Wake Me Up[ 1 Shot Story]

2 1 0
                                    

" Shooooo ! Bitawan niyo si Wake me up ! " bugaw ko sa mga alagang manok ni papa . Agad kong kinuha si Wake me up , ang manika kong hindi ko kayang mahiwalay sa'kin .

Ewan ko ba kung bakit? Sa tuwing matutulog ako o kaya'y may pupuntahan ako ay palagi kong bitbit itong manika ko. Napamahal na'ko sa kanya eh ,siya yong napagsasabihan ko ng problema sa tuwing malungkot ako.

Human size kasi itong si Wake Me Up eh kaya parang kapatid ko na din siya, parang tao na din kaharap at kalaro ko. Sinasabay ko nga siya sa pagkain ko, mukhang sa lahat ng bagay o gagawin ko ay siya palagi ang kasabay ko. Siya lang ang kakampi ko busy kasi parents ko palagi eh, i understand them naman.

Pumasok ako sa loob at nagtungo sa kwarto ko. Pagdating ko ay inilapag ko si Wake Me Up sa kama para makapagsimula na'kong maligo.
Amoy pawis na kasi ako, pano ba naman eh naisipan kong mag tanim ng bulaklak kanina sa harap ng bahay namin. Himala din at may gana akong magtanim kanina, most of the time kasi tamad ako.

Nilingon ko muna si Wake Me Up bago ako pumasok sa banyo, shit! Ansarap sa pakiramdam.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at naglakad patungo sa kabinet ko para makapagbihis na. Mag momovie marathon ako ngayon sa living room. Syempre kasama na naman ang aking pinakamamahal na si Wake Me Up.

Pagbaba ko sa living room ay agad akong sinalubong ni Papa. Hindi ko nga pala kasama si Wake Me Up, nandon sa kwarto iniwan ko baka napano yon kanina. Papacheck ko muna siya, baka 'pag dalhin ko siya dito sa baba pagpyestahan na naman siya ng mga alagang manok ni Papa.

"Bell , nakita mo ba ang alaga kong manok ? " tanong sa'kin ni papa , agad akong humarap sa kanya at umiling .

" Hindi po papa , kanina ko lang po sila nakita . Kinagat pa nga nila si Wake me up e " sagot ko kay papa .

" Sige , hahanapin ko na muna " paalam ni papa , tumango lang ako sa kanya .

Ilang oras na ang lumipas at Hindi pa din nakakabalik si papa . Kaya napagdesisyonan kong tumulong nalang sa paghahanap .

Pumasok ako sa kusina , ngunit wala si papa roon . Kaya pumunta ako sa likuran , kung saan nilalagay ni papa ang mga alaga niyang manok .

Lalabas na sana ako ngunit ako'y natigilan , natutop ko ang aking bibig ' bakit ? Bakit niya to nagawa sa'min ? Anong nagawa namin sa kanya ? ' Kitang - kita ng dalawa kong mga mata , kung paano tumarak ang kutsilyo sa nuo ni papa , kung paano umagos ang dugo . Nakangiti siya habang nakatingin sa bangkay ni papa .

" W-wake me up " sambit ko sa pangalan niya , hindi padin ako makapaniwala sa'king nasaksihan , nanginginig ako , nanigas ang katawan ko , Hindi ko maihakbang ang akin mga paa . Humarap siya sa'kin at unti-unting napawi ang kanyang ngiti ng mapagtanto niya kung sino ang tumawag sa kanya .

" A-ano to ? B-bakit ?--" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko , naramdaman kong may tumarak sa dibdib ko , sapol sa puso .

" W-wake me up " Muli kong sambit sa pangalan niya, unti - unting nagdilim ang paningin ko , bumagsak ang katawan ko sa lupa at naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko .

" I'm your best nightmare " Sambit niya bago ako tuluyang mawalan ng malay .
--------

Hope you like it🙃. I have a lot of 1 shot stories to post here.

Thank youuuuu!

@avi_bimoko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wake Me UpWhere stories live. Discover now