May nabasa kasi ako, eh dahil sa maluwag NG KAUNTI ang mga turnilyo ko sa utak eh ganito ang napasok sa isip ko. AT VOILA, eto ang resulta! HAHAHAHAHA!
HAPPY READING!
"Hoy boyfriend, alam mo ba kung anong araw ngayon? ^_____________________^" Tanong ko sa boyfriend ko.
"Tanga tanga ka ba? Hindi na ba uso sayo ang calendar girlfriend? Check mo na lang jan sa phone mo." Sagot naman ng boyfriend ko.
=____________________=
Ganyan talaga kami. Sweet kami sa isa't isa. Ayaw maniwala kukutusan. =___=
'De joke lang. Ganyan lang talaga siya, dinaig ang mga menopausal. Pero mahal ako niyan, di lang halata. At tsaka pag nagmahal yan, emeged lang! Kabog ang lahat. Pati ang araw at buwan! Tag-araw at tag-ulan! Okay korny. =___=
"Ikaw naman boyfriend eeh. Nagtatanong ako ng matino, sumagot ka ng maayos."
"Maayos naman yun ah? Muka ba akong may sira?"
Nandito pala kami ngayon sa may school. Tapos naman na ang klase, nagpapalipas lang ng oras dito sa may basketball court.
Tsaka importante kasi yung araw ngayon eh. Ahhihihi.
"Eh basta boyfriend, ano ngang araw ngayon?"
"Kung di lang kita mahal girlfriend eh. Saturday! Sa susunod kasi magcheck ka ng araw hindi yung tanong ka ng tanong. Kita mong natutulog yung tao eh. Sa susunod yun na lang ang ireregalo ko sayo sa birthday mo, kalendaryo."
Sweet niya no? Kalendaryo ang ibibigay sa birthday ko. Sabi nga nila "It's the thought that counts, not any material possessions."
=_____=
May saturday classes pala kami ng boyfriend ko. At eto nga natutulog siya at nakahiga sa may lap ko.
Kahit kailan talaga ang gwapo ng boyfriend ko! Masungit lang talaga pero mahal na mahal ako. Ahihihi
Pero mabalik nga tayo sa ngayon, importante 'tong araw na 'to eh.
SECOND YEAR ANNIVERSARY po namin. Tapos nakalimutan niya. Kung kelan naman anniversary tsaka nakalimutan.
Di ko na talaga natiis. Tinulak ko yung ulo niya dahilan para magising siya at mapatayo mula sa pagkakahiga ko.
Nagsimula ng tumulo yung mga luha ko. Importante 'tong araw na 'to eh. Eto yung araw na nagkaroon ng "KAMI". Eto yung araw na nagkaroon ako ng dahilan para maging masaya. Eto yung araw na nagkaroon ako ng inspirasyon. At eto yung araw na nagsimulang umikot yung buhay ko hindi lang sa mga nakasanayan ko na at para sa akin kundi para sa taong mahal ko, para sa taong gusto kong makasama pang habang buhay.
"GIRLF---riend. B-bakit ka umiiyak?! May problema ba?! May masakit ba sa'yo?! Anong nararamdaman mo?! Sabihin mo! May umaway sa'yo?!"
Sunod sunod na tanong sa akin ng boyfriend ko.
Halata mo sakanya na nagaalala siya. Pero di ko siya masagot dahil iyak lang ako ng iyak and at the same time naaasar at nalulungkot ng dahil sakanya.
"Alam mo?! Ang tagal na ng pinagsamahan natin eh! Pero bakit ngayon pa?!"
"Di kita maintindihan girlfriend ko."
"Wag mo akong matawag tawag na girlfriend!"
"Mahal kita!" Natahimik ako.
Dalawang salita na laging nagpapatahimik sa akin. Dalawang salita na minsan niya lang sabihin pero pagsinabi niya yun, yun yung tipong magugulat ka kasi ang random niya kung sabihin iyon. Dalawang salita na nagtatanggal ng galit ko sakanya.
"Girlfriend ko! Please! Kung may nagawa ako sayong mali, itatama ko. Kaso wala talaga akong matandaan eh. Girlfriend ko mahal na mahal kita. Wag naman ganito oh."
"Eh ano nga kasing araw ngayon?!"
"Saturday nga po girlfriend ko."
"Oh anong meron sa saturday?"
"Uhm ano...may pasok tayo. Weekend. Walang pasok yung iba." Kita niyo na?! Wala siyang kaalam alam na second anniversary namin!
"Walangya naman oh! Nakalimutan mo?! Wow! Hiyang hiya ako!" Sabay tayo ko at nagsimula ng maglakad palayo sakanya.
Pero hinabol niya ako at nandito siya sa harapan ko at may mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.
"G-girlfriend please! Wag naman ganito. Sabihin mo kasi hindi yung wala akong kaalam alam. Please. Mahal na mahal kita."
"Gusto mong malaman?!" Tumango siya bilang sagot habang patuloy kaming dalawa na umiiyak.
"Today is not just a normal Saturday; today is December 10th, 2012; supposedly our second anniversary." Tapos iniwan ko na siyang nakatayo dun. Nagsimula na akong maglakad. So I think it's over for us.
Kaso bigla akong napatigil sa paglalakad ng biglang may yumakap sa akin ng sobrang higpit.
At parang kusang bumalik yung mga luha ko sa mata ko sa sinabi niya.
"Bobo! Tanga tanga! Kahit kailan talaga ang girlfriend ko tanga! Buti na lang mahal kita!
DECEMBER 8, 2012 pa lang po ngayon. Masyado kang advance. Dapat talaga sayo may bitbit na kalendaryo araw araw. O kaya dapat may built-in calendar ka sa katawan mo. Nakakabaliw ka girlfriend ko! Ang tanga tanga mo! Papatayin mo ako sa takot. Akala ko kung ano na. Mahal na mahal kita eh."
AYYYYY. TANGA!
MALING AKALA!
EH DI NGANGA! HIYANG HIYA NAMAN AKO DUN.
THE END. HAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Maling Akala! (ONE SHOT)
RomanceMALING AKALA! EH DI NGANGA! Happy reading! Sana magustuhan niyo. Romance-Humor One Shot Story