig."
Napamaang naman ako sa sinabi niya. Napaka-hangin niya. Parang hindi naging lantang gulay noong isang araw. At ito siya ngayon sa harap ko na parang walang nangyari at bumalik na naman sa pagkaka-antipatiko.
Manghang-mangha ko siyang tininggnan. "Wow! Wow! It's so unbelievable!" Mangha kong kumento sa kanya at tumayo at pumalakpak pa sa harap niya. I do the slow clap, like I'm overwhelmed because of what he said.
Nginitian niya naman ako. Ngiting-ngiti pa na parang nanalo sa isang lotto. Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Naintindihan mo ba sinabi ko?" takang tanong ko.
Nakangiti parin siya. "Hindi." at nawala ang kanyang ngiti. Bumalik sa pagkaka-antipatiko ang kanyang mukha na puno ng kahanginan.
"E, timang ka pala eh, ngingiti-ngiti ka hindi mo naman pala naintindihan." at pinanlakihan ko siya ng mata.
"Timang?" takang tanong niya.
"Timang! Parang may saltik, o tanga, parang may problema sa pag-iisip! Ahh basta! Ganun."
"Eh ikaw pala ang timang sa ating dalawa, hindi ba? Nag-salita ka sa ibang lengguwahe kahit alam mo namang hindi ko naiintindihan." sabay ngiti.
My jaw went dropped on what he said. Nagpupuyos sa inis ang kalooban ko sa multong to. Ako? Sinabihan niya ng timang! Nakapa-antipatiko talaga!
Konting kontrol pa kung hindi ilu-lublob ko ang pagmu-mukha nito sa bowl.
"Ahh..ako?" Turo ko pa sa sarili ko. Tumango naman siya. Binigyan ko naman siya ng matamis ng ngiti. "Ako talaga? Sigurado kana?" paninigurado ko pa sa kanya.
"Oo naman." proud niya pang sagot!
Nagkibit-balikat naman ako. "Okay." at nilagpasan ko siya, pumunta na ako sa likod niya malapit sa pinto ng itulak ko siya at sinipa ang likuran ng kanyang tuhod. Napa-luhod naman siya sa ginawa ko hindi niya siguro inaasahan yun.
Nakaharap na siya ngayon sa bowl. Gulat na gulat ang kanyang mga mata sa ginawa ko sa kanya. "A-nong—" Pinutol ko na siya sa pagsasalita niya.
"Manahimik ka!" binuksan ko ang toilet. "Nakita mo yan? Ha! Sumagot ka!" Gigil na singhal ko ngunit pabulong lang.
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...