Two months runs so fast, dalawang buwan na pala akong kasal.
Tumira kami sa mansyon ni Neith sa isang high-end subdivision named, Cuidad de Braganza, Madalas ako lang ang nasa mansion na iyon kasama ang driver at isang katulong, laging wala si Neith, call of duty, minsan isang linggo siyang wala minsan naman umaabot lang ng tatlong araw at uuwi din siya agad.
Ganito pala ang maging asawa ng sundalo, natatakot na nga ako na baka may mangyaring masama sa asawa ko dahil sa uri ng trabaho nito tapos bilang lang din ang araw na magkasama kami. Minsan didiretso pa ito sa opisina at doon mamamalagi para trabahuin naman ang kompanya ng pamilya.
Neith is still the same, lalo na kapag kaharap nito ang abuelo. Nagiging cold siya sa lahat ng tao, even sa akin. Pero kapag kaming dalawa na lang ang magkasama, he transform his self into a hot beast lalo na kapag sa kama ang usapin.
He is so healthy. Yung unang gabi lang namin na pinagsaluhan ang pulo't gata ang hindi masyadong nakakapagod. After nun, mahina na ang makatatlo kami sa magdamag. After our love making balik na naman siya sa pagiging cold hearted beast. Feeling ko talaga, sex lang ang nagbubuklod sa amin.
"Ang lalim ng iniisip? So deep?"
Biglang pitik ng daliri ni Trish sa harapan ko para siguro magising ako sa mahabang pagkakatulog nang nakamulagat ang mga mata.
Tinuloy ko pa din sa university ang pag-aaral ko. Two months more at gagraduate na rin kami.
"Hindi pa ba siya nakakauwi? Mukhang tumagal yata duty niya ngayon?"
"Hindi pa."
"Bakit hindi mo kumustahin? I-text mo or tawagan."
"Nakakahiya eh." Namumula kong bulong
"Ay gurl! Okay ka lang? Asawa mo yun! Pero pagdating sa kama wala kayong hiyaan!"
Wala akong inililihim kay Trish, kahit man lang sa kanya mai-open ko ang pinagdaraanan ko ngayon.
"Hindi nga sya nagtetext or tumatawag sa akin."
"Matalino ka nga!" bigla nitong saad
"Tanga ka kasi sa pag-ibig, hindi mo alam ang dapat gawin!
''Hello, may label na nga kayo eh! Magjowa as in mag-asawa! Legal na gurl!"
"Dapat ba kumustahin ko siya?" nakakatangang tanong ko
"Haissst! Ewan ko sa iyo! Ikaw tong asawa kaya na saiyo ang lahat ng 'k' para kumustahin ang Neith mo!"
"Sige ka baka ibang babae na ang nangungumusta dun!" her eyes are rolling.
---------
Habang lulan ako sa loob ng kotse, mataman kong tinititigan ang cellphone na regalo ng aking abuelo. Kanina pa ako nagdadalawang isip kung tatawagan or i-tetext ko si Neith. Grrrr kainis! Bakit naman kasi ganito ang set up namin?
"Take good care of yourself." Yun ang naisip kong itext sa kanya, I'd waited for his reply. Nakarating na ako sa bahay at nakakain na ng hapunan but still no reply from Neith.
Sabi ko na, dapat hindi na ako nag effort.
Nakahiga na ako sa kama at umaasa pa rin, naghihintay ng sagot mula kay Neith, wala sa sariling minsan nasusuntok ko ang mga unan sa aking tabi or ang mapasabunot ang sariling buhok, hindi ko naman pwedeng itext ulit siya at pagsabihan na bakit hindi magreply sa message ko. Oh this is really terrible.
Feeling ko wala akong kwentang asawa. Hindi niya ako pinapahalagahan. Gabi-gabi na lang nadaragdagan ang bigat ng kaloobang dala-dalahin ko. Aaminin ko na I am falling hardly inlove with my husband.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Ficção GeralPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...