Kabanata 19
Post
"Kakainis!" Sambit ni Victoria habang sinusuklay ang kanyang buhok.Nakauwi na siya sa barracks at naghahanda na matulog. Usap-usapan ang pagkakainitan kanina sa pagitan nila ng mga sundalo. Naiinis siya dahil nagpauna sa mga emosyon nila si Win at Gregory. They could be in big trouble if they hurt each other.
Humiga si Victoria at tinitigan ang kisame ng tent. Inulit niya sa kanyang isipan ang mga nangyari sa dinner. Gregory acted weird. May girlfriend siya!
And Win... may kakaiba siyang nararamdaman. He's kind of territorial? At hindi siya mangmang. This happened with Theo in highschool.
But she always made it clear to everyone na hindi siya interesado magkaroon ng relasyon. She's always vocal kaya hindi niya maintindihan bakit ganito ang inaakto ng kaibigan niyang si Win.
Or maybe he doesn't like Gregory's guts kaya mainit ang dugo nito?
Dahil hindi siya makatulog kahit na maaga ang training bukas. Bumangon siya at dahan dahan naglakad papalabas ng tent. Nagpunta siya sa labas. May ilang mga sundalo at pulis na rumuronda sa kampo.
Dahan dahan ang lakad niya papunta sa tahimik na lugar. Liblib ito at wala masyadong rumuronda. Nanunuot ang malamig na hangin sa kanyang balat. Medyo may kataasan ang lugar kaya matatanaw ang city lights.
"Wow," she whispered and hugged herself.
"Yeah."
Nagulat siya sa boses na narinig. Mabilis niyang nilingon ang puno sa likuran niya. Tanging ang nakasinding sigarilyo lamang ang nakikita niya mula sa lakaking nakaupo doon. Humihithit ito at marahang binuga sa hangin.
"What are you doing here?" Tanong nito kay Victoria at bumaba mula sa sanga ng puno.
"Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ng dalaga pabalik.
Ngumisi si Gregory at tinapakan ang kanyang sigarilyo.
"This is my post. Anong akala mo? Sinusundan kita? Luh, feeling." Kibit balikat ni Gregory at hinawakan ang gatilyo ng kanyang baril.
Kumunot ang noo ni Victoria.
"But this is outside the camp. At saka puwede ba, wag ka ding assuming na iniisip kong sinusundan mo ako?" Aniya pa at nilingon ang madilim na paligid.
Tinuro ni Gregory ang night vision nito na nakadikit sa kanyang helmet. Tumango si Victoria. Yeah, he can see outside with that night vision.
"I do the rounds here, every night. You should be sleeping. The joint training starts tomorrow." Ani Gregory.
"Can't sleep." Ani Victoria at binalik ang tingin sa mga kumikislap na ilaw mula sa bahayan.
"Akala ko sa Manila ka na for now?" Tanong ni Victoria.
"I thought so, too. But here I am now. Wala rin naman akong choice. Tawag ng tungkulin."
Kinagat ni Victoria ang kanyang ibabang labi sa sinabi ni Gregory. Humalukipkip siya lalo ng bumuga ang mas malamig pang hangin.
"Masaya ka ba?" Tanong niya na nakapagpalingon sa binata.
Tumama ang kaunting liwanag ng buwan sa mahabang baril na nakasukbit sa harapan ni Gregory.
"Para saan?" Tanong niya.
"Sa kung ano ka ngayon?" Tanong ni Victoria.
Humalakhak si Gregory sa tanong nito. Para bang isang malaking biro iyon.
BINABASA MO ANG
Camouflage (Querio Series #3)
General FictionMaria Victoria de la Vega was a woman of ambition. She already set her whole life in a strategic manner from finishing her degree to her career. But only thing was missing: her plan for love. She always believed that she'll never have it. As it wi...