Cray's POV
"Pre, alam mo na ba yung ginawa nina Seb?" tanong sa akin ni Zant habang nag-aayos ng gamit sa kotse.
"Ang alin bro?" ano na naman bang ginawa niya? hay nako.
"Pinarusahan daw nila yung babaeng sumampal sayo kanina. Haha!" patawang sabi ni Zant
"Wait. What?! She did that?!" what in the hell Kazea?!
"Oo pare, ganun ka kagusto ni Kazea!" pabirong sabi ni Azon.
"Bro, alam naman natin na kasalanan natin yung nangyari kanina kaya ako sinampal" seryosong sabi ko sa kanila"
"Hayaan mo na pre, mahal ka lang talaga ni Kazea" sambit ni Azon.
"Tara na nga! Ang dami niyong kalokohan!" sumakay na ako sa kotse ko para makauwi na.
—
Frey's POV
While on my way to the parking lot, I saw the guy na bumato ng bola sa akin at yung lalaking nagtapon ng gamit ko sa basurahan.
I overheard them kaya nagtago ako sa kotse na dalawang pagitan mula sa kinatatayuan nila.
"Pre, alam mo na ba yung ginawa nina Seb?" tanong nung Zant dun sa lalaking nagtapon sa gamit ko.
"Ang alin bro?" Tanong nito.
"Pinarusahan daw nila yung babaeng sumampal sayo kanina. Haha!" Patawang kwento nito.
Akmang susugod na ako para kausapin sila ng biglang nagsalita yung lalaking mayabang na si Cray.
"Wait. What?! She did that?!" Galit na tanong ni Cray.
"Oo pare, ganun ka kagusto ni Kazea!" sabat nung isa pa nilang kasama na matangkad.
"Bro, alam naman natin na kasalanan natin yung nangyari kanina kaya ako sinampal" buti alam niya!! Nanggigigil na ako!
"Hayaan mo na pre, mahal ka lang talaga ni Kazea" valid reason ba 'yon?! Pero bakit si Pen ang sinaktan nila?!
"Tara na nga! Ang dami niyong kalokohan!" sumakay na sila sa kotse at umalis na.
Dali dali akong pumunta sa kotse ko at pinaandar na ito.
Nakita ko na si Pen na naghihintay sa tapat ng gate ng school.
"Are you alright?" tanong ko sa kanya
"I'm okay, don't worry" mahinang sagot niya
"Sinong gumamot sa mga sugat mo?"
"Nagpunta ako sa clinic para ipalinis" sagot niya at tumango na lang ako.
Hindi kami nag iimikan sa buong 20 minutes na drive at pagkahatid ko sa kanya dumiretso na ako pauwi.
Pagdating ko sa bahay nasa labas si kuya Francis mukhang may hinihintay.
I parked my car sa garahe at pagbaba na pagbaba ko hinila ako ni kuya papasok ng bahay.
"What happened to Penelope?! Bakit kayo pumunta sa Interdit Garden?!" galit na sabi nito.
Paano niya nalaman?
Dahil siya ang Guidance Counselor sa school na pinapasukan namin ngayon ni Pen, siya yung kaharap namin kanina with the Dean.
"Kuya! Bakit ba kami lang ang dinidiin?! Hindi naman kami pupunta doon kung hindi dahil dun sa mald—"
"Stop making excuses sa mga kalokohan mo Freanne! Alam mo bang pwedeng maapektuhan ang trabaho ko ng dahil sa ginawa mo?!" pagputol niya sa sinasabi ko
"Kailan ka ba nakinig sa akin? Palibhasa puro trabaho at sarili mo lang iniisip mo! Kuya kapatid mo ako! Pakinggan mo rin ako! Napaka walang kwenta mong kapa—"
He slapped me...
Tumakbo ako paakyat sa kwarto dahil sa pagkabigla ko.
"Freanne! Bumalik ka dito!" pagtawag sa akin ni Kuya.
Oo na, wala akong karapatan sabihin 'yon. Pero 'yon ang pinaramdam niya sa akin mula nung nawa— biglang kumatok si Yaya Mely.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas, schoolmate niyo raw po"
Sino na naman 'yon?
"Nandyan pa ba si kuya?" tanong ko.
"Wala na po, kaaalis lang" sagot nito.
"Sino yung naghahanap sa akin?"
"Schoolmate niyo raw po, hindi sinabi ang pangalan pero lalaki po"
Lalaki? Wala naman akong close na lalaki sa school since bago lang ako dun..
"Sige, Ya Mely. Pakisabi bababa na ako"
BINABASA MO ANG
We Are Not Meant To Be
Подростковая литератураNo tea can be spilled here in the description.