Maaga ako nagising kasi flight na namin mamayang hapon. Naligo ako at nag-ayos. I checked all the things I need to bring. Nang maayos na ang lahat, naupo ako sa kama and started dialing nanay's number.
"Hello?"
"Goodmorning nanay!"
"Van? Vanity nak, ikaw ba yan? Bakit ka tumawag? Akala ko flight mo ngayon?"
"Nay mamayang hapon pa ho. Kumusta ho?"
"Eto mabuti nak. Kasama ko ngayon si Salud. Nandito kami sa mansyon."
Dahil mejo matanda na si nanay, sa mansyon na rin sya naka-assign. Hindi naman na kasi siya pwede sa manggahan. Buhat-buhat kasi ang mga trabaho sa manggahan. Mahirap na.
"Naku nay, wag ho kayong magpapagod ha. Baka ho sumpungin kayo ng rayuma niyo. Hindi niyo pa naman ho ako madaling mako-contact ngayon."
"Oo Vanity. Nak umiiyak ka ba? Bakit ka sumisinghot?"
"Nay sinisipon lang ho ako."
Actually umiiyak talaga ako. Ito kasi yung first time na sobrang layo ko kay nanay. 5 months din akong mawawala.
"Naku, ikaw ang mag-ingat jan. Hindi kita mapupuntahan at magagawan ng sopas kapag nilagnat ka. Naku malaki na talaga ang anak ko. Ang layo layo na ng narating mo. Makaka-abroad ka na. Pasensya ka na kay nanay ha nak. Kung hindi kita maihahatid sa airport."
"Nay naman eh. Ok lang ho. Basta ho tatawag ako sa inyo every week. Mamimiss ko ho kayo."
"Ala mami-miss din kita Vanity. Love you nak. Wag kang mag-alala sa akin. Marami kami dito. Kumain ka ng tama jan ha. Wag kang magkakasakit. Icheck mo lahat ng gamit mo."
"Oho nay kayo rin ho. Love you ho."
"Sigi na anak. Mag-ingat ka"
"Oho."
Humagulgol ako ng iyak pagkatapos. Mami-miss ko kasi si nanay. Ngayon pa nga lang nami-miss ko na sya eh.
Sinigurado ko muna na na hindi na ako umiiyak nang si Lerine naman ang tinawagan ko.
"Hello Van,"
"Lerine, where are you?"
"Nasa bahay pa Van."
Magsasalita pa sana ako nang may marinig akong nagsalita. Lalaki ang boses pero hindi ko maintindihan yung sinasabi. Si Daien ba yun?
"Lerine, mamayang hapon na ang flight ko. Gusto mo bang dito na muna sa condo ko tumira?"
Nagrerent lang kasi si Lerine ng bedspace. Sabi niya para daw makaipon siya agad. Inoffer ko sa kanya na dito na tumira noon. Pinilit ko pa nga sya. Pero ang bruha, ma-pride.
"No wag na. Ok lang naman ako dito sa apartment."
"Actually Lerine. Hindi ko pala hinihiling. Inuutusan kita na dito tumira para may magbabantay sa condo ko."
Syempre alibi ko lang yun. Nag-aalala din naman kasi ako kay Lerine.
"Ok Van. Sigi pupunta na ako ngayon."
"Ok, bye."
Habang hinihintay ko ang pagdating ni Lerine, Naupo ako sa couch and turned on the TV. Dyaran, teleserye ni Mikaella ang palabas. Badtrip lang.
"Hello Ianne, kumusta ka naman? Siguro ang saya saya mo na masosolo mo ang boyfriend ko habang nasa Las Vegas kayo?"
Isang gabi habang pauwi ako, tinawagan ako ni Mikaella.
BINABASA MO ANG
Next to you
Narrativa generale"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...